A - First Beat

33 4 0
                                    

Paalis na ako ng bahay, nang biglang lumakas ang nagbabadyang ulan. Ano ba naman yan ang nasabi ko sa sarili. Kung kelan ba naman aalis na ako saka umulan ng napakalakas.

Pagdating ko ng school, tumingin agad ako sa orasan. 6:50 na, ughh. Kainis na ulan yan. Na-traffic tuloy ako.

Late na ako. A student must be arrived in school within 6:45am; di pa nasakto oh. Napabuntong hininga na lang ako pag pasok ng classroom. Nakipagchikahan na lang ako kila Argel at Elise para mawala ang stress ko. Baka 'di pa ako makapag-focus niyan mamaya.

Dumaan na ang ilang subjects pero nakatulala lang ako at iniisip ang existence ni Earl sa gawing kaliwa ko. Malayo naman siya pero ugh! Nakikita ko pa rin siya.

Mapeh time na at ito ang isa sa pinakanakakatuwang subject dahil andaming activities kaya hindi ka maboboring.

And we gotta go to our seats by group. Ang malala pa, ka-group ko si Earl.I don't know why my heart doesn't stop beating fast. It beats on it's own, na parang kabayong nangangarera. Katabi ko pa siya. Wait! And why I am so stress sa existence niya?

Lunch na at iniisip ko pa rin kung bakit awkward ang puso ko sa lalaking 'yon. Either because of the friend request or the dream. Hay! In-enjoy ko na lang yung pagkain ko kahit hindi ko na malasahan yun.

Ang sarap ng kain ko nang biglang pumasok si Earl sa pinto —nasa harapan kasi ako umupo para makipag-chikahan kay Elise at Argel— nasamid tuloy ako at inubo. Nakita niya pa akong lumalamon! Ang pangit ko pa naman habang sumusubo at ngumunguya.

Inabutan naman agad ako ni Argel ng tubigan ko. "S-shalamat *ubo* *ubo*" sabi ko habang inaabot ang tubigan ko. Iniwasan ko naman ng tingin si Earl dahil nakatingin siya sakin ngayon dahil nasamid nga ako.


Pagdating ko ng bahay, pagod na pagod akong umupo sa salas namin. Parang tumakbo sa isang marathon. Pagod ang utak ko ngayon. At parang magkakasakit ata ako ngayon. Ang bigat din ng pakiramdam ko



Naalala ko tuloy kanina.


"Sky! May question lang ako." bungad sa akin ni Argel.

"Sige, ano yun?"

"Kanino ka nagwa-gwapuhan
sa class natin?"

"Huh? Ah-ano. Ikaw, kanino?"

"Grabe ka. Ikaw tinanong ko eh."

"Kay ano." Bakit ba kasi ako tinanong nito eh! Wait. Bakit ako kinakabahan? Sky, why? Sino nga ba? Ahmm..

"Ahmm-ano kay Earl." nangangatog na sabi ko.

"Nagwa-gwapuhan lang ah. Walang halong crush haha." paliwanag ko. Baka kasi ma-misinterpret niya eh.

"Asus! Earl ka pala ah."

"Eh, ikaw? Sino?" pagiba ko ng topic.

"Hmm, siguro, si Jake haha."

"Kase funny na, matalino pa.
Astig! Sa'n ka pa"


At nagkwentuhan kami hanggang paguwi.


I'm Secretly In Love with my ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon