S- First Gift

23 4 0
                                    

Whenever I look up the sky, I feel something warm wrapping around me. Mas lalo na kapag maganda ang panahon. 'Yung hindi masyadong mainit dahil sa mga ulap at malamig ang simoy mg hangin? Ang sarap sa feeling. Kaso may bumabagabag pa rin sa isip ko: regalo ni kuya Kim. Kahapon, nagpunta daw siya sa bahay para tutor-an ang kapatid kong si Santi. At...binigay niya na 'yung regalo.


Naalala ko kahapon, "A-ano po ito?" ipinakita ko sa kanya ang binigay niyang regalo. "Wala lang. Gusto ko lang. Tsaka big day mo bukas eh." sabi niya nang naka-ngiti sabay kindat.

Si mommy naman pinagmamasadan lang si kuya Kim. Hay naku! Mommy talaga, di nakuntento sa gwapo kong ama. Natawa na lang ako.


Napakunot tuloy ng noo si kuya. "U-uhmm...sige kuya, s-salamat po dito." sht! ba't ba ako kinakabahan!? Nagpaalam na si kuya at sumakay sa kanyang Mirage— bakit di ko napansin 'yun kanina? —pero bago pa siya makasakay, kumindat pa siya habang nakangisi. Naman oh! Ano bang nangyayari sa kanya?


Hay. Napabuntong-hininga na lang ako at napatitig ulit sa naka-kahong regalo. Wala namang nakaka-alam ng birthday ko except sa pamilya ko. paano niga kaya 'yon nalaman? Nagsimula na akong mag-prepare para sa pasok ko't baka ma-late pa ako.


Sumakay na ako ng sasakyan ni daddy. Actually, hindi naman ako laging hinahatid ni daddy siguro may pupuntahan lang siya kaya sinabay na niya ako. Watalayp.


Pagbaba ko ng kotse namin, nakita ko agad si kuya Kim. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.


Kung babalik ba ako ng sasakyan, kaso baka magtaka si daddy at pabalikin ulit ako, nonsense.


Kung magtatago ba ako, pero saan? Kung hintayin ko ba siyang makaalis, pero baka naman ma-late ako niyan.


Napabuntong-hininga na lang ako at nag-simulang maglakad. Kainis! Let's just face this destiny.


Nagkatinginan kami sa mata at...nginitian niya ako!? Ang layo ko na nga sa kanya nakita niya pa ako? Imposible! Kaya ito ako nakangiwi lang. Pilit na ngumingiti. Tumakbo siya papalapit sa'kin habang yung buhok niya nagba-bounce.

Wala naman na akong 'feelings' sa kanya pero nagwa-gwapuhan lang. Sino ba naman ang hindi magwa-gwapuhan diba? "Sky! Nagustuhan mo ba regalo ko?" sabi niya nang makalapit sa akin. "A-ahhmm...kasi ano." hindi ko masabi na hindi ko pa 'yon na bubuksan. Kainis! Sabi na eh. Dapat binuksan ko 'yon para hindi ako kabahan ng gan'to.


"Sky? Huy, Sky!? Huuuuuu-" nagulat ako nang narinig ko ang boses ni daddy at tinatapik ang mukha ko. "-uuy!!" sigaw ni daddy habang tinatapik-tapik pa ako. Panaginip lang pala 'yun!? "Mukhang puyat ka kagabi ah?" tanong ni daddy nang nakita niya akong gising na.


Tumingin ako sa labas ng kotse namin at nandito na pala kami. Hinanap agad ng mata ko si kuya Kim at nang hindi ko siya mahagilap, naginhawaan ako. "Sige, dy! Pasok na ako, salamat!" sabi ko habang bumababa sa sasakyan.



Dumaretso ako sa room namin na nasa third floor, 301 to be exact. Di ako makapaniwala na napanaginipan ko pa siya ngayon. Siya na nga ang iniisip ko tapos mapapanaginipan ko pa? Tss.


Wala naman na akong gusto kay kuya Kim pero siyempre, hindi ko mapigilan na isipin siya. Mas lalo na n'ung binigay niya yung rega-



"Huy, Sky!" sabi ni Elise habang pinipindot ang braso ko. Binatukan ko nga. Ang sakit eh. "Wow, ha. Ikaw pa nambatok. Ikaw na nga 'tong di namamansi. eh." inis na sabi niya. Natawa naman ako. "Ano ba kasi 'yon?" sabi ko habang natatawa pa rin. "Tawag ka kasi ni Earl, oh!" sabay turo kay Earl na nakatitig sa'kin. Ano ba yan!?



I'm Secretly In Love with my ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon