Nandito ako ngayon sa isang convenient store. Dito daw kami magki-kita kita pero parang naman ako ang excited (kahit na ayaw kong pumunta). Sabi nila 9:00 ang kitaan pero 9:39 na wala pa rin sila. Kung sabagay, malapit naman ang bahay namin dito kaya maaga akong nakapunta. Konting kembot lang nandito ka na.
Palabas na sana ako ng store nang nakita kong pumasok ang taong iniiwasan kong makatinginan... si Earl. Bawat hakbang niya paalapit sa pwesto ko, parang unti-unting nawawasak ang puso ko.
Dahil dun, agad agad akong pumunta ng cashier at bumili ng ice cream. Pero nagulat ako nang nasa likod ko na siya. Ano ba naman 'yan! Kumakabog ang dibdib ko dahil ang lapit namin sa isa't isa. Bumili din naman siya ng ice cream. Tsk. Gaya-gaya naman pala 'tong lalaking 'to. Bwiset!
"Tayo pa lang?" tanong niya sabay dila sa ice cream. Nandito kami sa upuan na may mahabang lamesa na kung saan makikita mo ang nga sasakyan mula sa kalsada sa pamamagitan ng glass window. Napatulala naman ako sa tanong niya. Pero imbis na titigan siya tinitigan ko na lang yung ice cream niya na dinidilaan niya.
"Huy! Sayang naman 'yang ice cream mo kung tutunawin mo lang." sabi ni Earl. Natauhan naman ako at dali-daling dinilaan ang tumutulong ice cream. Ahhh! Ang lagkit na tuloy ng kamay ko. Kainis talaga! "I-ikaw kasi eh! Kainis!" bintang ko sa kanya habang pinupunasan ang kamay ko sabay sa pag-dila ng ice cream ko.
Inubos ko na muna ang ice cream bago ipagpatuloy ang pagpupunas ng kamay ko. "Hindi mawawala ang lagkit niyan." sabi ni Earl. At dahil dun kumunot ang noo ko sa kanya. "Huh?" nagtataka kong tanong. Pinagpatuloy ko na lang ang pagpupunas pero hindi nga nawala ang lagkit. Kainis talaga!
Bigla namang tumayo si Earl at pumunta sa mga stall dito sa convenient store. Di ko na lang siya pinansin. Bahala siya diyan!
Nagulat ako dahil biglang may wet wipes na nahulog mula sa... langit? Hindi maaari kasi may ceiling naman dito. Pero paano namang may biglang nahulog— nanlaki ang mata ko kasi si Earl pala ang naghulog nitong wet wipes. Tinignan ko siya sa likod ko at ako mukhang ewan dito na nakatingala ang ulo sa kanya. Nakita kong ngumiti siya at tinaas ang hintuturo at papalapit sa akin. Nabigla at kumulo ang dugo ko dahil sa ginawa niya. Pinindot niya yung ilong ko! Arrgh! Nakakainis na talaga siya.
Umupo naman ulit siya sa tabi ko. "Gamitin mo yan..." sabi niya sabay nguso sa wet wipes, "... at huwag ka nang maginarye diyan." dagdag niya habang nakangiti ng todo. Ahh! Mukhang pinagtitripan ako ng lalaking to ah! Teka! Saan naman niya nakuha— nandito nga pala kami sa store. Padabog ko namang kinuha yon at ipinunas sa kamay kong sobrang lagkit. Daig pa ang suman sa lagkit.
Kalahating oras pa nang dumating naman ang iba naming kagrupo. Grabe ha? Napakaaga nila. "Anong oras na?" sarcastic na tanong ko sa kanila. "10:09, bakit?" sagot ni Mateo. Aba't! Bwiset din to ah!
Napabuntong hininga na lang ako at tinarayan sila. Bahala sila diyan! Ang tagal tagal nila. Halos isang oras ako naghintay tss. "Tara na. Shoot na tayo mah friends!" sabi ni David. Inirapan ko na lang sila habang naguusap kung ano ang kakainin at saan pupunta.
Habang naglalakad papunta sa bahay ng bwiset na si Earl, nagpaalam ako na bibili lang ng softdrinks. Tinuro naman nila ang bahay ni Earl pero... "Huwag na Sky. May hinanda naman ata sila Manang eh." seryosong tutol ni Earl.
Tss, bwiset. "Paano kung mahimatay ako sa daan, ha?" reklamo ko naman. Uhaw na uhaw na nga ako eh. "Edi, mahimatay ka. Malapit naman na tayo eh." sumang-ayon naman sina Elise.
Kainis talaga! Kumukulo dugo ko sa kanya.
Pagkadating namin sa bahay nila, napanganga ako dahil sa ganda ng interior nito. Grabe parang isang mansyon pero sakto lang ang laki. Nagulat ako nang may humawak sa baba ko at pinagdikit ang dalawang labi kong magkaaway. Di ko namalayan na kanina pa pala ako naka-nganga.
BINABASA MO ANG
I'm Secretly In Love with my Classmate
Romance"Should I follow my heartbeat or ignore and just pretend that I'm okay?" ____________ Subaybayan kung paano malalagpasan ni Sky ang kanyang kinakatakutan, to fall in love. Falling in love doesn't measure how good-looking the person was, it is based...