Chapter 25

2.6K 52 0
                                    

Buti naman naisipan mo pang umuwi?
Akala ko ba 3 days lang?bakit umabot ng two weeks?napasarap ata ang pag stay mo sa Russia!at wala ka ng balak umuwi dito!

May problema ba tayo babe?akala ko ba ok lang sayo?tinanong naman kita ah.Sabi mo okay lang dahil trabaho.

Oo ok lang naman dahil trabaho ang pinunta mo.Pero hindi mo sinabing kasama mo ang Grace na yun!kapal ng mukha!dahil ba sa kanya napasarap ang supposed 3 days mo doon ay naging 2 weeks?

Patuloy sa pagbato si Mira kay Baste ng kung ano mang mahawakan niya sa loob ng kwarto.

Nakalimutan mong may asawa at anak kang naghihintay!umasa ako Baste na nagbago kana!umasa akong mahal mo na ako!umasa akong mag wo work na ang marriage na to!pero hindi pala!

Babe let me explain please huwag kang ganito.Pinakakalma na ni Baste si Mira dahil kanina pa ito sumisigaw at umiiyak.

Huwag mo akong hawakan nangdidiri ako sayo!magaling karin ano pagkatapos mong magsawa ng 2 weeks sa Grace na yun bumabalik ka nanaman sa akin.

Mira bukas na tayo mag uusap!ayokong makipagtalo sayo na galit ka baka san tayo mapunta.
Humiga na tayo at magpahinga!

Natakot naman si Mira dahil mukhang napipikon na si Baste.Nagiging emotional kasi si Mira konti bagay ay madali siyang mainis at uminit ang ulo dagdag pang two weeks na wala ang asawa at nalaman niyang kasama nito si Grace sa convention sa Russia.

Umiiyak parin si Mira at pilit na pinakakalma ni Baste ang asawa.

Babe trust me okay wala akong ginawang masama doon purely business lang iyon.

Miss ko na kayo ni Seb kung pwede lang mauna na akong umuwi ng hindi kana nagagalit sa akin ngayon.

Hindi maintindihan ni Mira kahit galit na galit siya kay Baste ay nagugustuhan niyang nakayakap sa asawa.

Hinahanap hanap niya ang amoy nito.
Naka tulog na ang mag asawa dala ng pagod.Pagod si Baste dahil sa pagod sa byahe while si Mira napagod dahil sa kakaiyak at kakasigaw kagabi.

Sabado kinabukasan at walang klase at naisipan rin Baste na mag leave ng two weeks para bawiin ang two weeks na pinag sisintir ng asawa.

7 am palang ay pilit ng ginigising ni Seb ang magulang.
Naunang magising si Baste habang si Mira ay tulog parin,tulog mantika.

Seb tulog pa Mommy mo,ipakuha mo sa driver ang mga pasalubong ko sa inyo ng Mommy mo.
Good boy ka ba Seb?habang wala ako?

Oo naman po Daddy!good boy ako! mana po sayo.

Tuluyan ng nagising si Mira at nabungaran niya ang kanyang panganay.

Bigla naman sumigaw ang Seb.

MOMMY!palagi mo nalang po pinipinch ang ilong ko at pisngi!

Ang cute cute mo kasi anak.

So cute din po si Daddy?kasi sabi niyo po mini me ako ni Daddy.

Ikaw lang ang cute anak,matanda na ang Daddy mo.

Napatayo naman si Mira at tumakbo sa banyo at doon nagsusuka.Ilang araw narin masama ang pakiramdam niya.At madali siyang mairita.


The One That Got Away (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon