Chapter 30

3K 52 0
                                    

Nag uusap ang mag ama ni Mirajane.

Seb ang mommy mo hindi ko ma explain ang ugali.

Daddy baka po dahil buntis at na iinsecure siya kasi hindi na po siya sexy.Ikaw kasi Daddy hinayaan mong lumapit sayo ang mga babae.

Sinabi yan ng Mommy mo?

Opo Dy,inis na inis nga po si Mommy kulang nalang magwala.Iba po talaga si Mommy pag buntis nakakatakot buti nalang love ako ni Mommy.
Ginagalit niyo po kasi Mommy kaya ayan nandito ka po ngayon sa kwarto ko.

Ewan ko sa Mommy mo Seb.

Sige na Seb samahan mo ako doon sa kwarto namin para hindi ako angilan ng Mommy mo.Sabihin mong tabi tabi tayong matulog.

Mommy tabi po tayong matulog ni Daddy please!Susulitin ko po na 3 lang muna tayo nina Daddy ang magkatabi kasi malapit ng lumabas si baby girl.

Oo baby girl ang anak nila ni Mira,Mirjanna ang ipapangalan sa baby girl nila na malapit ng iluwal ni Mira ang baby kaya mas lalong nag susungit ang Mirajane.

Sige na Mommy,ikaw po sa gitna miss kanarin ni Daddy eh.

Sinamaan lang ng tingin ni Mira si Baste.

Babe gising ka pa?

Ano ba Baste?magpatulog ka nga!at baka magising ang anak mo.

Babe  naman at sinasamyo ang buhok ni Mira.

Baste kabuwanan ko na,huwag ka ngang malandi.

Babe naman,para niyayakap ka lang.

Kinaumagahan ay medyo kakaiba para kay Mira.Humihilab na ang tiyan habang ang mag ama niya ay tulog pa.

Baste manganganak na ata ako!gumising na nga kayo!

Baste!daing ni Mira habang dinadala na siya sa hospital ni Baste.

Mga isang libong beses niya atang binabangit ang pangalan ng asawa dahil sa sobrang sakit.Kung kay Seb ay hindi siya nahirapan bumawi naman si Mirjanna na sobrang sakit.

Minumura nani Mira si Baste sa sobrang sakit.

Hindi ka makakaulit Sebastian!last mo na to!

Natatawa naman si Baste.

Huwag mo akong tinatawanan Sebastian!

Umire ng umire si Mira hayun sa wakas nailabas din si Mirjanna.

Nakatulog naman si Mira sabay ng pagdating nina Seb at Madam Eliza.

Dumating narin si Claire at Daddy Greg.

Babait na ba ulit si Mommy Daddy?

Natatawa naman si Baste kahit may pagka satanas ang asawa pag buntis ay okay at worth it naman lahat dahil may munting anghel na sila.

Ay Seb kung alam mo lang na pulos mura at kalmot ang natanggap ko sa Mommy mo.

Hindi kana ba nakagat kuya?

Naalala ko nun kay Seb kinakagat niya yung balikat mo.

Anong hindi?tingnan mo nga oh namatay ata ang dugo sa balikat ko.
Pero worth naman dahil tingnan niyo nga kamukhang kamukha ko  ang mga bata.

Kaya pala suklam na suklam sayo si ate Mira kuya dahil ikaw talaga ang pinaglilihian niya.

Baka mas lalo yang masuklam dahil hindi nanaman niya kamukha ang baby girl niya.

Mommy naman tinatakot ako nanganak na ang asawa ko babalik na yan sa pagiging mabait at for sure maglulupasay yan sa tuwa dahil kamukha ko ang anak namin.Patay na patay kaya sa akin ang asawa ko.

Talaga lang kuya ha?patay na patay si ate sayo?

Sa pagkaka alam ko ikaw tong patay na patay kay Ate Mira dahil sapilitan mo siyang dinala sa cabin.

Panira karin Claire!marinig ka ni Seb oh.

The One That Got Away (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon