Chapter 3

2.9K 59 1
                                    

Ulila ako, isa ako sa mga paaral ng tatay ni Baste.Congressman kasi ang tatay niya at bruha ang nanay niya.

Lima kameng personal alalay ng tatay niya ng mga panahon yun 4th year accountancy na ako at that time nung mabuntis ako ni Baste.

Ok naman ang lahat maliban sa nanay niya, paano kasi paborito niyang anak si Baste.Mataas daw ang pangarap niya sa anak,ano nalang daw ang sasabihin ng mga amiga niya at nakabuntis ang anak nito ng isang alipin.

18 na ako at that time ng mabuntis ,14 ako ng mawala ang parents ko dahil sa isang aksidente.May naiwan naman sila pero hindi yun sapat.Nang mag college ako nag apply ako ng scholarship para maging congressional scholar at PA narin at the same time ni congressman at natanggap naman ako.

Mabait si Congressman sa amin mga PA niya no wonder mahal na mahal siya ng mga taga distrito namin.

Hindi ko naman dinedeny na minahal ko si Baste.Binigay ko na kasi lahat lahat sa kanya pero siya walang binigay kundi sama ng loob pero syempre binigyan niya ako ng anak yun nalang siguro ang konsuelo ng pagsasama namin sa loob ng halos dalawang taon.

Sa poder kame ng mga magulang niya,nabulgar kasi na nabuntis niya ako.Para hindi masira ang pangalan ni Congressman pinalabas nilang kasal na kame ni Baste.

Kung kay Congressman gusto niya sanang totoong kasal talaga kaso ang nanay niyang si Madam Elizabeth ang may ayaw at sumangayon din ang Baste.

Sa harap ng maraming tao normal kameng mag asawa at maka tao ang trato sa akin ng nanay pero pag walang ibang tao masahol pa sa hayop hindi man lang niga ako maipagtangol sa nanay niyang bruha.

Minsan nga pag sumisiping siya sa akin naiisip ko bakit ba hindi kanalang doon tumabi sa nanay mo.Pero syempre nasa isip ko lang yun paano kasi ang hilig hilig niya pero hindi niya lang masaway ang nanay niya sa pang aalipusta sa akin.

Noong pinanganak ko si Seb ang saya saya ko.Wala nga atang naka alala sa akin nung nanganak ako dahil ang atensyon nila ay Baby Seb unang apo kasi at sigurado ng tuloy ang lahi ng mga Dela Vega.

Grade 1 na nga pala ang anak ko kasi 6 years old na siya.
Kahit naman sukang suka sa akin ang babaeng biyenan kong hilaw ay hindi matatawaran ang pagmamahal sa anak ko.

Nawawalan na nga ako ng silbi bilang nanay dahil hands on ang matandang bruha sa anak ko.

Ang laki talaga ng galit ko sa nanay niyang bruha.Kasi hindi ko naman iiwan ang anak ko kung hindi dahil sa kanya.

Sa ngayon gusto ko talagang makita si Seb.Gusto kong magpaliwanag kung bakit ko siya iniwan at umaasa akong maintindihan niya yun.Gustong gusto ko ng yakapin ang anak ko at makasama.

Imagine CPA na ako at that time pero hindi parin maayos ang pakikitungo nila sa akin.

Si Baste ok siya sa akin pag kailangan niya ako.Taga pawi ng libog niya yun naman talaga ang role ko sa buhay niya.

After Seb nasundan pa pero 3 months lang siyang naglagi sa tummy ko kasi nakunan ako hindi ko p alam na buntis nanaman ako kaya palagi kameng nag aaway ni Baste dahil pala sa buntis nanaman ako at nagkakaroon nanaman ako ng hormonal changes.

Yun ang pinaka highlight sa mga masasakit na ng nangyari sa akin at nag decide akong iwan ang anak ko sa tatay niya.

Kasi gusto ko pagbalik hindi na ako pwedeng apak apakan nila.












The One That Got Away (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon