Chapter Three: Escelating Quickly

131 16 1
                                    


Nagising ako ng 3:36 ng madaling araw pag katapos ng sleep paralysis. After non hindi na ako nakatulog at nag cellphone na lang ako na hangga't maari, iniiwasan ko maisip yun habang hinihintay yung pagsikat ng araw.

Alam kong mas lalo lang ako matatakot pag iisipin ko yun sa loob ng dilim. Nang nag 6 am, medyo naging komportable na ako dahil maliwa-liwanag na at naka tulog pa kaso isang oras lang.

Kaya eto ako ngayon, bumaba sa sala ng alas syete. Nakita ko na nag lalaptop agad si kuya. "Kyah." Tawag ko, "Asan sila mama?"

"Umalis sila mama. Namalengke ata. May ulam diyan sa lamesa tapos kumain ka na daw." Sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen.

After kong kumain, inayusan ko ang sarili ko, isinuot ang headphones at nag handang umalis. Para lang akong aso. Laging may morning walks.

Lumabas na akong ng bahay at nag simulang mag lakad kung saan saan habang tinitignan ang paligid. Ganito rin ako lagi sa Singapore noon, kasi nakakakalma siya lalo na sa mga ganitong oras. Tahimik, hindi ganon kaliwanag ang araw, wala pa masyadong tao at malamig.

Tinignan ko ang bahay nila Maddy nung una, at mukang wala pang gising sa kanila. Naka kandado pa ang mga pintuan at nakasara pa rin ang mga bintana. I was hoping na makikita ko siya ngayon, but I guess I'll be alone for now.

Habang nag lalakad sa may tabi ng street, may nakita akong isang lalaki, naka pantalon siya at naka jacket na itim, hindi ko na napag masdan ng maayos yung muka niya kasi naka hoodie siya. Papalapit siya sa dereksyon ko.

Ang bilis niya mag lakad papalapit sa akin, or siguro assuming lang ako? Napabagal ang lakad ko nang makaabot siya sa tabi hanggang sa.. nakalagpas na siya.

Thank goodness..

Nakahinga na rin ako ng maluwag at hindi na lumingon para ipag patuloy ang lakad. Akala ko talaga sakin pupunta yung lalake eh nakaka kaba, buti na lang-

"Aray!" Napasigaw ako ng may humawak sakin sa braso galing sa likuran ko. Yung lalaking naka black.

Sobrang higpit ng hawak niya. Para ngang madudurog ang buto ko and I'm not even exaggerating.

Hinila niya ako papalapit sa kaniya. Sinubukan kong pumiglas kaso para lang akong maliit na bata na naipit sa malaki at mabigat na bato. Ang sakit ng hawak niya!

Inilapit niya ang bibig niya sa may tenga ko at may binulong.. well.. siguro dapat bubulong pero napatigil siya nang may marinig kaming dalawang boses.

"Joyce?" It was very familiar. But I didn't pay much attention. I shivered when I looked at the man whose mouth was almost pressed to my ears. His breath was incredibly hot at naramdaman ko rin na nakangiti siya.

I'm sure as hell na hindi 'nice' smile yun. It's more like a creepy one.

At bigla bigla na lang, bumitaw siya sa braso ko at kumaripas ng takbo papalayo. Kahit ba naman sa pagbitaw niya ang lakas pa rin.

Napaatraas ako sa lakas ng tulak niya at muntik na rin matumba pero may humawak sa akin sa isa kong braso para hilain muli ako pabalik kay balace.

"Oi." Narinig ko ulit yung pamilyar na boses. Tinignan ang panibagong lalaki na nasa tabi ko. Sino to? "Anong nangyare? Kilala mo ba yun?"

Ah, yung cheese. Raiden diba? Buti na lang talaga pumunta siya.

"Hindi.. hindi ko siya kilala." Sabi ko. Hindi ko na tinago yung itsura kong muka na sigurong paiyak dahil sa sakit. Itinaas ko yung sleeve ng sweatshirt ko para tignan yung braso ko, namumula ito at walang doubt na nag kakapasa ito mamaya.

Concious Nightmares Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon