Chapter Six: I Know Your Fear

110 17 0
                                    


Laughter.

Madilim ang paligid, wala akong makita at hindi ako makagalaw. Yet, I can hear something. Laughter.

Yung pag tawa na malalim. Yung tawa na tila nakakulong sa isang malalim na kweba dahil sa pag alingawngaw ng tunog.

Habang tumatagal, mas lumalakas ang pag tawa. Sumasabay na rin ang pag hirap sa pag hinga. Parang naiipit ang buong katawan ko.

'Nandito ka. Nandito ka. Nandito ka.' The repetitive words made my hairs stood up as my heart beat raised. Walang kontrol sa sarili ko, bigla kong naidilat ang mata ko. Kita ko ang paligid pero hindi pa rin ako makagalaw.

Hindi ko maiikot ang ulo ko at wala na kong ibang kayang igalaw kundi ang patingin ko. I'm guessing na nakahiga ako sa isang malaking kama. Hindi pamilyar yung kwarto at halatang pang mayaman ang lahat.

Inalala ko kung ano ang huling nangyare sa akin and soon enough, memories came rushing back, from going in the mansion to passing out for seeing an abnormally huge cannibal..?

Chris. Asan si Chris? At bakit ako nandito. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko but nothing seems to work. And my panicking made me realized that I was in sleep paralysis. At as soon na nalaman ko yun, the hallucination started.

May isang matandang lalaki na pumasok sa kwarto at nag lakad siya papunta sa tabi ng kamang hinihigaan ko. I looked at his face.

It's funny and ironic to say that he was the man of my dreams- in my nightmares, rather. Yung lalaking laging inaabuso yung babae.

Hindi ko naman alam kung sino mga to pero napapanaginipan ko pa rin sila!

Lumuhod siya sa tabi ko kaya mas lalo pa kong kinabahan at sinukan muling gumalaw. Come on! Gumising ka na.!

Linagay niya ang isa niyang kamay sa leeg ko which made it more harder to breath and in his other hand was a knife. I looked at his face, he was smiling in a disturbing way.

Tinaas niya yung kutsilyo at itinutok sa pisnge ko, linapit niya rin ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, "Nandito ka. And you're not getting out of here alive!" At tumawa siya. "Alam ko ang kinakatakutan mo Taña."

Kilala niya ako?

"At lahat nang yun ay mag kakatotoo." Hindi nawala ang ngiti niya sa muka at itinaas ang kutsilyo at mabilis na ibinagaak ito sa leeg ko.

Bago pa ako tamaan, bigla na lang siyang nag laho at napaupo na ako sa kama. I was breathing heavily. Tumingin ako sa paligid only to see na nandun pa rin ako sa kwarto. Hindi nag bago ang lugar. I felt weird pero gising na ako. Right? I just know it. Gising na ako.

Hindi ko pinansin yung kakaibang pakiramdam all I know is that I now have control of myself. Umalis ako sa kama at nakita yung cellphone ko sa sahig at tuminin muli sa kwarto. Asan si Chris?

"Chris?" Nag salita ako sa tahimik na lugar. Kahit na carpet ang tinatapakan ko at tahimik na pag lalakad, rinig ko pa rin ang footsteps ko. "Chris? Asan ka?"

Tinignan ko uli yung cellphone ko at nakita ang mga chats na galing kanila Hailee. Hindi ko mabasa ng maayos ang mga salita pero naiintindihan ko ng maayos.

It was a conversation from Maddy, Lorraine, Loren, Faith and Hailee.

"Joyce." Napalingon ako sa likod at nakita ko si.. Chris? Naka upo siya sa sulok ng kwarto at nakatakip ang muka niya gamit ang braso na nakapatong sa tuhod niya. Yung mga kamay niya naka sara ng mahigpit na parang may susuntukin.

Concious Nightmares Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon