Chapter 2: Awkward

128 15 2
                                    

I can't imagine that he's really here at our school. Why is it that I feel uncomfortable, like we were not best friends before? Like we don't know each other?

Almost two years na rin mula nang hindi na kami nagkikita at nag-uusap. Minsan iniisip ko kung hindi ba nangyari 'yon bakasakaling close pa rin kami. Kung hindi ko ipinakita na gusto ko siya, ano kaya ang mangyayari?

Kasama niya ngayon ang mama niya. Would it be bad if I approach them after kong lagpasan sila kanina?

Nilakasan ko ang loob ko na lapitan sila. Wala naman sigurong mawawala 'di ba?  Kinakabahan man ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad palapit sa kanila. Hindi siya nakatingin sa direksyon ko at mas mabuti 'yon dahil baka hindi na naman ako makalapit kapag nangyari 'yon.

Para 'di magmukhang papansin, nilapitan at nag-bless ako sa mama niya.

"Oh! Dito ka pala nag-aaral," gulat na sabi ng mama niya after kong magmano.

"Opo," simpleng sagot ko naman.

Nahihiya pa rin naman ako at ang awkward na nga, eh. 'Di ko alam na kilala pa rin ako ng mama niya. Before, feeling close lang ako sa mama niya. Palagi akong nagsasabi ng kalukuhan niya at binubuking ko rin sa mama niya kung may crush siya.

"Hindi ka pa rin tumatangkad, ah," nagulat ako sa pang-aasar niya sa akin na sinagot ko naman. 

"Are you teasing me?" 

"Totoo naman, ah," banat niya muli. I was about to act like I was going to punch him when I realized that his mother was with us.

"Hayaan mo lang 'yan. Na-miss ka lang niyan." Napangiti ako sa sinabi ng Mama niya.

Kinilig ako, okay na? Akala ko nga magpapanggap siyang hindi niya ko kilala o kaya naman hindi ako papansinin. 'Yong taong gusto ko nasa harap ko na ngayon. 

"Kumusta ka?" tanong niya naman bigla.

"I'm fine. Ikaw? Ba't ka lumipat?" pagtatanong ko naman.

"Okay ako, gusto ko lang ng new environment," sagot niya habang ako naman ay tumatango.

"Saan ang room mo?" 

"Sa katabi ng canteen," sagot niya habang ngiting-ngiti.

Tuwang-tuwa siya na katabi ng room niya ang canteen. Sana all na lang. Ako kailangan pang bumaba ng hagdan para makarating sa canteen.

"Ah, sa Onyx ka pala."

"Oo, ikaw?"

"Sa taas ng SSC building," simpleng sagot ko.

"Ahh... talino" At bigla na pong naging awkward, 'di ko na alam ang susunod na sasabihin.

Nakita ko naman ang mga classmates ko na pabalik na sa room galing sa canteen kaya ito na ata ang time para magpaalam, to escape from this awkwardness.

"Uhm.. una na po ako sa inyo, Tita. Time na rin po, eh," pagpapaalam ko sa Mama niya.

"Ah, gano'n ba? Sige."

"Uy, see you around," habol niya at napatingin naman ako sa kanya at nagpaalam na rin ako rito.

"Nice to see you, and see you around. Bye."

Naglakad na ako palayo sa kanila ngunit huminto ako para sumulyap muli sa kanya. Parang kailan lang mag-best friend kami tapos ngayon may awkward moments na kami. Kasi noon sinasamahan niya ko kahit saan man ako magpunta at syempre gano'n din ako sa kanya. Pero ipapaalala ko lang sa inyo mahirap ma-inlove sa best friend niyo lalo na kung the feeling is not mutual. Kasi isa sa inyo ang aasa at masasaktan. 

Put a space between you and him so that no one will cry at the end.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon