Chapter 7: Déjà vu 2.0

77 13 3
                                    

Kung masakit na malaman na nanliligaw na siya kay Ate Ana mas masakit noon. Iba 'yong sakit noon dahil mas close kami, and the fact na medyo nagiging malayo na kami sa isa't isa, because someone spread my feelings for him.

*FLASHBACK*

"Hi, guys.."

"Oh, Zya."

"Anong balita?" tanong ko.

"Wala naman," sagot ni Kent.

"Eh, ikaw JK anong balita??" tanong ni Art kay JK. Napatingin naman ako sa kanya at parang iniiwasan niya ako.

"Kumusta bro ang pagiging boyfriend?" singit naman ni Kent.

Teka, Boyfriend? Nino?

"Boyfriend?" takang tanong ko.

"Si Angel at JK," inosenteng sagot naman ni Art. Not minding the tension around us.

"Ahh.." Napakagat na lang ako ng labi.

"Hindii mo pa alam?"

Kung sana sinabi niya alam ko na agad pero ano? Hindi!

"No, I didn't."

"Akala ko alam mo na," malumanay na sambit ni Art.

"Congrats! Kailan pa?" Ngumiti ako ng pilit.

"Ah. eh.. Two weeks ago."

"Parang two weeks ago ka rin nangako, ah," sarkastiko kong sabi.

"Zya.."

"Punta muna ako sa loob. Sige.."

Arrgghhhh!! Ang sarap mong sapakin, eh.

Feeling ko sasabog na ang puso ko. Nangako siya na ako ang unang makakalam 'pag naging sila na. Two weeks na rin pala, manhid! Ang manhid mo Zya!

Ganyan ba nagagawa ng love sa'yo? Ang magpakatanga! Ang saluhin lahat ng sakit. May sasakit pa ba rito? Kung meron man please tama na.

I know my boundary, pero tao rin ako nasasaktan.

*End of Flashback*

Pagpasok ko sa school nakita ko agad si JK pero binalewala ko muna siya kasi masakit, eh. Feeling ko iiyak ako kaya nagmadali akong pumunta sa room. For the second time my best friend betrayed me.

Ba't ko ba kailangang umiyak? Though I have my reasons, it's not enough because, in his eyes, I'm just his best friend, but now I'm just a nobody.

Napayakap ako bigla kay Cris, ang unang taong nakita ko pagkataas ko sa building namin.

"Alam mo ba?" tanong ko out of the blue. Alam ko naman na meron siyang alam.

"Ano'ng problema?"

"Alam mo ba na nanliligaw na si JK kay Ate Ana?"

"Oo." Simpleng sagot pero masakit.

"Ba't ka umiiyak?"

"Nalaman ko lang na nagpakatanga na naman ako. Umasa na naman ako. Nagpakamanhid na naman ako," bulong kong sambit at alam kong hindi niya iyon maririnig.

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Hmm.. Wala." Kumalas ako sa yakap niya at pinunasan ko ang mga luha ko.

I'm trying to compose myself and be mature enough to understand what I'm into.

"Okay. Tahan na.."

Mahal ko naman si Ate Ana kaya hindi ko kayang hindi siya pansinin. At alam kong wala akong karapatang magalit sa kanya.

Ilang beses ko ring sinabi sa kanila noon na may best friend ako at si JK 'yong best friend ko, 'yong crush ko pero ano? Hindi sila nakinig sa akin binalewala lang nila ang mga sinabi ko tapos ngayon kilala na siya ng lahat dahil nanliligaw na siya kay Ate Ana.

Ang unfair, 'no? Multo ba ako at napapansin lang nila ako kapag may kailangan sila?

Maybe, I just don't know my place. Kaya ko 'to, ano ba?! Noon nga na kaya ko, ngayon pa kaya.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon