Chapter 9: New

85 13 2
                                    

Nasasaktan na nga ako, palagi ko pa rin siyang hinahanap. Ano bang meron sa'yo at sobra naman akong nahulog? Marami na ring nangyari lalo na sa room namin. Wala namang away pero si Ate Ana hindi na siya pumapasok. Sabi niya pagod na raw siya. Syempre hindi naman namin hahayaang magpatuloy ang hindi pagpasok niya kaya pumunta kami sa bahay nila pero ano wala na talaga, eh.

Nalaman ko na rin na tumigil na pala si JK sa panliligaw sa kanya. 'Di ko na rin tinanong kung bakit kasi it's private at sa kanila na lang 'yon. Kung kailan na tanggap ko na. Ito na naman ang nangyari, kung kailan okay na sa akin, wala na pala at kung kailan sumuko na ako at nag-sacrifice wala na palang halaga.

Totoo ba 'to? Akala ko iba siya, mali pala ang pagkakakilala ko sa kanya. Ang dali naman niyang makahanap ng iba. Aaminin ko, gwapo naman pero kahit na, nawala lang bigla si Ate Ana may bago na agad siya at 'yong taong ayoko pa school ang nagustuhan niya. Ba't gano'n palaging 'y9ng mga ayoko ang nakakatuluyan niya? Except for Ate Ana pero anong magagawa ko strangers na lang kami. Wala akong karapatan para akusahan siya. Magkalimutan na nga, ayoko na talaga. Manloloko at 'yan ang ayoko sa lahat.

*FLASHBACK*

"Oh!" Inabot sa'kin ni Cab ang binili niyang ice cream.

"Thanks.."

"Namatayan ka ba?" tanong niya.

"Hindi. Bakit?"

"Ba't ang lungkot mo? Akala ko okay ka na?"

"Hindi naman sa hindi ako okay, nanghihinayang lang ako baka kasi pati kayo mag-away," sagot ko.

"Huh? Ah, ayon ba nag-usap na rin kami. Okay kami."

"Mabuti pa kayo," malungkot kong saad.

"Ba't mo naman kasi pinalayo 'yong tao? Eh, alam mo namang kahit ano'ng gawin mong iwas nand'yan pa rin siya sa puso mo." Nang r-real talk siya. Bwisit!

"Ayon na nga, eh 'yong point kaya ko siya pinalayo para kahit nasasaktan ako at least may kaunting katahimikan ang puso ko."

"Ewan ko sa'yo!"

Ang lalalim ng mga advice niya sa'kin, ah. That's a sign of a true friend. Siya ang palagi kong kasama na dahil na rin sa naiintindihan niya ang pinanggagalingan ko. 

"CAB!!" 

"Ay butiki!" Ang hayop nabigla naman ako sa pagsulpot niya na nanadya ata siya, eh.

"Oh, JK! Bakit?" Tumingin naman sakin si Cab. Bakit? Ano'ng problema niya sakin?

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Napabuntonghinga na lang siya. "Ano nga pala 'yon?" Humarap naman siya kay JK at binalewala 'yong tanong ko.

"Wala na pala." Matapos niyang tawagin si Cab at mang-interrupt wala naman palang sasabihin. Ang bastos nga tapos tumabi siya kay Cab.

P'wedeng pahingi ng oxygen ang awkward, eh 'di ako makahinga. Should I go? 

"Ah, guys una na ko baka may sasabihin kayo sa isa't isa na 'di ko dapat marinig." Ngumiti ako nang hindi ko alam kung totoo o hindi. 

"Ah, sige," sabi naman ni Cab.

"Teka!" Huminto naman ako. Teka ba't ba ko huminto?

"Bakit?"

"Ah, eh. Wala. Sige una ka na sa loob." Nag-face palm ako.

Babatukan ko na 'to guys, oh. Pa-fall na nga paasa pa.

*End of Flashback*

"Masakit ba?" tanong sakin ni Ate Tin.

"Ang alin?"

Tinuro naman niya ang tinutukoy niya. "Ayon oh!"

"Bakit may karapatan ba ako?"

"Alam kong wala pero you have the rights para masaktan at hindi magbulag-bulagan."

"Aaminin ko, oo pero masasabi kong, I'm over him. I'm no longer his best friend, and he is no longer my best friend, too. Of course, I'm done with these stupid feelings for him." Ngayon totoo na ang ngiti ko.

"'Yan ang Zya na nakilala ko! A brave girl."

Yes, I'm brave, but when you broke me, it could no longer be fixed.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon