Chapter 1

48 13 2
                                    

☁Nasaang lupalop ako☁

Brizuella/Railee/Blake's Pov

(A/N: Kung nagtataka kayo kung bakit tatlong pangalan iyan huwag kayong mag-alala. Iisang tao lang yan. Pero tatlo ang role niya. Basahin niyo nalang.)

"Pre! pre!" rinig ko habang may tumatapik sa mukha ko.

Pre?

Pag dilat ko ng mata ko ay may nakita lang naman akong poging nilalang.

"Pogi ah," bulong ko habang nakatitig sa kanya.

"Pre, alam kong pogi ako. Bakla ka ba?" tanong nito habang sinisipat ang mukha ko. Doon ko lang napansin na may nakapalibot na pala sa aming apat na lalaki.

Nasaan ba ako? Nasaan si Nenielle?

Wahhh! Namatay ba talaga ako?

"Anghel na ba kayo? Anak ka ng! Ampopogi niyo naman ata!" sabi ko habang iniisa-isa ang mukha nila.

"Naku! BLAKE! Ayos ka na ba? May gamot sa dorm ko! Halika!" sigaw ng isang babaeng biglaang pumasok dito sa kwarto.

"Bawal ka dito ah!" sabi ng lalaking nasa gilid ko. Agad akong hinila nung babae papalabas at ipinasok sa isang kwarto.

"T-teka! S-sino ka po ba?" takhang tanong ko.

"Railee! Ano bang nangyayare sa iyo? Muntik ka nang mahuli don, tinakot mo ako." sabi nito sabay yakap sa akin.

"Mahuli?"

"Oo! Ano ba!"

"Ay, hindi ko po kayo kilala. Pasensya na po." sabi ko at tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Mamaya kasi e nagamit ito ng ipinagbabawal na gamot madamay pa ako.

"A-anong hindi kilala? Railee ako ito, si Apryl. Bestfriend mo."

"Bakit po ba Railee kayo ng Railee tapos tinawag niyo pa po akong Blake kanina. Ang pangalan ko pa ay Brizuella, Brizuella Martinez----muntik ko ng makalimutan patay na nga pala ako" litanya ko.

"Anong patay? Muntik na kamo, gaga kang babae. Muntik na nilang malaman na babae ka."

"ANO? HINDI PA AKO PATAY?"

~~~~~

>_O

O_<

O_O

"Railee!" isang sigaw ang narinig ko pag kadilat na pagkadilat ko ng  mata. Heto na naman si ateng.

"Ayos ka na ba? May masakit ba sa iyo?" patuloy na tanong nito.

"Sino ba ako?" tanong ko sa kanya. Yan talaga ang gusto kong malaman. Ang sakit kasi sa ulo eh ayaw silang kainin ng utak ko.

"Nagloloko ka b-

"Sagutin mo nalang. Please!"

"I-ikaw si Railee Martinez nag aaral ka sa unibersidad na ito pero dahil sa kasalan na binintang sa iyo na drop out ka. Kaya naman nagpanggap ka bilang isang lalake at pineke ang ang mga papeles mo para makapasok ka dito kaya naman ang pangalan mo ngayon eh Blake Williams."

Ang sosyal ng pangalan- pero teka na drop out daw ako? Pero pinagpilitan kong dito muli pumasok? Pero bakit?

"B-bakit gusto ko pa ring pumasok dito?" tanong ko.

"ANO? Railee nama-

Pinandilatan ko siya ng mata para malaman niya hindi ako nagbibiro.

"Hindi ko nga rin alam sa iyo noon eh. Dahil sa sobrang adik mo sa pagbabasa ng wattpad o ano mang libro at kakapanood mo ng kdrama nung na drop out ka umiyak ka talaga. Sabi mo kailangan mong bumalik dito dahil may nakita ka ditong lalaki na katulad na katulad sa nababasa at napapanood mo."

"ANO? Meron dito non?" agarang tanong ko.

Baka dito ko na makita si Elija- ay hindi si Suprem- hindi rin baka si Ezikie- hindi rin eh. Malabong makita ko dito si EJ, lalo naman si Ace dahil hindi ito HU siyempre lalong lalo naman si Zeke, baka nga nasa giyera pa iyon eh.

I just sighed. And sighed again, and again and-

"Tumigil ka nga dyan! Lalagutan kita ng hininga."

~~~~~

Now i know. Lahat ng pwede kong itanong ay naitanong ko na kay Apryl. But im wondering-

Anong date ngayon?

"Apryl! Anong araw ngayon?" agarang tanong ko.

"F-friday, bakit?"

Friday? Friday din naman nang makasama ko si Nenielle. 

"Anong lugar to? Anong year na ngayon?"

"Baliw k-- M-manila, nasa manila ka. 2017 na ngayon."

"ANO? 2017?"

W-wala namang nabagong date, akala ko nag turn back time na ako. Pero bakit ako nandito? Hindi kaya---

Imposible. Imposibleng nabangga ako ng sasakyan ay tumalsik ako dito. Nakakaloko naman masyado iyon.

Kailangan ko ng umuwi sa amin. Mag papahatid nalang ako kay Apryl.

"Apryl, samahan mo ako." tiim na sabi ko.

"Railee nama-- Saan ba?"

"Sa Cavite."

My Wish Gone WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon