Railee's Pov
"Railee pumunta ka na doon!" bulong sa akin ni Apryl habang pinagtutulakan ako papuntang canteen.
"Ayaw ko huhu-
"Kyahhhh! Andyan na si Blake!!!" sigaw ng isang babae kaya naman naagaw niya halos lahat ng atensyon ng tao sa paligid.
King.
Ina."Kyahhhh! H-hi Blake!" sabi ng isang babae na nasa harap ko.
"Hi." sabi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Wahhhh! Nginitian siya ni Blake!"
"Swerte niya!"
"Pasensya na teh! Kailangan na umalis ni Blake, hindi pa kasi siya nakain eh." singit ni Apryl at kinaladkad na ako papuntang canteen.
"Apryl huhuhu hindi ko sila kilala wala akong alam kahit ano sa kanila." giit ko habang malapit na kami sa canteen.
"Aish! Kaya mo yan!" sabi niya at tinulak na ako papasok kaya naman napatingin sakin lahat ng tao sa loob.
"Hehe." nagsimula na akong maglakad para hanapin ang isang grupo ng lalake.
"Pre dito!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses kaya napadako ang tingin ko doon. May kasama pa siyang apat na lalake na nakaupo palibot sa lamesa.
Sabi ko na eh! Siya yung nagbigay ng panyo sa akin kanina, siya din yung una kong nakita sa dorm kasi siya yung gumising sa akin. Ano kayang kinakain ng lalakeng to palaging hyper eh.
Lumapit nalang ako sa kanila at umaktong normal.
"Ayos ka na pre?" tanong ng isang lalake sabay lumingon kay Cascade na naka-ngisi.
Gago talaga tong lalakeng to! Gustong gusto yatang nasasaktan at napapahiya ako.
"Oo, medyo nasakit lang 'yong ilong ko." saad ko at binigyan ng masamang titig si Cascade pagka dako ng tingin niya sa gawi ko.
"What-
Natigil ang sasabihin ni Cascade ng may lumapit sa aming estudyante na humahangos.
"C-cascade." tawag nito habang habol ang hininga samantalang tingin lang ang isinukli ng lalaki.
"Si Allisah." sabi ng estudyante na nagpasinghap sa isang kasama namin.
"Pake ko?" ismid na tanong ni Cascade dito.
"What the!? Are you insane?"
"Rayzel, calm down." sabi sa kanya ng lalakeng hyper.
"Where is she!?" tanong ni Rayzel sa estudyante at sinundan niya ito palabas ng canteen.
Ano bang problema nila? Sino si Allisah?
"What now Cascade? Anong plano mo?" tanong ng lalakeng hyper habang sinusundan ng tingin ang dalawa.
"What do you think, Austin?" balik na tanong niya dito. Galit at inis ang nakita ko sa mga mata niya ng dumako ito sa akin.
"Siraulo, bakit sa akin niya tinatanong?" bulong ni Austin at napa kamot sa batok.
"Sabi ko naman sa iyo magpanggap ka ng bakla para tumigil na sila."
"Pffft!" pigil na tawa ko'ng nawala din ng makita ko'ng nakatingin silang apat sa akin.
Pota. Bawal ba tumawa? -.-
"Blake~" nakangising tawag sa akin ng katabi ni Austin habang taas baba ang kilay. "B-bakit?" utal na tanong ko dito.
"Keissler stop. Hindi pa ako ganon ka-desperado para magpanggap na bakla." ismid na sabi ni Cascade dito at tumayo para lumabas ng canteen.
"Anong nangyari 'don?" tanong ko at nagkibit balikat lang sila.
Natatakot akong magtanong kung sino si Allisah dahil baka makahalata sila sa akin. Malay ko ba kung kilala pala ng dating Blake yung Allisah na iyon.
"Let's go?" tanong sa amin ng katabi ni Keissler at nagsimula na kaming mag sitayo.
"Baka mahuli pa tayo sa klase." pahabol pa nito.
Tama. Kailangan mag-aral ng mabuti dahil graduating kami.
Wahhh! Ayaw ko na dito! Ayaw ko dito magtapos! Paano yung mga magulang ko!? Nasaan sila? Sinong magsasabit sa akin ng medalya!?
"Blake! Let's go!" sigaw sa akin ni Austin na ngayon ay naka layo na.
Ganon ba ako kalutang at ganyan na sila kalayo sa akin? Tsk.
"Goodmorning class, where is Mr. Benitez?" iyan agad ang bungad sa amin ng teacher like watdapak!? Sana nag lecture muna siya 'no?
Sino ba kasi 'yang Mr. Benitez- ay kingina.
Lumingon agad ako kay Cascade na nasa tabi ko. "Bakit ka hinahanap?" bulong ko dito. "I dont know, either." sagot nito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin at nag taas ng kamay para makuha niya ang atensyon ng guro.
"Oh, there you are Mister. Can you come with me? May nagpapatawag lang sa 'yo." sabi nito at tumayo naman si Cascade para sumunod.
"Is he really going?" tanong ni Austin na nasa gilid ko. "Of course! Kasalanan niya 'yan." asik ni Rayzel dito.
"Bakit ba siya pinatawag? Dahil ba 'don sa Allisah?" tanong ko kay Austin na naka halumbaba sa desk niya. "Feeling ko." sagot nito at humarap sa akin kaya bigla akong napalayo.
Tuma gilid pa ang ulo nito at matiim akong tinititigan na para ba'ng may mali sa mukha ko.
"Ang ganda ng labi mo pre! Patingin nga ulit." manghang saad nito at pilit na hinaharap ako sa kanya.
"A-ano ba? Umayos ka nga." pag dadahilan ko dito at pasimple na lumalayo. "Bakit parang pa'ng babae 'yung labi mo pre? Parang ang sarap-
"Gago, nababakla ka na naman." singhal ni Keissler at binatukan ito. "Patingin nga." habol nito at tinulak naman siya ni Austin.
"Tignan mo ikaw 'rin! Tsk!" saad nito at umayos na ng pag kakaupo dahil dumating na ang teacher pero walang kasama na Cascade Benitez. Nasaan kaya 'yon?
Natapos na ang klase at sumasama lang ako kila Austin kahit saan sila magpunta dahil iyon ang sabi ni Apryl. Palagi lang daw kaming magkakasamang anim, pero hanggang ngayon, wala pa rin si Cascade. Feeling ko talaga, pina-salvage na iyon-
"Bro! Anong nangyari?" rinig ko'ng sigaw ni Russell kaya naman napaharap ako sa gawi niya at doon ko nakita si Cascade na parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Matamlay itong lumalapit sa amin habang naka tungo. Sinipa pa nito ang upuan sa tabi bago humarap sa amin.
"They're all at it, again." inis na saad nito sa amin at napa sabunot sa kanyang ulo. "Ayusin mo pre, hindi ka namin maintindihan." sabi naman ni Austin sa kanya, tinapunan lang siya ni Cascade ng masamang tingin kaya nanahimik ito at humalukipkip sa tabi. "Hindi ka talaga nakakatulong kahit kailan." bulong sa kanya ni Keissler at nagsimula ng maghabulan yung dalawa paikot sa field.
"Pakyu." bulong ni Austin kay Russell ng maabutan niya itong palapit sa amin at binatukan.
"It's near, mas minadali nila 'yon." deklara ni Cascade sa amin.
BINABASA MO ANG
My Wish Gone Wrong
Teen FictionEver wished na sana magkaroon ka ng love story na mala-wattpad ang peg? Brizuella wished that too kaso parang may mali... ~~~~~ Date Started: 09/14/17