Chapter 4

13 9 0
                                    

Railee's Pov

"It's near, mas minadali nila 'yon."  

Ano bang sinasabi niya?  T-tsaka bakit parang naapektuhan 'yong apat?

"Mr. Williams, are you listening?" rinig ko na tanong ng teacher sa harap.

Williams? Parang familiar sa a-akin yun ah-

Putangina.

"Yes! Of course Ma'am," sagot ko at napa diretso ng upo. Halos naka tingin lahat ng kaklase namin, ang iba ay tumatawa, yung iba naman ay naki tingin lang tsk!

"So, why did the United States use atomic weapons during World War II?" huh? A-ako ba 'yong tinatanong niya? Napa lingon ako sa likod at gilid ko, mukhang sa akin nga naka tingin si Ma'am.

Bakit ba kasi gumamit pa ng atomic weapons yung United States? Ang arte.

"The United States used a-atomic weapons seek an end to World War II w-without invading Japan." utal na sagot ko. "Okay, very good," Ugh! muntik na bumulwak yung matres ko dun.

"Anak ng talong! Nag-aaral ka na ngayon pre? Paano mo nalaman 'yon?" manghang tanong sa akin ni Austin ng maka upo na ako sa upuan. "Hindi ko din alam." tanging sagot ko na lang.

Alam kong hindi niya ako titigilan hanggang mamaya dahil nga naka sagot ako sa klase ngayon. Napaka big deal ba 'yon para sa kanya? Sa kanila? Isa pa si Keissler! Kinulit na rin ng matapos ang discussion ni Ma'am.

"Wow!" mangha pa ring saad sa akin ni Austin habang papunta kami sa canteen. Tumabi naman amin si Keissler tsaka ako inakbayan at ginulo ang two-block-haircut ko! "Partner tayo sa project ha?" higit naman sa akin ni Austin palapit sa kanya. "Ayaw ko!" asik ko dito bago nauna ng maglakad sa kanila. 

"Bakit naman?" habol nito sa akin. Nahuli ko naman na naka tingin sa akin sa Cascade kaya nginitian ko ito pero agad siyang umiwas ng tingin. "Oo nga! Bakit naman?" singit ni Keissler at ginaya ang ginagawa ni Austin. "Individual kasi 'yon." sabi ko sa dalawa.

Natigil ako sa paglalakad ng mawala ang dalawang asungot sa tabi ko kaya nilingon ko ito. 

Nanlalaki ang mata ng dalawa habang naka buka ang bibig at nagka tinginan. "Pre..." bulong ni Austin.

"Pre..." natigil ang momentum ng dalawa ng dumaan sa gitna nila si Cascade at naunang pumunta sa canteen.

"Nothing's new, nagtaka pa kayo." Saad naman ni Rayzel sa dalawa bago ako tapikin sa balikat.

"Tara na, magtatagal pa 'yong dalawa dyan." Bago ako nilagpasan. Napa tingin naman ako sa dalawa na ngayon parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Nabaling ang tingin nila sa akin tsaka kumaripas ng takbo papalapit.

"T-totoo ba? Individual yung project na 'yon?" Hindi maka paniwalang tanong ni Austin. "Siraulo ba 'yong professor na 'yon?!" Dagdag pa ni Austin.

Napa sabunot pa ito sa buhok at napa upo na lupa. Hindi ko alam kung bakit nanlulumo itong dalawa dahil lang sa individual project.

"Tsk! Tara na nga! Parang 'yon lang eh." Sabi ko bago sila hilain na dalawa. "Tangina pre! Baby thesis 'yon! Tapos ipapagawa niya lang ng isang araw?" Patuloy pa rin na reklamo nila habang kinakaladkad ko sila papasok ng canteen.

"Okay sana kung paggawa ng baby yung topic, kaso hindi eh!" Wala talagang alam 'tong dalawa kung hindi kalokohan!

"Problemado pa rin kayo? Watch this." Naka ngising saad ni Rayzel ng makarating na kaming tatlo sa table kung nasaan sila.

"Hey miss!" Tawag nito sa babae na mukhang kanina pa siya pinag papantasyahan. Napa diretso pa ng upo at napa tayo bago lumingon sa kanyang paligid na para bang naninigurado.

"M-me?" Tanong pa nito.

"Yes you," sagot nito bago ito ngitian ng matamis. "Come here." Walang alinlangan na lumapit ang babae dito habang nag aayos ng buhok.

"Can you do my thesis?" Napa amang na lang ako sa sinabi nito. For pete's sake! He's playing the feelings of this innocent girl.

"Of course! Just tell me the topic and I will work on it!" She replied with gladness in her eyes. It look's like it's her pleasure to do the thesis of this man!

"Stop playing with girls, Zel." Saad ni Cascade dito.

"Shut up." Baling sa kanya ni Rayzel bago yayain ang babae para mag-usap.

Tumingin naman ako sa dalawa na naka tingin din sa akin.

"W-what?" Tanong ko sa kanila. Siniko naman ni Keissler si Austin. "You!" Sabi nito bago ako ituro.

"Me?" Tanong ko. Ano naman ang trip ng dalawang 'to?

"Yes you," sabay nilang saad bago ako ngitian kagaya ng ginawa ni Rayzel kanina. "Come here-

"Tsk! Katabi niyo lang ako!" Putol ko sa kanila.

"Can you do our thesis?" Sabi nila bago nagpa cute sa akin. Nakita kong nagpipigil ng tawa si Cascade sa harap namin bago tumayo.

"C-comfort room lang a-ako." Paalam nito bago tuluyang umalis. Bumaling naman ako sa dalawa na ganon pa din ang itsura.

"Of course not! Don't tell me the topic because I will not work on it!" Pang gagaya ko sa babae kanina. Napa busangot naman ang dalawa bago ako bigyan ng masamang tingin.

"Blake naman eh!-

"E-excuse me," singit ng babae sa usapan namin. "I c-can do your thesis." Sabi ng babae kay Austin na napaka laki ng ngiti sa labi.

"How 'bout me? Tanong ni Keissler sa sarili.

Marami naman na nagsilapitan sa table namin at naka tingin sa akin.

"Hi B-blake!" Utal na bati ng isa. 'Yong iba naman ay naka ngiti habang may na mga regalo. "I can do your thesis." Ngiting saad nito.

"I can do it too." Sagot ko dito.

"Tang ina! Ako 'yong naghahanap eh!" Baling sa kanila ni Keissler. "Me! I'm willing to do it!" Sabi ng babae habang naka taas pa ang kamay.

Keissler smile at me while grinning.

"Come here, beybe." Sabi nito bago tapikin ang katabi niyang upuan, lumapit naman ang babae dito.

Kanya kanya na ang usap 'nong dalawa sa babae. Ako? Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga babae na hanggang ngayon ay nasa harap ko pa 'din.

"What?" I asked them. "All of you! Away." Matigas na sabi ng tao sa likuran. Nagsitabihan naman ang mga babae para makadaan ang binata na walang iba kung hindi si Cascade.

"Bumalik na kayo sa classroom niyo." Saad pa nito sa mga babae.

"Text kita!" Bulong ni Keissler sa babaeng kausap.

Umalis na ang mga kumpol ng babae dahil sa talim ng tingin ni Cascade sa mga ito.

"Kayong dalawa!" Anas nito. Lumapit sa akin si Keissler at Austin bago umupo sa magkabilang gilid ko habang parehas pa na nakahawak sa aking braso. "B-blake!" Bulong ng dalawa.

Inis naman ako na pinagtutulak sila bago tumayo at umalis doon.

Rinig ko pa ang tawag nila pero hindi ko na pinansin pa.

I want to rest. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo sa mga nangyayari.

I badly want to go back from the day that Im with Nenielle, I don't want here. Kung sana ay hindi ako tatanga-tanga na naglalakad habang humihiling na sana magkatotoo ang hindi maaari.

I think, my wish gone wrong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Wish Gone WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon