Chapter 2

32 13 0
                                    

☁Basketball Training☁

Railee's Pov

"Tao po! Tao po-

"Railee para namang walang tao eh."

"Meron yan! Bahay namin yan eh"

"ANO? Pinagloloko mo ba ako? Nasa Laguna ang bahay niyo!"

Laguna my ass. May lumabas na hindi pamilyar na matanda sa bahay. Sino toh? Luh? Katanda na eh hindi pa nag retiro sa akyat bahay gang-

"Mga nene! Ano bang kailangan niyo?"

"Ano pong ginagawa niyo dyan? Bahay po namin yan eh!" sigaw ko pabalik.

"Bahay mo ba ito? Ang alam ko ay naibenta na ito sa gobyerno. Namatay na rin kasi ang may ari nito. Pinapabantay lang ito sa akin"

"PO!?"

Nasaan ba kasi ako?! Hindi na ito nakakatuwa! huhuhu-

"U-uy Railee! Huwag ka ngang umiyak! Sabi ko naman sa kanila huwag kang papainumin ng alak eh" sabi nito na pabulong na ang dulo.

"Anong alak?" tanong ko.

"Alak, iniinum yun ku-

"Alam ko! Bakit ako uminom non?"

"Huh? Eh kasi ano eh-

"What?"

Talagang nanggigigil na ako sa babaeng to.

"Sabi mo ayaw mo na yung pag usapan kas-- Oo na! Eto na! M-may nangyaring bangaan kasi at hindi inaasahang andoon sila tita at tito, y-yung mama at papa mo.

Fuck! Seryoso ba ito? Ano ba kasing nangyayare? Ayoko na! Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid k-

Kringgg...kringgg

"R-Railee s-sagutin mo na yan, baka importante"

Bakit ko sasagutin? Nanliligaw b-

Kringgg...kringgg

"ANO BANG KAILANGAN MONG HINAYUPAK K-

("Where are you? You're thirty minutes late Blake.")

Sabi nito at binabaan ako ng telepono. Late niya mukha niya.

"Sino yun?" tanong ni Apryl habang palakad na kami papunta sa terminal.

"Hindi ko nga alam eh, thirty minutes late na daw ako" sabi ko habang inaayos ang mukha kong puro luha.

"Railee bilis!" sigaw nito sabay kaladkad sa akin sa loob ng sasakyan.

"Bakit ba?"

"Late ka na sa training niyo!"

~~~~~

Ano namang gagawin ko dito? Ni hindi ko nga alam ang history ng basketball.

"Railee bilisan mo! Oh ito! Takpan mo yang dibdib mo para hindi mahalata. Suotin mo na yang jersey bilis!"

"Teka lang naman! Hindi ko alam ang gagawin. Paano kung mahuli nila ako?" takot na tanong ko.

"Hindi! Just act normal pero bilang isang lalake" sabi nito at nagsimula na kaming tumakbo papunta sa covered court.

"O ayan na! Nag sisimula na sila, galingan mo ah! Blake"

Nasa gitna ako ng court at hindi alam ang gagawin. Takbo sila ng takbo paroon at parito. Yung iba naman nasigaw ng "LIBRE AKO! PASA MO DITO!" para ngang baliw e-

"A-aray"

"Blake! Pre! Ayos ka lang?" tanong ng isang lalaki habang palapit sa akin.

Malamang hinde! Shunga ba siya? Hansakit kaya!

"Ah oo naman!" sabi ko at pilit tumayo. Makakatikim talaga sa akin ang may gawa nito.

"Pffft. Pre oh!" muling sabi nito sabay abot sa akin ng panyo.

"H-huh?"

"Yung ilong m-mo ahahahah n-nadugo pre ahahaha" sabi nito habang nakahawak sa tiyan at natawa.

Agad kong kinuha ang panyong hawak niya at isinalampak sa ilong ko. Tinignan ko ng masama ang lalaking naka ngise habang may hawak ng bola at palapit sa amin.

"Blake! Ang galing mo! Break time muna!" rinig kong sigaw ni Apryl at humahangos na lumapit sa akin.

Baliw ba siya? Ako magaling? Ni hindi ko nahawakan yung bolang yun eh.

"Antanga ng bola noh?" sabi ng lalakeng bumato sa akin at nilagpasan ako.

"Apryl! Sino yun?" tanong ko habang tinuturo ang bulto ng lalakeng bumato sa akin.

"Railee naman! Tinatakot mo na ako. Wala ka ba talaga maala-- S-si ano yun.. Si C-Cascade Benitez, leader ng grupo niyo"

"Grupo? NAMIN?"

"Oo"

"IBIG SABIHIN KASAMA KO IYONG HINAYUPAK NA IYON SA DORM!?"

My Wish Gone WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon