Chapter One: The Past

9 0 0
                                    

"Once you knew it is love, and it is real and it is true, you'll grab every chance to get it, no matter what. Kahit na magmukha ka pang tanga, martir o pathetic."

"Hoy ano ka ba!" Bato saken ng unan ni J habang ako humihikbi while ngumunguya ng chef tony's caramel cheese popcorn. Nagbabakasyon siya ngayon sa Pilipinas kaya nakituloy muna siya sa akin. Bumukod na kasi ako ng tirahan sa mga magulang ko, pero sa iisang village pa rin naman kami nakatira. Kaya nung sinabi niyang uuwi siya ng Pilipinas, inaya ko na siyang tumira sa bahay, kesa naman mag isa akong nagdadrama sa gabi. AT ngayon nga ay nasa sala kami pareho habang nakaupo sa sofabed. Binato uli niya ako ng pop corn. Pero hindi ako nagpatinag at sinabayan ko pa yung dialogue ng babae sa dvdng pinapanood namin.

"Ako na lang. Ako na lang ulit." Sabi kong with feelings pa habang humihikbi at tumuloy na sa pag iyak nang- "ouchh!" Napaigik ako sa sakit ng force ng libro against my left face.

"Masakit?" Tanong pa niya na parang di naman niya alam ang sagot sa tanong nya.

"Try naten sayo?" Sabi ko na iniamba sa kanya yung libro pero nang maalala ko kung ilang libro ang halaga nun e niyakap ko na lang yun saka sinapo ang nasaktang mukha ko. "Grabe ka! Bat eto pa binato mo? Yung inferno na lang sana!"

"Naku fren, malayo masyado. Yan abot kamay ko lang."

"Pasalamat ka di to napunit!" sabi ko habang inaayos yung libro. "Pero angsaket nun fren ha. Labor code talaga? Angdaming pwedeng ibato dyan. Pwede yang penal na pagkaliit liit o kaya yang tfios na nasa kandungan mo lang. Tapos ito pa tal-"

"Get to the point."

"Angganda ko pa ren kahit mukhang sunkissed skin tong pisngi ko." Sabi kong ibinalik ang atensyon aa pinapanood ko.

"Baka book kissed." Sabi niya saka kami natawang pareho. Napukaw ang atensyon namin sa mga dialogues na binibitawan uli ni Popoy. At napatigil na naman ako at iiyak na naman sana nang may bumato ulit saken. Pero this time, malambot na bear na. Nginitian ko lang siya habang nakatutok pa rin sa malaking flat screen ang mukha ko. "Tama na yan uy. Tagal na nun. Move on ka na sa kanya."

"Wag mong pakialaman pakikibaka ko sa pag ibig." sabi ko.

"Hindi pakikibaka tawag dyan fren, pagpapakamattir. Kasi kung pakikibaka yan, may pinaglalaban ka. E kaso yung pinaglalaban mo asan ba? Andun nakikibangka sa kandungan ng irog nya."

"Angsakit mo namang magsalita. Baka hindi niya irog yun. Di ba nga sabi nung kanta kaibigan lang pala kaibigan lang pala!"

"Wow. Lakas din talaga ng bilib mo dyan sa kantang yan ha. Sabi din ng kanta manhid ka manhid ka wala kang pakiramdam! Bulag ka ba? In a rel nga sila sa fb di ba? Ilang taon na. Baby pa tawagan ano kaibigan pa ren? At beb, mukhang happy sila together kahit na matagal na sila."

"Maghihiwalay rin sila." sabi kong ang totoo ay ang sarili ko ang pinaniniwala ko. "Katulad namin." dugtong ko at parang kudlit ng balisong na may matetanong talim ang tumarak sa puso ko. Naks. Pag nagdadrama talaga ang tao, nagiging makata eno?

"Ay ungkatan ng past." Sabi niyo saka pinatay ang tv. "Gusto ko yan. Game na. Magkikwento ka na ren sa wakas. One more chance lang pala katapat mo fren." Tumayo siya at kinuha ang love seat sa may sulok saka siya humarap saken. Inabot ko lang si spongebob na naupuan niya.

"Ano ba wag mong inuupuan tong spongebaby ko!" Saka ko pinagpag at niyakap ito.

"kaya di ka nakakamove on fren. You surround yourself with a lot of things that remind you of him." seryosong sabi niya.

"Hindi naman. Mahal ko lang talaga tong si spongebob."

"Yan bang si spongebob, o yung isang spongebob?" di naniniwalang tanong saken ni J. Oo, baduy mang aminin pero spongebob ang tawag ko nun sa kanya. Iniwasan ko na lang yung tanong at binuksan uli yung tv.

Testing the Limits of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon