The Brothers

3 0 0
                                    

Chapter Six: The Brothers

I was enjoying his company and I can't help but admire him more for that. He's a strong but gentle man. Hindi ko alam kung pano yun naging posible sa katauhan niya. I shared my own story. And he symphatized with me and joked that maybe fate brought us together to mourn for our shattered hearts.

"Baka tayo talaga ang magkakatuluyan?" He joked and I just drank to that.

"Siraulo. Joker ka pala, kaso di mabenta jokes mo. More on nakakainis.” I said that both of us laughed at. “Pasalamat ka gwapo ka."

"Thank you." He said and I giggled.

“Ay, nagthank you talaga. Pasalamat ka brokenhearted ka."

"Uy below the belt na yan sateng dalawa. Medyo nakakaoffend para sayo." He said.

”Sa akin lang talaga?” I inquired.

“Sa akin din.” He answered and we both laughed. Bibihira ang mga nakakatagal kumausap sakin. Bibihira din ang nakakasakay sa mga trip ko. Bibihira din ang nakakapagpatawa sa akin. These past years, wala akong ibng ginawa sa buhay kundi magseryoso at patunayan ang sarili ko sa lahat ng tao. Hindi ko alam kung boring akong kausap, or hindi lang talaga nila kayang lumebel sa mga topics na inoopen ko. But this guy, with this guy, I enjoyed every minute I was with him. Hindi ko na nga namalayang nakarami na pala ako ng inom dahil lagay lang kami ng lagay sa mga baso namin. He was moving his chair closer and closer towards me hanggang sa naramdaman kong nakaakbay na siya saken. I stopped laughing nang maramdaman kong pinisil niya ang balikat ko. I looked at him.

"I like you." Sabi niya. And I don't know what made me, pero siguro iyon yung mga nagrerebeldeng libido ko sa katawan, and i saw him lean towards me at ni hindi ako umiwas.

"I like you, too." I said and i saw him smile. There is something strange with his eyes na naaaninag ko ngayon sa dim light or baka epekto lang to ng alcohol. He held my cheek with his other hand and I closed my eyesat the touch. Anglandi! Angharot! Ano to kakakilala pa lang kiss na agad? "But still, I don't want us to use each other as a rebound." Sabi ko as I felt his breathe near my face. Sayang nga at hindi natuloy yun. Sayang at nagsalita pa ako. Pasaway na bibig, nahalikan ka na sana kung di ka gumalaw at nagsalita.

Wait, nag aanticipate ako ng kiss? Hindi ko na nasagot ang tanong na iyon at bigla ko nang minulat ang mata ko nang marinig kong parang may nabasag sa harap namin. Hindi ako nagulat dahil hindi naman yun kasinglakas ng music nung dj but as i looked around, some of the customers sa bar ay shocked sa nangyari. I looked at the man beside me who was looking in front of us.

"WHAT ARE YOU DOING?!" galit na tanong ng bartender. Nagbaling ako sa kanya ng paningin at nakita kong nakalapit na ito sa amin. I am meant to be ashamed sa nakita nya but I'm surprised I was not. Marahil dahil na rin sa alak na nainom ko at sa inis nanararamdaman ko kanina pa towards him.

"We’re just having fun." sagot ni Kier.

"Having fun? She's drunk and you are about to kiss her! She's drunk!" Turo nya sa akin. Na ikinibit balikat ko lang. I reached for my glass again smiling pero kinuha nito agad iyon.

"Bro, angKJ mo." Kier told him.

“I can totally agree. And i’m not drunk i’m just tipsy." sabi kong inangat nang konti ang katawan ko sa upuan upang abutin ang baso ko mula sa kanya pero bigla akong nahilo. 

 “See? You can’t even manage to stand up tapos may gana ka pang uminom?” sabi nito sa akin. “You, get yourself out of here at magpakita kay mama. You got her worried sick”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Testing the Limits of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon