"Nagmo-move on ka nga, ang direksyon mo naman ng pagmo-move on ay yung pabalik sa kanya."
"Tinawagan ko ulit siya. Pero out of coverage na yung phone nya nun. Iyak ako nang iyak nang gabing yun, mag isa lang ako at may sakit sa pusong iniinda kaya di ko na namamalayang inaatake na pala ako ng asthma." Sabi kong humihikbi na.
"Inumpisahan ko na siyang isumpa habang naghahanap ako ng inhaler ko. Pero nung mukhang hindi na ako makahinga, dumating lahat sa utak ko yung memories namin together. At isinumpa ko na aayusin ko yung relasyon na yun whatever it takes at akala ko mamamatay na ako nung biglang nagblackout ang paningin ko. But I woke up. And I took it as a sign." Inabot ko yung tissue na ibinigay ni J. "Thanks."
SUminga ako sa tissue sa ka suminghot singhot."i took it as a sign na kailangan kong ayusin yun kasi pwedeng ayusin."
"Tanga." Narinig kong bulong ni J. Pero nagpatuloy ako sa pagkernto.
"Ilang beses akong sumubok kausapin sya. Pero natatakot ako na sa pang ilang pagkakataon, irereject nya lang ako. Gumawa rin ako ng paraan para iparamdam sa kanyang gusto kong bumalik siya sa akin, natatanggapin ko pa rin siya kahit na ganun yung nangyari, pero wala, in vain lahat ng efforts ko."
"And then you saw Krisel's and Ilyssa's new friend." she supplied. Tumangu-tango ako. "Some friends." she commented with sarcasm and annoyance on her voice. "Hindi ko alam kung bakit ganun sila sayo. I knew all along na crush ni Ilyssa si Bon, but krisel? And to the point na masaya pa silang nagbreak kayong dalawa? Mas inuna pa nilang hanapin kung sino yang girlfriend ni Bon bago ka iconsole. Ikaw nga yung kaibigan nila, ikaw naman yung hindi nila pinakealaman."
"We were young, J.
"I visited their timeline and found out on their activity na may photo yung girl at si Bon. Ni hindi man lang niya hinintay yung three months na maglapse. Ganun siya kaatat palitan ako."
"Kaya nga, girl, magmove on ka na. Ganyang ikaw naman pala yung dehado. Bat ikaw yung nagpapakatanga? Wag mong hayaang yung taong pinag alayan mo ng pagmamahal at loyalty mo e ganyanin ka lang itrato na parang di ka nag eexist sa mundo."
"Kapag nasanay ka na sa sakit, dadating ka talaga sa point na okay lang sayo yung mga bagay na mali, bagay na masakit, dahil mahal mo siya." sabi ko.
"Naku! kung hindi ka lang mukhang kawawa ngayon, A, binatukan na kita! Haaay, friend! Ano ba, ano bang hinahawakan mo at hindi ka matinag sa pagkapit mo sa kanya?" Napangiti ako.
"We made an oath not to trace separate ways, not to break each other's heart because it would break ours, but we've hurt each other once, twice, thrice or so. But not everyone is perfect and we haveour own mistakes in life. He left me hanging with questions unanswered. Pero now I know why. I realized what he did was best for us. Hindi siguro ako ganun kafocused sa pag aaral kung kami pa. And I owe it all to him."
"Gaga! Oweit all owe it all ka pang nalalaman. Pinagpuyatan mo yan, wala kang utang na loob sa kanya dahil lang sa hiniwalayan ka nya. Hiniwalayan ka na nga, magtethank you ka pa?"
"Hindi, siya ang dahilan ng lahat ng to."
"Pero siya ang dahilan ng lahat ng sakit na nadama mo." Sansala nito. Naiiling akong sumalungat sa kanya pero hindi ako nagsalita. Ayoko nang humaba ang diskusyon.
"Hindi mo ba sinubukang magmove on sa kanya?" tanong niya saken.
"Sinubukan ko naman. Ilang beses, ilang tries. Muntik na akong nakaahon nun, kaso nakabaon talaga sa puso ko yung pagmamahal ko sa kanya e, di ko mabungkal, di ko maalis."
"Anong klaseng lupa ba yan? Nasementuhan na ba at di na mabubgkal?" Pagpapagaan nya sa usapan and i felt grateful for that. Ngumiti siya nang ngumiti ako pero bigla ulit siyang nagseryoso.
"Ano bang pagsubok ang ginawa mo? Binura mo ba mga pictures nyo, nagparty, nakipagsocialize mga ganon?"
"Hindi, nag aral ako nang nag aral. Iniwasan ko mga pinupuntahan naming madalas nun. Pati mga pagkain. Pati mga songs."
"Ay, move on na yun te?"
"Oo, hindi pa ba?"
She rolled her eyes on me. "Ano pang "Pagmomove on" ang ginawa mo?"
"Inunfriend at binlock ko siya sa facebook."
"Ano ka ba, dat binlock mo na lang sya, kasi matik na unfriend na yun."
"Talaga? I don't know that." sabi kong tumatawa. "Okay, next time."
"Hay naku, A! Wait, di ba frens pa ren naman kayo?"
"Yeah, nung pagkablock ko, inadd ko rin siya agad."
"Tapos inistalk mo na."
"Yeah."
"Tanga."
"Thanks."
"Inunfriend mo na nga di mo pa pinanindigan? Di ka pa nakuntento, binalikan mo agad nang ilang minuto lang? Nagmo-move on ka nga, ang direksyon mo naman ng pagmo-move on ay yung pabalik sa kanya. Subukan mo naman yung palayo, di yung pabalik. Pabalik balik ka eh."
"Mahal ko nga e. Malamang hinahanap hanap ko." ngumisi ako.
"AY wala na to. Wala ka nang pag asa fren. Malubha ka na." Inopen nya ang tv at lumipat na sa tabi ko. And then we saw Derek. and the TV went out. Napatingin ako kay J na may ngiting pilya sa mga labi niya.
"What?" tanong ko sa kanya.
"I know exactly what to do with you pathetic friend."
"Huh? Anong gagawin?"
"To fix the wrong things in you."
"Anong mali saken? HHoy, walang mali saken. Matino ako."
"Wala? E yang pahkamartir mo tinalo mo pa lahat ng mga bayaning namuhay nung kupong kupong days. Walang pagsidlan, umaapaw!" sabi nitong tumayo na at hinila ako.
"San tayo pupunta?" tanong kong nagpahila naman sa kanya,
"Basta."
![](https://img.wattpad.com/cover/15304968-288-kf00cc6.jpg)