Chapter 15

821 19 0
  • Dedicado a G.A.B. Hey mr. 15
                                        

Kathryn P.O.V.

Linggo ngayon at bukas magsisimula na ang klase. Maaga akong nagising para makapagsimba. Nagsout lang ako ng simple dress na hanggang tuhod at light make up. Pagkalabas ko ng room dumiretsyo ako sa room ni DJ at kumatok.

* tok tok tok*

"DJ. DJ" tawag ko sakanya pero walang sumagot kaya pumasok na ako. At tulog pa talaga siya, kung sabagay di ko naman nasabi sakanya na magsisimba kami ng maaga eh.

"DJ, DJ, gising na" say ko sakanya habang niyuyugyog siya ng malakas para agad magising

"DDDJJJJ gising na" sigaw ko sakanya.

"F*CK DI MO BA NAKIKITANG NATUTULOG YUNG TAO?!!! KUNG WALA KANG SASABIHIN MATINO LUMAYAS KA DITO!!!!"  sigaw niya na halata mo sa boses niya na galit na galit pero nakapikit parin siya

Napa atras ako sa sinabi niya at alam kong nangingilid na ang luha ko na anytime eh babagsak. For the first time nasigawan ako ng ganun

"D-DJ gusto ko... lang  naman... yayain kang magsimba..... Sorry.... kung naistorba kita... sorry" say ko ng paputol putol dahil pinipigilan ko ang pagpatak ng luha ko at tumakbo na palabas...

"Kath!!!" narinig ko pang pagtawag niya sakin pero lumabas nako ng palasyo. Sumakay ako ng sasakyan at sinabi sa driver na pumunta kami sa pinakamalapit na simbahan..

Prince Daniel P.O.V

F*cksh*t. Kung alam ko lang na si Kath yun. Pilit ko siyang hinabol pero nakaalis na siya. Tinatawagan ko siya pero hindi naman niya sinasagot. Hanggang sa pinatay na niya yung phone niya. Sh*t...

Hindi ako mapakali dito sa palasyo. Tinawagan ko si Alondra baka nandun si Kath.

"hello..." say ni Alondra

"Alondra si Daniel to. Andiyan ba si Kath?" tanong ko sakanya.

"ah wala siya dito bakit? Pero tignan mo sa mga simbahan mahilig kasing magsimba yang babaeng yan eh" say niya.

"sige salamat" say ko at binaba na.

Pumunta ako sa kwarto para makapag bihis at umalis din agad. Kailangan ko siyang makita baka ano pang mangyari sakanya.

Pumunta ako sa mga simbahan na pwede niyang puntahan pero hindi ko siya nakita. Hanggang sa makarating ako sa isang chapel, ito na ang huling pinakamalapit niyang puntahan.

Pumasok ako at tahimik na naghanap. Hindi naman ako pwedeng sumigaw dito. At sa wakas nakita ko din siya. Nakaluhod at tahimik na nagdadasal. Lumuhod din ako at nagsimula ng magdasal, mukhang di pa niya nararamdaman ang presensya ko.

Pagkatapos kong magdasal ay umupo na ako ng maayos habang siya ay nagdadasal parin. Mukhang kakatapos palang ng misa dahil paalis na yung mga tao.

Pagkatapos niyang magdasal ay umupo na siya at napatingin sakin. Kung kanina nakangiti siya pagkatapos magdasal ay ngayon ay naging seryoso ito. Tumayo siya at nagsimula ng maglakad palabas kaya agad akong sumunod. Pagkalabas namin ng simbahan ay pilit ko siyang hinahabol pero lalo niyang binibilisan.

"Kath!!!" tawag ko sakanya pero hindi siya tumitingin at lalo pang binilisan ang paglakad.

"Kath!!" mas malakas na tawag ko sakanya pero wala parin habang yung ibang tao eh napapatingin na at nagbubulungan.

Agad siyang pumasok sa sasakyan kaya pumasok din ako buti nalang..

"manong deretsyo po tayo kina Alondra" say niya

"no, sa palasyo tayo" say ko naman. Hindi alam ng driver kong sinong susundin samin

"we're going in palace" seryosong say ko dun sa driver

My Prince And I (kathniel)Onde histórias criam vida. Descubra agora