Author's note:
Love the title and the song :">
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Third Short story - Take a Look at me.
Would you stop and take a look at me now?
Could you stop and take a look at me now?
When you're standing right in front of me
You're looking at the positive that was negative
Would you stop and take a look at me now?
Naglalakad ako ngayon habang nag-sosound trip. Ganda lang kasi ng kanta.. Pinatapatamaan ako. Pero yung chorus lang HAHAHA.
Bago pa humaba ang storya magpapakilala muna ako.. I am May Santos, a 2nd year college student taking up Accounting. Hanggang diyan lang!
So, papunta ako ngayon ng University may klase pa ako.
Habang naglalakad ako hindi ko mapigilan tumingin tingin sa paligid ko.
Tingin sa right <.< tingin sa left >.>
Bakit hindi ko siya kasabay? Where is he now?
Pagtingin ko sa harapan ko bigla akong nag-freeze.. Nasa harapan ko siya naglalakad.
Pero hindi nanaman nakatingin sa akin. Kelan ba niya ako titingnan kahit 0.5 seconds man lang pero palagi na lang WALA!
Kelan ka ba titingin sa akin Spencer? When will you stop and look at me?
Nasa classroom na ako ngayon at kinakausap ang aking one and only Bestfriend. Si Maxine.
" Ohh mukha mo! Masisira niyan! " pang-aasar sa akin ni Maxine.
" Wag ka nga kung ayaw mo ikaw ang pagbuntungan ko ng galit " sabi ko.
" Sus! Inisnab ka na naman ni Spencer noh? " sabi niya.
Yeah, his name is Spencer Lee. I like him since pumasok ako sa University. Pero recently parang napapamahal na ako sa kanya ewan ko ba nagmamahal ako ng taong hindi ako kilala. He's taking up Civil Engineering. He's one of the POGI or Hearthrob ng School. Matangkad basta parang perfect dream guy na eh.
" Buti alam mo " sabi ko.
" Ba't kasi ayaw mo tumingin sa iba ang dami naman nanliligaw sayo pero ano? Hindi mo sila pinansin. " sabi niya.
Aaminin ko maganda ako, maraming nanliligaw sa akin pero ayaw ko sa kanila..
" Anong gagawin ko hindi ko sila gusto. Ayaw ko rin naman sila paasahin. " sabi ko.
" Alam mo May, kung ako sa'yo try mo kayang sabihin sa kanya yung nararamdaman mo. "
" WHAT? Ano ako shunga? Ayaw ko nga mamaya mareject lang ako na wala sa oras. " sabi ko.
" Kahit na try mo lang. Mamaya mahal ka rin pala " sabi niya
Napaisip naman ako. Pano nga kung umamin ako tapos may gusto rin siya sa akin pero paano naman kung wala siyang gusto sa akin edi pahiya ako.
" Haiss! Ayaw ko. " sabi ko.
" Bahala pag-isipan mo lang " sabi niya sabay umupo nang maayos.
Lunch Break namin at nakita ko siya pero as usual hindi siya nakatingin sa akin ano naman ang meron sa akin wala naman eh.