Chapter 1: Plug

23 0 0
                                    

Elisha's POV

"Ang salitang PAG-IBIG ay magkaiba sa salitang PAGMAMAHAL. Sa salitang ugat na 'IBIG' -(ibig sabihin ay gusto ngunit walang pagmamahal)....."

"ARGGGGGGHHHH!!"

yan na lang ang nasabi ko or shoud i say naisigaw ko. Paano ba naman kasi naaalala ko na naman yung gabi na niloko ako ng timer kong ex at yan naman yung sinabi sakin ng teacher ko nung nasa Jollibee kami kasama ang mga kapwa journalist ko.

Hep!! Tama na ayoko na maalala yun. By the way, I'm Louraine Elisha Monteverde at grade 11 student ..

Nandito ko ngayon sa kwarto ko,nakadapa sa pink bed ko na may hello kitty na bedsheet. Ang boring kasi ng sembreak, wala akong magawa at hindi ko na din ginagalaw cp ko,sayang load! . Napabalikwas na lang ako ng magvibrate ang phone ko na nasa side table lang.

"Haist! GM na naman,wala na bang magpiPM sakin?"

inis na inis na talaga ko. Pano ba naman kasi pati phone ko naging boring na din. Inikot ikot ko ang phone ko gamit ang dalawang daliri.

"Alam ko na!" tila may bombilya na umilaw sa ulo ko .

"Magpaplug ako! sayang naman load pag walang katext" isa din kasi sa libangan ko ang pagtetext.

Tinext ko na si Nica,yung classmate ko na mahilig magplug. Nagreply naman agad sya at pumayag siya,sinabi nya din na wait lang daw. Nagreply ako sakanya to say thank you .

After 5 minutes nareceive ko na din yung plug at take note may mga kasabay din ako sa plug. Yung iba kilala ko na except dun sa isa kaya sinave ko na yung number niya.

Naghintay din ako ng mga text at kahit papano meron naman pero hindi ko pa din tinetext yung sinave kong number. Nung nanahimik na ang mga katext ko ...

Msg. to +63927*******

"hello po :-) "

Yes,tama ang iniisip nyo,tinext ko na siya kahit di ko talaga ugali ang nagtetext sa di ko kakilala,pero bakit ko ba sinave number niya ee hindi ko nga siya kilala?? Hayy ewan :3 ..

*Bzzt*Bzzt

Msg. from +63927*******

"hello din po :) Louraine right?"

Nice ang bilis magreply,haha .

(a/n: yung naka italic,conversation nila sa text :)) )

"yeah,pano mo nalaman? Saka anong pangalan mo??" reply ko sakanya

"hmm,sa plug po,by the way I'm Ethan,Ethan Fred Ramirez :)"

oo nga naman sa plug nga

naman niya nalaman,umiral na naman pagiging bobita mo Elisha, ang cute ng name ah cute din kaya siya??,haha hayaan nyo na ko kumire minsanan lang to.

So ayun, mahaba ang conversation namin .. Haha,madaldal din pala siya hindi boring katext but FYI lang hindi pa kami close! Duh! Di ko pa siya nakikita to think we're on the same school medyo familiar naman name niya parang narinig ko na somewhere and his older than me graduating na siya ee ..

"may tanong ako??" reply niya sakin,madami na din kaming napag usapan pero ano naman kaya yun itatanong niya?? ..

"ano po yun??" sana naman kaya ko sagutin diba? wag lang talaga mathematical problem yan,naku! pag nagkataon yari ang ateng nyo :)

" hmm? paano ba magmove on??"

wow,wow naman talaga -_-". Nice question *enter sarcasm here guys* hindi nga mathematical problem pero parang hirap ko pa rin sagutin kasi parang yan din ang kailangan ko alamin sa ngayon .

bakit nya kaya tinatanong? b brokenhearted din kaya siya??

"hmm? brokenhearted ka??"

yan na lang nareply ko hindi ko din kasi alam isasagot ko sa tanong nya

"huwag mong sagutin ng tanong ang isa pang tanong" nice,makata pala ito,lalim ah,haha .

"sorry naman,siguro learn how to let go" oh ansabe ng sagot ko,haha simple lang waley ako maisip sana naman gets niya at hindi na siya magtanong ..

"learn how to let go??" O_o nakunaman! di ata gets ..

"ahm,ano kasi,if you love someone you must be prepared to set them free kahit na masaktan ka." ok na siguro yan ..

"paano kung di ko siya kayang ilet go??" yun lang,paano nga ba?? .

"sabi nga sa nabasa kong qoutation,'the best revenge is moving on and getting over it. Dont give someone the satisfaction of watching you suffer. So pick yourself up and keep moving' hindi din kasi lahat ng bagay pwede mong panghawakan kahit hanggang kailan mo gusto,minsan kailangan mo na din siya pakawalan para mahanap niya talaga yung makakapagpasaya sa kanya" oh diba,speech na yan ..

"aah salamat sa lahat ng sagot mo,mas ok na ko ngayon :))"

haha nice naman nakatulong pa ako sa kapwa ko ..

"walang anuman"

Naaalala ko na siya,siya yung napapabalitaan na boyfriend ng classmate ko. Teka,last week palang naging sila ah tapos wala agad?? Grabe naman .. Tanungin ko kaya kung bakit sila nagbreak ?? wag na lang baka sabihan pa ako ng FC nun ..

* knock* knock *

" bakit po?" sigaw ko para malaman kung ano kailangan ng kumakatok

"Elisha bumaba ka na,kainin mo na yung miryenda mo" sigaw ni mommy

"opo bababa na"

mukhang nasagot ko na din kanina kung paano ako magmomove on :))

Sorry kung maiksi po,yan lang kinaya ko ^________^

Vote and Comment po ..

My boyfriend's Secret[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon