Isha's Pov
May pasok na ulit . As usual ang na namang ginagawa.Super busy ng section namin ngayon,nagreready kasi kami para sa sasalihang acting contest ng English department ..
Always din kaming whole day sa school para asikasuhin ang mga props at magduty bilang marshall ng school.Ang pilot section kasi dito sa school may additional subject na CAT at kasama sa responsibilities namin ang magduty per day . Dagdag pagod lang pero no choice kami ganun talaga .
"Elisha kilala mo ba yun??" tanong ni Keila sakin sabay turo dun sa lalaking nakaupo sa kabilang bench. Nasa bench kami nila Ariella,Shane at Keila pahinga muna kami.
Nagpapractice kasi si Ariella at Keila sa dialogue nila,tinutulungan naman namin sila ni Shane at the same time gumagawa kami ng props.
"Ah...ahm .. si Ethan yan " sagot ko habang hindi pa din tinatanggal ang tingin ko kay Ethan na ngayon ay nakikipagkwentuhan sa mga kaklase nya .
"Ethan?? Paano mo siya nakilala!?" Hay naku,kahit kailan talaga napaka OA magreact nito ni Ariella,sarap batukan -___-
" Bunganga mo naman pakihinaan saka wag oa huh, sa plug lang ni Nica kami nagkilala" Sagot ko habang binabasa na yung script na hawak ko.
"Close kayo?" Napatingin naman ako kay Shane dahil sa tanong niya.
"Hin---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"Hindi daw,sus kaya ka paka niya tinititigan. Buti nga di ka pa natutunaw ee"
Grabe din talaga bunganga nito ni Keila at napansin niya talaga na nakatitig sakin si Ethan,so kanina nya pa inoobserbahan si Ethan?? Nakakailang na tuloy saka sasabihin ko ba sa kanila yung sinabi ni Ethan last night?? ..
"Ahm guys,may sasabihin ako?" bahala na basta kailangan ko ng opinyon nila ..
"Ano yun?" Unison pa talaga sila sabay lapit ng mga mukha sakin.Mga abno talaga.
"Layo muna kayo ng konti masyadong malapit ee" At ginawa naman nila.Wala namang mawawala pag sinabi ko di ba??
Bumuntong hininga muna ako bago tumingin sa kanila.
"Ano teh? Magtititigan na lang ba tayo dito?" Naiinip na sabi ni Keila. Ito talagang babae na to mainipin.
"Liligawan daw niya ko." Pagkasabi ko nun,yumuko agad ako dahil di ko na alam sasabihin ko sa kanila. Three minutes na siguro ang lumipas pero wala pa din nagsasalita kaya inangat ko ang ulo ko para tignan sila.
Lahat sila halatang gulat. Di ko alam kung matatawa pa ako o hindi. Nung nahalata ata nila na para na silang tanga,eh mga nagsiayos sila.
"Anong sinabi mo?" Tanong ni Shane. Ano nga bang dapat ko sabihin?
"Pumayag ka ba?" Tanong ni Ariella. Dapat ba ako pumayag??
"Kaya mo na ba ulit?" Singit ni Keila. Grabe sunod sunod talaga magtanong. Hot seat ba ito?.
"Kalma nga lang kayo.Sunod sunod talaga magtanong?" Sagot ko sa kanila na. Nagpipigil pa ako ng tawa habang sinasabi yan.
Di ko pa alam kong ano ba ang dapat kong gawin. Maski ako nagulat nung sinabi nya yun sakin.
Flashback **
May pasok na bukas. At dahil bored na bored na ako. Nag oline muna ako sa aking face book account. 83 notifications at 25 friend request. Grabe kakaopen ko lang kagabi tapos ganyan agad kadami?? Nag browse muna ako sa friend request dahil mas kokonti yun.
At may isang friend request ang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Ethan Fred Ramirez Confirm Ignore
Di ko pa pala sya friend?? Pinindot ko yung 'Confirm'. Stroll down lang ako ng stroll down,pag kakilala,accept pag hindi di ko inaaccept.Mahirap na baka,alm niyo na. Safety first.
"Anak ng tipaklong" Nagulat ako ng mag vibrate yung phone ko. Sino kaya ang nag text??
"Hi miss :) .." Sino pa ba?? Edi si Ethan. Di ko alam pero napangiti ako bigla sa text niya.
"Hello :). So ano ang dahilan at nagtext ka?" Nacurious lang ako. Wala namang masama sa pagtatanong di ba?
"Namiss lang kita" Crap. Ang abno talaga nito sumagot.
"Tsk. Seryoso kasi,bakit nga?" haha umiral na naman pagiging makulit ko.
"Aah seryoso ba? Tatanong ko lang sana kung pwede MANLIGAW?. Ayan seryoso na yan,sana maniwala ka na." O.o anodaw?? Manligaw?? Speechless ...
Bago pa man ako tuluyan lamunin ng lupa,naramdaman ko na nagbavibrate ang phone dahil may tumatawag.
Ethan Calling ...
OMG! Pano to? Hala ano gagawin ko??
Sa sobrang taranta ko napindot ko yung answer button. Okay katangahan.
"Hello"
"H-hello,b-bakit?" Bakit ba ako nauutal? Pisti.
" Okay ka lang?" Okay lang nama ako di ba?? Di pa naman ako mahihimatay di ba?
"Oo,o-okay lang a-ako." Arghh. Umayos ka nga Elisha.
"So ano? Pwede mo ba ako bigyan ng chance manligaw?" Hala pano to? anobanamankasi?! Bigla biglang nagtatanong.
Sa sobrang taranta ko binabaan ko sya.Nagpanic ako. Inoff ko din ang phone ko dahil alam kong tatawag ulit yun. Nakakahiya yung ginawa ko.
******
"So di mo pala sinagot?" Umiling lang ako bilang sagot ko kay Ariella.
"Infairness,mukha kang tanga sa reaction mo teh" Pang aasar ni Keila. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Di ko talaga alam kung bakit naging bestfriend ko 'to. Haha joke,love ko yan kahit ganyan yan.
"Oh,tama na muna yan. Ikain na lang natin yan. Mamaya na ulit natin pag usapan ang lovelife ni Isha." Pag aaya ni Shane. Tama,ikakain ko na muna to. Nakakastress ee .
BINABASA MO ANG
My boyfriend's Secret[On-Going]
Novela Juvenilmamahalin mo pa ba sya khit nagkamali na sya?? Pagkakatiwalaan gaya ng dati?? Magiging maayos kaya ang lahat gaya ng dati?? ..May second chance nga ba?? ..