Elisha's POV
"Mommy alis na po ako" kiniss ko na siya sa pisngi at lumabas na ng bahay .
Iniisip niyo siguro kung saan ako pupunta ?? .. Well, may urgent meeting daw sa school, nice nga ng timing ee ngayong pang All Saint's Day. Nag commute na lang ako,wala na kasi si Daddy,maagang pumasok . At buti na lang hindi gaanong madami ang tao kaya nakasakay ako agad. Medyo malapit lang din naman ang school kaya nakadating ako agad at madami na silang nandoon .
"Ano daw gagawin natin dito? " tanong ko sa kanila habang papalapit ako sa kanila. Teka parang may mali sa mukha ng mga ito? Parang mga nalugi .
"Magchecheck daw ng mga papers" walang gana na sagot ni Jael . Kahit naman ako nawalan din ng gana nong narinig kong ' yon,nakakatamad kaya . Pero mas okay na din sa inaakala ko,akala ko kasi paglilinisin kami. Pero kasi naman,UNDAS ngayon. Yung iba nagluluksa sa sementeryo tapos kami heto, magchecheck ng papers. Well, no choice kundi sumunod .
Natapos naman namin agad at after checking di pa kami umuwi .
"So guys san ang gala?" tanong ni Kevin samin. Pag galaan talaga mas mabilis pa siya sa alas kwatro. Nasa bench pala kami nag uusap usap ng lugar kung saan pwede magstay dahil ayaw pa nila mag siuwi at ako?? Siyempre gusto ko din gumala,bored na ko sa bahay ee .
At sa tatalino ng mga classmates ko , wala pa rin silang final decision . Actually 15 mins. na kami nag uusap pero wala pa rin.
"Moma na lang tayo kina troy,ano troy pwede ba??" suggestion ni Mark,isa din sa mga gala kong classmate .
"Sige,so let's go guys" aya samin ni Troy .
Ayun nagsilakad na kami palabas ng school at dahil sa matino kausap ang mga kasama ko, huminto muna kami sa may waiting sched sa labas ng school. Paano ba naman kasi yung iba gusto pumunta sa mall, yung iba gusyo magmoma . Nanahimik na lang ako at nagsalpak ng earphone sa bibig, echos malamang sa tenga kaya earphone ee . Ayun na nga,habang nakikinig ako biglang huminto ang tugtog akala ko deadbatt na ako yun pala may istorbong nagtext ..
"hey musta? gawa mo? ." Sino pa ba?? Edi si Mr.YABANG na naman
"Ok naman,ito nasa tapat ng school,hinihintay mga kasama ko kung san kami gagala"
"Malapit lang ako sa school,nasa cemetery ako ngayon nearby if okay lang sayo meet tayo"
OMG!! dont tell me,deads na siya kaya sya nasa cemetery . Oa ko naman baka may dinalaw lang,saka may patay ba na nagtetext? minsan umiiral talaga pagiging bobita ko,haha. Pero seryoso,meet daw? Now na? Di ata ready ang Lola niyo . Di pa keri .
"hmm,ewan ko lang. di ata kami dadaan dyan"
Mga palusot ko din minsan umoobra sana effective ngayon *evil laugh*
"Elisha tara na" napatingin naman ako kay Ariella na nasa tabi ko na pala at naka angkla ang kamay sa braso ko..
"San tayo??" tanong ko sa kanya with taas kilay ..
" Mall" matipid niyang sagot at hinila na ako para mag lakad ..
At pag minamalas ka nga naman,dun pa daan namin sa cemetery. Hmm? actually daanan talaga siya papunta sa sakayan ng mall na gusto nila kaya medyo creepy pag dumaan ka dun ng gabi. Dami naman kasing mall yun pa napili nila -_-" .. By the way,makipag kita na kaya ko?? ..
"aah ganun ba?? :(("
Aww, nakasad face na siya . Nakakakonsensya . Kaso, di talaga ako kumportable na makipagkita. Mamaya, serial killer pala sya edi lagot na. Bahala na nga.
BINABASA MO ANG
My boyfriend's Secret[On-Going]
Teen Fictionmamahalin mo pa ba sya khit nagkamali na sya?? Pagkakatiwalaan gaya ng dati?? Magiging maayos kaya ang lahat gaya ng dati?? ..May second chance nga ba?? ..