Elisha's POV
Narinig ko na bumaba na si Mommy,kinuha ko yung tablet at phone ko at agad na din akong sumunod .
"Wow,strawberry cupcakes at shake" parang nagspark ang mata ko nung makita ko yung nakahain sa table. Favorite ko kasi ang mga iyon kaya ganun na lang ako matakam, matagal na din akong nagkicrave sa mga iyon. Ngayon lang ulit kasi si Mommy nagbake ng ganun at sigurado akong makakalimutan mo ang pangalan mo pag natikman mo yun .
"Alam kong favorite mo yan kaya nagbake ko,matagal tagal na din kitang hindi nagagawan niyan kaya kumaen ka na" sabi ni Mommy sabay ngiti sakin at pinagpatuloy na ang ginagawa niya, I think hinuhugasan niya yung ginamit niya sa pagbibake .
"Kayo po kumain na po ba kayo?" tanong ko kay Mommy baka kasi di pa siya kumakaen,kung hindi pa edi sabay na kami .
"Mamaya na ako,tatapusin ko lang itong ginagawa ko,mauna ka na kumaim" walang lingon na sagot sakin ni Mommy
"Sige po,Mommy sa garden na po ako kakaen" nag nod lang sakin si Mommy at nginitian niya na din ako.
Dinala ko naman na sa garden yung tray na pinaglagyan ng miryenda ko. Pagkalapag ko ng tray sa round table siyempre hindi muna ako kumain,pinicturan ko muna yung foods ko,haha walang basagan ng trip :)) .. After ng picture taking LAFANGAN NA!! haha pangit ng term haha . Nag OL din ako sa twitter at facebook gamit ang tablet ko .
Napatingin ako kay Mommy ng biglang tumunog yung doorbell. Ang aga naman ata ni Daddy umuwi .
"Isha may bisita ka ba??" tanong ni Mommy na may halong pagtataka. Nagpapaalam kasi ako pag may papupuntahin ako sa bahay pero wala naman akong iniexpect na bisita ngayon.
" Wala po, baka si Daddy po yan." hindi na sumagot si Mommy at pumunta na siya sa pinto para tingnan kung sino ang nagdodoorbell sa labas ng gate.
"Nasa may garden siya" narinig kung sagot ni Mommy noong papasok na sila ng bahay.
"Sige po" sagot ng familiar na boses,hmm? wala talaga akong inaasahan na bisita .
"Puntahan niyo na siya at ipaghahanda ko kayo ng miryenda" KAYO?? so madami sila. Alam ko na kung sino ang mga BWISITA este bisita ko.
"Hi girl" ngiting ngitinma bati salin ni Ariella. Narinig na naman kasi ng pagkain,ang takaw talaga nito kahit kailan. Si Ariella nga pala ang bestfriend ko na parang twinsis ko na din .
"Hello,so anong meron at napabisita kayo ng walang PAALAM??" diniinan ko talaga ng pag banggit sa huling word. Sugod bahay gang na naman 'tong mga 'to.
"Sabihin na natin na nabobiring kami" confident na sagot ni Kevin with nakakalokong ngiti. Parang alam ko na gusto palabasin ng mga ito -_- ..
"Dont tell me....."
"Yes,gagala tayo" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi sumabat si Jael ..
Sabi na nga ba ee. Yan naman talaga kasi ang habit naming magkakaklase .. Gala dito gala doon. Pero parang di ko trip gumala ngayon ..
"Guys,ito na ang miryenda niyo" sabi ni Mommy habang nakangiti at dala ang tray na may cupcakes at 3 glasses of shake .
"Yehey ^______^ iloveyou na talaga tita" ayan na si Ariella, aariba na sa lafangan. Tuwang tuwa ang gaga, nagtwinkle ang mga mata at niyakap pa si Mommy.
BINABASA MO ANG
My boyfriend's Secret[On-Going]
Teen Fictionmamahalin mo pa ba sya khit nagkamali na sya?? Pagkakatiwalaan gaya ng dati?? Magiging maayos kaya ang lahat gaya ng dati?? ..May second chance nga ba?? ..