Dangerous Game

824 32 8
                                    

Since birth si Ana Karylle ay naipagkasundo nang ipakakasal sa evil ruler ng kanilang kaharian nang dahil sa isang kasunduang nagawa ng kanyang ama.Mula pagkabata, lahat nang paghahanda ay ginawa na niya para pagpaslang dito. Marami siyang trainings na pinagdaanan para siguruhing mapapaslang niya ang halimaw.

Dumating na ang araw kung kelan ipinasundo siya para sa gaganaping kasal sa palasyo sa pinakamasamang haring kilala niya, si King Vice. Masama ang loob niya sa kanyang ama dahil pakiramdam niya ay hinayaan lang siya nito na masadlak sa pinakamalagim na trahedya sa buhay niya,ang makasal sa demonyong hari at galit din siya sa sarili sa pagnanais na takasan ang kanyang kapalaran...ang paslangin ito. Araw-araw noon, idinadalangin niya na sana malimutan ng demonyong yun ang tungkol sa kasunduan.

Labag man sa kanyang kalooban, iiwanan niya ang lahat ng mahalaga sa kanya...pamilya, kaibigan, pangarap...upang tuparin ang kanyang kapalaran, ang pakasalan ang makapangyarihan, immortal at evil na hari. Ang plano niya? Paibigin siya, pabagsakin ang kaharian at putulin ang sumpang ipinataw nito sa kanilang kaharian na halos 14 thousand years na nilang pinagdudusahan.

Sa kanilang naiibang kaharian, laganap ang krimenalidad, kahirapan, imoralidad, droga, kahalayan, masasamang bisyo, at ...ah....in short RATED SPG. Di uso ang MTRCB. Naghahari ang kasamaan at ang lahat ng iyon ay dahil sa kanilang evil king.

Lingid sa kanyang kaalaman,minsan sa isang libong taon ay nagaganap ang isang pagbabago sa palasyo at sa mga taong nakatira dito. Taliwas sa kanyang inaasahan, ibang-ibang Vice ang kanyang makikilala. Ang makapangyarihang hari ay ubod ng gwapo. Mabibighani siya sa kakaiba nitong charm at mawiwili sa nakakaintriga at punong-puno ng mahika nitong palasyo.

Sa kanyang paghahalungkat sa mga lihim ni Vice, di niya inaasahang mahuhulog ang loob niya dito. Matutuklasan niya ang katotohanang ibinaon sa kasinungalingan na buong buhay niyang pinaniwalaan. Paano niya maisasakatuparan ang kanyang misyon kung di niya mapigilan ang puso niya sa pagtibok para sa lalaking di niya kailanman dapat ibigin? Magagawa niya bang tapusin ang sumpa bago pa siya maubusan ng oras kung ang tanging paraan ay ang kamatayan ng lalaking kanyang iniibig?

A/N: Hi sibs!Hopia like this. Ito po ang pambawi ko dun sa nadelete kong ViceRylle story. Sorry po dun sa mga nagbabasa nun at naghanap at salamuch po sa suporta. Baka di ko na po yun mabalik. Pero kung gusto niyo po ng storyang hopia,buko flavor,susubukan ko po ulit. Pero di po ako sigurado kung magugustuhan nyo yung ganitong konsepto kaya gusto ko pong marinig ang opinyon nyo.

Kung pwede po mag-iwan kayo ng comment/suggestion/reaction o kaya i-vote nyo po kung nagustuhan nyo? Pwede nyo rin po akong i-tweet kung may gusto po kayong iparating/itanong o kahit ano pong trip nyong sabihin sa @bytzpogi 😘😉

PS:Bukod sa magic at kung ano-ano pang kababalaghan, samahan niyo ako at tuklasin kung ano pa ang NAIIBA sa kanilang kaharian.😜

Dangerous Game |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon