K's POV...
Gulong-gulo ang isip ko. May nagbago ba talaga sa palasyo o epekto lang 'to ng kaba ko?Di na ako sigurado. Nababaliw na yata ako.
Heto na nga kasi.Ikakasal na ako.Oo,ikakasal na ako sa halimaw na hanggang ngayon di ko pa rin nasisilayan ang anyo.Sino naman ang di mababaliw sa kaba di ba?
Para akong wala sa sarili. Ako lang ba talaga ang nakapansin sa mga pagbabago?
Ang weird lang talaga eh. Nagising ako sa napakalaking kama dun sa napakagarang kwarto pero hindi ko matandaan kung paano ako napunta dun? At...YUNG LALAKI?Panaginip lang ba yun?
Pasimula na ang seremonyas. Di ko namalayan naglalakad na pala ako patungo sa altar kasabay ang aking pinakamamahal na ama. Heto na nga.Wala nang atrasan. Pinaghandaan ko 'to di ba? Napabuntong hininga ako. Tama.Pinaghanadaan ko 'to kaya hindi ako pwedeng mabigo. Alam kong mapanganib pero handa na akong sumugal at sa mapanganib na larong ito,sisiguruhin ko,magtatagumpay ako. Hindi ko pwedeng biguin si ama, ang mga kaibigan ko at ang mga kababayan ko. Mapapatay ko ang halimaw,sisiguruhin ko yun kahit buhay ko ang kapalit.
Nagbalik ako sa ulirat nang malapit na ako sa kanya.
Tumigil ang mundo nang makita ko siya. Wala akong ibang naririnig kundi ang kabog ng dibdib ko. Hindi halimaw ang naghihintay sa akin sa altar kundi...yung lalaki kagabi!?
Tahimik siyang nakatayo at nag-aantay sa altar. Nang tumingin siya sa akin,di ko mabasa ang kanyang ekpresyon.
Mukha siyang tunay na kagalang-galang sa suot nitong itim na tuxedo,imbes na kadiring halimaw na aking inaasahan. He looks like a dark angel silently standing there habang nasa likod nito ang naglalakihang puting estatwa. Pwede na siyang prince charming sa mga fairytales kundi lang sa nakakatakot nitong tingin.I shivered when I looked into his eyes. Di ko siya maintindihan.Is this really the monster na sinasabi nila?Siya ba talaga ang prinsipeng pinilit ako,ang pamilya ko,na makasal sa kanya?Bakit imbes na matuwa,tila siya pa itong galit at nagluluksa?Aba!
Lumilipad ang isip ko.Ang dami kong katanungan sa utak ko na hindi ko alam kung saan hahanapin ang sagot.
"Tapusin mo na!" Utos ni Vice.
"...I now pronounce you man and wife."
Narinig kong sabi ng priest. Sumunod naman ito agad sa utos ni Vice. Natapos na pala nang di ko namamalayan. Buong seremonya,wala ako sa sarili at naiinis akong isipan na isa sa mga rason ay ang taong asawa ko na pala ngayon. Kung bakit naman kasi tuwing mapapatingin ako sa kanya, natutulala ako. Mukha akong tanga.Arghhh! Masisisi nyo ba ako, eh halimaw ang inaasahan kong makaharap,hindi isang makisig na prinsipe. Oo na.Pwede na siyang gwapo. Mas matangkad siya sa akin ng ilang pulgada at katamtaman ang pangangatawan.
Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at hinila papalabas imbes na ako ay halikan.Hindi naman sa gusto ko ano?Pero nabubuwisit na ako sa mamang ito.Ano ba kasi ang tumatakbo sa isip niya?
Napalingon ako sa aking ama. Tiim ang bagang na nakatingin sa akin, pilit niya akong nginitian.
"Sandali!Bitiwan mo nga ako.Saan ba tayo pupunta?"Pagpupumiglas ko pero ang lakas ng pagkakahawak niya sa kamay ko at wala akong nagawa kundi sumunod.
Pinagtitinginan na kami ng lahat. Paglabas ng pintuan,maging ang mga trabahador na aming nadadaanan ay napapatingin na din sa amin.Vice glared at them,napapayuko naman sila. Patuloy akong nagpupumiglas. Nakakaramdam na ako ng takot.Wala akong ideya kung ano ang tumatakbo sa isip niya. At kung anuman yun, mukhang walang sinuman ang mangangahas na saklolohan ako.
Nagulat ako nang bigla niya akong binuhat at pinasan sa kanyang balikat."Ibaba mo ako!Ibaba mo ako!Ano ba?" Sigaw ko at pinapalo ko siya sa kanyang likuran ngunit parang balewala sa kanya ang pagpupumiglas ko. Binuhat niya ako paakyat sa hagdan at pagdating sa tapat ng isa sa mga kwarto,sinipa niya ang pinto at dire-diretsong pumasok.

BINABASA MO ANG
Dangerous Game |ViceRylle|
FantasySi K, nakatakdang ikasal sa evil ruler ng kanilang NAIIBANG kaharian, si Vice. Labag man sa kanyang kalooban,wala siyang magagawa kundi sundin ang kanyang kapalaran...ang makasal sa ubod ng sama at makapangyarihang imortal, at humanap ng pagkakataon...