Nanigas siya sa kinalalagyan nang makitang itinaas nito ang tangan nitong patalim. Papatayin nga ba siya nito? Nagulat at nalito siya nang makita niyang ni-roll Vice ang kaliwang sleeve ng kanyang damit hanggang sa kanyang siko. Walang ano-ano'y nakita na lamang niyang he pressed the tip of the dagger onto his skin at sinugatan ang kanyang sarili.
Akmang napatayo si K at napasigaw."Huwag!" Pero huli na. Nakita na lamang niyang tumagaktak ang dugo sa bedsheet sa may paanan niya. Nakamaang na nakatingin sa mga patak ng dugo, napadako ang tingin ni K sa tila nakakalusaw na mga mata ng kanyang asawa. They locked gazes for a while. Puno ng tanong ang kanyang mga mata,samantalang kay Vice ay di mawaring emosyon ngunit tila sigurado ito sa kanyang pinaggagagawa.
Inilapag ni Vice ang matalim na kutsilyo sa bedside table. Napatayo si K at kinuha ang towel sa di kalayuan.Nilapitan nito si Vice para tulungan sa sugat nito but he snatched the towel from her at umiwas na para bang hindi niya kaya ang mahawakan siya ni K. Pinunasan nito ang dugo sa kanyang braso at hinagis sa isang sulok ang towel.
Lito at shocked pa rin sa mga pangyayari, tulalang pinagmasdan ni K ang asawa habang niro-roll pabalik ang sleeve ng kanyang damit upang takpan ang sugat. Pagkatapos ay tumayo ito at mabilis na hinatak ang bed sheet na tila galit na galit. Ano ba ang kinagagalit nito sa kanya?Anong nagawa niya? Ni hindi pa nga sila nakapag-uusap.
Padabog na umalis si Vice dala ang bed sheet at buong lakas na binuksan ang pinto. Nagulat si K nang makita ang kanyang ama na nakatayo sa labas ng pintuan. Ibinigay ni Vice ang sheet dito. Tinignan itong kanyang ama at nakita nito ang bahid ng dugo sa puting tela. Tumingin ang kanyang ama kay K na tila nagtatanong kung may nangyari nga ba sa kanila.
Litong-lito si K sa mga pangyayari. Napatingin siya kay Vice na noon ay nakatingin din sa kanya at tila pinandidilatan siya. Tagaktak ang pawis sa noo ni K at di malalaman ang sasabihin. Sasabihin ba niya ang totoo o magsisinungaling sa kanyang ama at sasakyan ang trip ng kanyang asawa.
Muli siyang tumingin sa kanyang ama na tila naghihintay ng kasagutan. Napalunok siya at muli ay tumingin kay Vice at pagkatapos ay tumango na lamang bilang tugon sa kanyang ama.
Nagmamadaling umalis ang ama niya,bitbit ang bed sheet na tila masayang-masaya pa. "Tapos na."Dinig pa ni K na sabi nito.
Hindi na niya maunawaan ang mga nangyayari. Tulala siyang nakatingin sa pintuan matapos siyang iwan ng kanyang ama at asawa mag-isa.
~~~~~~~
Panay ang buntong hininga ni K habang nakaupo malapit sa bintana. Hindi malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. Dapat ba siyang matuwa? Ito ang pangarap ng mga kababaihan,ang makasal sa isang prinsipe. Pwede na niyang isakatuparan ang kanyang mga plano.
Ngunit may gumugulo sa isip niya.Di naman halimaw ang pinakasalan niya. Hindi nga ba? Dapat ba talaga niya itong patayin?Ngunit...hindi siya mamatay tao.
Nakaramdam siya ng lungkot. Di niya maunawaan ang inakto ng kanyang ama.Bakit siya nito iniwan nang wala man lang paalam?Pumunta ba talaga siya sa upang siguruhin na mayamgyayari sa kanila ng Vice na yun? Bakit kelangan niyang gawin yun?
Ayaw man niyang aminin, isa pang bumabagabag sa kanya ay ang inakto ng kanyang asawa. Ano ba ang kinagagalit nito sa kanya?Ano ba ang nagawa niya at galit na galit ito sa kanya?
Tumayo siya at pabagsak na humiga sa kama. Di niya maiwasang malungkot. Ngayon nag-sink in sa kanya,iniwan na siya ng kanyang ama sa palasyong ito. Napabuntong hininga siya.
Pagulong-gulong siya sa napakalaking kama. Di mawala sa isip niya si Vice. Ano nga ba ang meron sa taong yun? "Baliw ba siya?" Naalala niya yung unang gabi niya sa palasyo. Nangyari nga ba yun?
Maraming bagay ang nagpapalito sa kanya. Di na siya sigurado sa mga bagay-bagay.Di niya na alam kung anong dapat paniwalaan,kung anong dapat maramdaman.
Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga nangyari kanina.Bakit kelangan niyang gawin yun? Is he gay or what? Bakit ba ganun ito sa kanya?Ano ba ang nagawa niya?Ganun na ba siya kapangit para mas piliin niyang saktan ang sarili kesa angkinin siya?
"Ana Karylle,ano ba 'tong pinasok mo?Ugh!" Ani K, sabay sabunot sa sarili.
Nagdesisyon siyang lumabas at mag-ikot-ikot sa palasyo. Magtatakipsilim na,palubog na naman ang araw.Di niya namalayan ang paglipas ng oras.
Napakaganda pala ng palasyo. Ngayon niya lang ito napansin. Ngunit nangingibabaw sa kanya ang lungkot. Di niya maiwasang isipin,kung sana ay nasa isang normal na sitwasyon siya...normal na buhay...normal na kasal.
She's daydreaming. Nai-imagine niya kung gaano siguro kasaya ang buhay niya ngayon kung hindi lang dahil sa natatagong hiwaga ng taong pinakasalan. It is every girl's dream na makapangasawa ng isang prince charming. Ang manirahan sa isang magandang palasyo kasama ang isang gwapong asawa na nagmamahal sa kanya. Kung gaano kasarap ang ma-in love. Napapangiti siya habang naglalaro sa kanyang isipan ang mga maaring masasayang sandali na pagsasaluhan nila ng kanyang prince charming. Siguro kung di lang ganito ang sitwasyon, masaya siyang nagho-honeymoon kasama ng kanyang asawa kung nagmamahalan lamang sila. Napabuntong hininga siya sa mga naiisip. Sino ba namang babae ang ayaw sa happy ever after hindi ba?
Natigilan siya nang may narinig siyang tila nagtatalo sa may hardin.
"Walakompake!Hindi pwedeng tutunganga na lang ako dito."
"Pero kamahalan, mag-antay na lang muna tayo. Baka naantala lang yun sa daan."
"Billy, hindi ako mapapalagay hangga't wala siya dito. Pupuntahan ko siya. Paano kung di tumupad sa usapan ang mga yun?"
"Pero kamahalan, wag kayong magpadalos-dalos. Kumalma kayo."
"Kumalma!?Paano ako kakalma?Vhong, di ako makakalma hangga't di ko siya nakikita." Galit na sagot ni Vice. Nang sumilip si K,nakita niyang pabalik-balik na naglalakad si Vice na tila di mapakali. Halata naman ang pagkabalisa at pag-aalala ng dalawa nitong kausap.
"Wag lang talaga niyang maiisipang sumira sa usapan.Sinasabi ko sainyo,makakapatay ako." Galit na galit na sabi pa nito. At pagkatapos ay akmang aalis ito.
"Kamahalan!"Sabay na sabi ng dalawa na pilit pinipigilan pa rin si Vice. Lumingon lamang si Vice sa dalawa.
"Kamahalan, alam niyong hindi kayo pwedeng lumabas ng kaharian."
"Alam ko Billy.Sasalubungin ko siya sa lagusan." May bahid ng lungkot na sabi ni Vice.
Itutuloy...
Sino ang sasalubungin ni Vice?
Bakit di siya pwedeng lumabas ng kaharian?
Ano ang mangyayari sa ViceRylle ngayong nasa IST sina Kaye at Yael as hurados?Awkwaaaard!Ay iba pala yun.
A/N: Salamuch po sa pagtiyatiyagang magbasa. Sorry po,di ko natupad yung sinabi ko.Pasensya na sa mabagal na UD.Super busy (ang bagong superhero?de joke.)...super busy lang po talaga.
BINABASA MO ANG
Dangerous Game |ViceRylle|
FantasiSi K, nakatakdang ikasal sa evil ruler ng kanilang NAIIBANG kaharian, si Vice. Labag man sa kanyang kalooban,wala siyang magagawa kundi sundin ang kanyang kapalaran...ang makasal sa ubod ng sama at makapangyarihang imortal, at humanap ng pagkakataon...