"Kamahalan, alam niyong hindi kayo pwedeng lumabas ng kaharian.""Alam ko Billy.Sasalubungin ko siya sa lagusan." May bahid ng lungkot na sabi ni Vice.
Sa pagpapatuloy...
Natigilan sila nang mapagawi ang tingin ni Vice kay K.
"Ka-kamahalan."Nauutal na sabi nina Vhong at Billy. Nagbigay galang ang mga ito kay K.
Nang malingat ang dalawa,mabilis na umalis si Vice. Narinig na lamang nila ang langitngit ng gulong ng sasakyan. Nagkatinginan sina Vhong at Billy. Mabilis na humabol si Billy at lumabas. Naiwan naman si Vhong.
"Kamahalan. Ako po si Vhong. Pag-utusan niyo po ako at nakahanda po akong paglingkuran kayo."Magalang nitong sabi kay K.
Tumango lamang si K at ngumiti. Nalilito pa rin siya sa mga narinig kanina. Sino ang inaantay ni Vice?Sino ang di tutupad sa usapan?Sino yung papatayin niya?
Maya-maya pa ay iiling-iling na bumalik si Billy.
"Kamahalan, siya naman po si Billy." Pakilala ni Vhong dito.
"Your highness."Magalang na bati naman ni Billy. "May maipaglilingkod po ba kami sa inyo?"
Nagtitinginan ang dalawa. Naawa sila kay K dahil sa inasal ni Vice. Hindi man lang ito nagpaalam at walang-lingong likod na umalis na para bang di man lang nakita ang kanyang asawa.
"Uhm...hindi.Wala. Nagpapahangin lang ako.Nagawi lang ako dito."Nakangiting sabi ni K, kahit na naiilang siya sa mga ito. Tila nababasa rin kasi niya ang tumatakbo sa isip ng mga ito. Di niya maiwasang makaramdam ng awa sa sarili. "Sige.Bye."paalam pa niya sa dalawa.
"Uhm...kamahalan! Sandali lang po. Gusto niyo po samahan ko kayo sa paglilibot?" Habol naman ni Vhong.
"Wag na lang. Baka nakakaabala lang ako sa inyo."
"Hindi po kamahalan. Wala na po akong gagawin. Si Billy lang po ang medyo busy ngayon kaya ako na lang po muna ang sasama sa inyo."
"Uhm...papayag ako kung magiging magkaibigan tayo. Wala kasi akong kaibigan dito."
"Sige po. Kaibigan nyo na po ako simula ngayon."masayang sabi ni Vhong.
"Hep!Kung magkaibigan tayo, dapat K na lang ang itawag mo sa akin."
"Pero labag po yun sa nakaugalian. May karampatang parusa po yun kung may makakarinig sa akin."
"Sinong magpaparusa, si Vice ba?"Malungkot na tanong ni K.
"Opo."
"Kung ganun, di din ako makakapayag na samahan mo ako. Ayoko ng bantay, gusto ko ng kaibigan.Sige, aalis na ako."
Akmang aalis na si K nang mapansin niyang lumungkot naman si Vhong sa sinabi niya. "Halika ka na nga." Baling nito kay Vhong.
~~~~~~~
Sinamahan ni Vhong si K at ipinasyal sa palasyo. Nagkasundo rin sila at napapayag siya ni K na wag na masyadong pormal sa pakikitungo sa kanya lalo na kung wala namang mga tao. Naiilang kasi siya.
Si Vhong pala ay matagal nang kaibigan ni Vice. Isa siyang kabalyero. Mahusay itong mandirigma, masayahin at talentado. Hilig niya ang sumayaw at umawit at marunong din ng konting magic tricks. Natuwa si K sa kanya at nagkakasundo sila sa maraming bagay.
Naaaliw si K sa nga kwento nito lalo na yung mga tungkol sa kanyang asawa. Magkakaibigan pala silang tatlo ni Billy. Mabait na prinsipe daw si Vice noon.Malapit siya sa mga tao.
Naputol ang pagkukuwentuhan ng dalawa nang isang karwahe ang dumating kasunod ang mga kawal na nasa kabayo kasama rin ang haring si Vice.
Magiliwng sinalubong ng lahat ang nasa karuwahe. Ang iba'y lumapit upang makiusyoso sa bagong dating at isa na rin si K sa mga na-curious kung anong meron.
BINABASA MO ANG
Dangerous Game |ViceRylle|
FantasySi K, nakatakdang ikasal sa evil ruler ng kanilang NAIIBANG kaharian, si Vice. Labag man sa kanyang kalooban,wala siyang magagawa kundi sundin ang kanyang kapalaran...ang makasal sa ubod ng sama at makapangyarihang imortal, at humanap ng pagkakataon...