Mister-yo-so

499 18 0
                                    

K's POV...

Magtatakipsilim na nang dumating kami sa palasyo. Natagalan kami sa daan dahil sa isang lalaking sinubukan kaming harangan at ininis ang mga kawal, baliw yata ang mokong, nakipaghabulan sa mga kawal, mabuti na lang at hindi nila nahuli, dahil kung hindi, malamang pinugutan na nila yun ng ulo. Walang patawad ang mga tauhan ng palasyo kaya mabigat man sa loob ko, wala akong magagawa kundi sumunod. Pero bilib din ako dun sa mama, bibihira lang ang nagagawang takasan ang may sa demonyong mga kawal na 'to.

Bumungad sa akin, pagbaba ko ang naglalakihang mga estatwa. Ang malalaking mga brasong nakaawang,tila nag-aanyaya, katakot-takot na mga mukha at walang buhay na mga matang tila nanlilisik at nakatuon sa akin. Nakaramdam ako ng takot pero wala ang takot na yun kumpara sa takot na nararamdaman ko tuwing sasagi sa isipan ko ang haring maaring makaharap ko anumang sandali.

Sabi sa mga usap-usapan, kwentong bayan at alamat, kahindik-hindik ang hitsura ng demonyong haring ito. Iba-iba ang bersyon ng kwento tungkol sa hitsura nito pero iisa ang pinupunto, wala daw itong kasing pangit at nakapangingilabot pero wala pa naman kahit sino ang makapagpapatunay na nakita na nila ito. Ni minsan ay di ko pa nasisilayan ang anyo nito.

Napakalaki ng palasyo.Di ako makapaniwala sa gara at lawak nito pagbukas ng pinto. Kabado akong naglakad sa red carpet papasok. Tila tinatambol ang dibdib ko. Paano kung ang nakakatakot na halimaw na yun ang naghihintay sa dulo?Kalma lang Karylle.Kalma lang. Pinaghandaan ko mo na 'to.Hindi ka pwedeng pumalpak. Pilit kong isinisiksik sa isip ko.

Pero di tulad ng aking inaasahan, isang babae ang naghihintay sa amin. Mataray kami nitong hinarap at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit ngayon lang kayo!?" Salubong ang kilay na tanong nito. Ang liit ng nuno na 'to pero nakakasindak kung magsalita.

"Patawad mahal na Lady Lilibeth. May isang lalaki po kasing..." Buong galang na paliwanag ng kawal na naghatid sa akin.

"Mga hunghang!"Galit na sabat ni Lady Lilibeth. "Ihatid na muna ninyo siya sa kanyang silid." Utos nito.

Kaloka ang witch na yun.Sarap isako. Masyadong nagpapaniwala sa kasabihang dapat iayon sa tabas ng mukha ang gaspang ng ugali,yan tuloy, kung anong ikinagaspang ng pagmumukha, ganun din yata kapangit ang ugali. Nakakatakot ang maliit na aleng yun. Habang naglalakad ako palayo, dinig ko pa rin ang nanggagalaiti nitong tinig na parang pinupunit na yero, bagamat di ko nauunawaan kung ano na ang kanyang sinasabi.

---0.🔱.0---

Pagkahatid sa akin sa napakalaking silid na aking tutuluyan, nakaramdam ako ng lungkot at pangungulila. Naupo ako malapit sa may bintana kung saan tanaw na tanaw ang malawak na bakuran ng palasyo at ang malawak na pamayanang nasasakupan nito. Naalala ko si ama at ang paghihirap ng mga mamamayan sa labas ng palasyo. Napabuntong hininga ako. Di ko pa rin mapigilang maiyak tuwing sasagi sa isip ko si ama. Magkasama pa kaya kaming muli?

Humiga ako sa kama. Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Di ko namalayan ang paglipas ng oras. Naidlip ako at malalim na ang gabi nang magising ako.

Pag gising ko'y napansin ko ang nakahaing pagkain sa maliit na mesa. Nagdadalawang isip akong kainin ang nung una. Paano kung may lason yun? Natigilan ako nang tumunog ang sikmura ko. Hindi naman siguro nila gagawin yun. Kaya wala nang arte-arte pa, kumain na ako.

Habang kumakain, naalala ko ang misyon ko. Di dapat ako mag-aksaya ng panahon. Kailangang matuklasan ko na kung paano tuluyang matatapos ang kasamaan ng halimaw na haring ito.

Pagkatapos kumain, lumabas ako ng silid upang simulan ang pag-i-imbestiga. Napansin kong ang daming naglalakihang pinto. Di ko mabilang ang dami ng silid.

Walang ano-ano'y may narinig akong tila halinghing ng kabayo mula sa isa sa mga silid. Huminto ako sa tapat ng grandiyosong pinto nito at matamang nakinig. Muli na naman itong humalinghing pagkatapos ay umalingawngaw ang isang malakas na sigaw.

"AAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!

Ugh!"

Di ko na napigilan ang aking sarili, binuksan ko ang silid at sumilip.

Napakalaki ng silid at may kadiliman sa loob. Maingat akong pumasok at nagmasid. Saan galing ang mga ingay na yun?Wala namang kabayo dito ah. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Minumulto ba ako?

Nilakasan ko ang aking loob at nagpatuloy sa pagpasok. Wala talagang kabayo. Napansin kong napakalaki at napakagara ng kama. Kaninong silid nga ba ito?May multo nga ba dito?Sino yung sumigaw?

Tuluyan na akong nakadama ng takot. Paatras na ako nang biglang may humawak sa wrist ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ako. Muuuuuulllllltoooo!!! Sigaw ng isip ko.Pero para akong nawalan ng tinig sa sobrang gulat at takot.

Parang ang laki ng mga kamay na yun. Ang hahaba yata ng mga daliri niya. Waaaaah!!!!! Napapikit ako sa takot.

Ang lakas ng pagkakahawak niya sa wrist ko. Tila nag-aantay ako sa susunod na mangyayari,pero wala. Naramdaman kong tila pinagpapawisan ang palad na nakahawak sa akin. Kaya dahan-dahan akong dumilat. Nakahanda na akong tumakbo at magpumiglas ngunit natigilan ako nang maaninag ko ang inakala kong multo.

Isang lalaki ang nakasalampak sa sahig habang hawak pa rin ang kamay ko. Hindi ko siya gaanong maaninag dahil may kadiliman sa silid na yun. Nakayuko siya at buhok lang nito ang nakikita ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mag-angat siya nang paningin. Tao nga! At ang pogi. 😍😍😍Sa isip ko nang maaninag ko ang mukha niya. Para bang nagglo-glow ang mukha niya sa liwanag ng buwan mula sa bintana.

Laking gulat ko nang bigla niya akong hatakin. Napaluhod ako sa tabi niya at bigla niya akong niyakap.

Nanginginig siya at ramdam kong pawis na pawis. Ano ba ang nagyari sa mamang ito? Lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin. Natakot ako ng bahagya,dahil napakalakas niya. Aba!Babalian ko ng buto ang gagong 'to.Sa di ko maipaliwanag na dahilan biglang tila tumigil ang takbo ng oras at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Ang takot ay napalitan ng awa...concern maybe. Bakit ba siya nagkakaganito?Ano ang ginagawa niya sa silid na ito?

Di ako makakawala sa pagkakayakap niya,sobrang higpit na para bang dito nakadepende ang buhay niya. Naawa ako, di naman ako bato. Kaya hinawakan ko ang likod ng ulo niya. Basa na ng pawis ang buhok niya. Nanginginig pa rin siya pero wala naman yata itong lagnat. Ayos lang ba ang mamang 'to? Bigla naman nang-aakap. Di naman siguro manyakis ang mokong. Wala sa hitsura. Pinakiramdaman ko siya. Mukhang wala naman itong intensyong masama. Siguro nga ay kailangan niya lang talaga ng mayayakap kaya hinayaan ko na lamang siya. Basa na ng pawis ang damit niya ngunit ambango pa rin niya.Napansin ko habang mahigpit pa rin niya akong yakap. Tila naglalakbay sa kawalan ang isip ko. Nabigla ako nang biglang tumunog ang malaking orasan. Hating-gabi na.

Itutuloy...

A/N: Salamuch po sa pagbabasa.😊

Kung gusto nyo pa po magbasa, pakibasa na din yung Without You (VhongAnne/ViceRylle).😁😁😁

Dangerous Game |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon