I[PAG]LALABAN [HA]NGGANG SA HULING HINI[NGA]

2 1 0
                                    

•Isang tula para sa mga naging guro ko sa Cabanatuan East Central School. Maligayang Buwan ng Mga Guro po sa inyong lahat!

I[PAG]LALABAN [HA]NGGANG SA HULING HINI[NGA]
ni ParengJuanVicente

Sa unang baitang kong nilakbay,
May isang mabuting anghel, na nagbigay ng gabay;
Inilayo niya ako, sa lubusang pagkalumbay—
Ipinangako sa pusong, kasama siya hanggang sa huli kong paglalakbay!

Sa ikalawang baitang kong tinungtungan,
Medyo malinaw na, yaong pinakahuling kahahantungan—
Ako hahantong din sa tuktok, na aking kinakailangan;
Isang napakahalagang susi, upas bukas ay ‘di na mag-alangan!

Ikatlong sagot sa bugtong,
Ikalawang ulit nang nagdudugtong-dugtong;
Kasulatang magsisilbing panggatong,
Makakamit na nang malutong!

Ikaapat na tumapik sa balikat,
Isa aral na mahalaga‘t mananatiling nakabakat—
Hanggang sa makuha ang tamang sukat,
Upang sariling araw ko‘y tuluyang sumikat!

Ikalimang nagpaalala—
Sa kinang ng lampara niyang dala;
Binigyan ako ng muling sigla,
Upang patuloy na paliparin ang saranggola!

Hanggang sa pinakahuling destinasyon,
Binigyan ako ng isang dakilang reputasyon;
Maraming salamat, sa dakilang bokasyon—
Bokasyong gagabay, haggang sa huli kong lokasyon!

At muli ngang natanaw—
Ang araw na ‘di pa nagugunaw,
Muling naaninaw,
Yaong tubig na malinaw...

(TU)LAANG (MA)Y (KA)DIWARAANG KA(S)AMA •KUMPLETO!•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon