Milya

1 0 0
                                    

•Isang tula para kay Bb. Miles Ocampo.
---

MILYA
ni ParengJuanVicente

Sa langit ay nakatingala,
Habang pinagmamasdan, yaong mga tala;
Bawat bulalakaw nama'y nagsisipila,
Nilalakbay ka nang pangamba'y wala!

Magandang binibini,
Pakinggan itong busilak na paghuni;
Habang ikaw ay abalang umaani,
Nitong mga tanim sa 'king guniguni.

Paano nga bang matagumpay na aalisin,
O milya-milyang pagita'y kakalasin?
Pagkakataon nga'y pakinisin,
Upang paghanga ko sa 'yo'y mapansin!

Habang ang buwan ay lumulubog,
Puso ko ri'y kumakabog;
Sa bawat pintig nitong tila gumagalabog,
Baybay ng pangalan mo'y sumasabog.

Kapag nasilayan ang matalim na kidlat,
Ako'y tuluyang didilat;
Sana'y madama na, ang iyong balat,
Sabay na aawit, kahit minamalat!

Sa bawat milya ng iyong tagumpay,
Sasamahan ka nang walang humpay;
Magsasalo tayo sa iisang tinapay—
Sa iniingatang tubig ay magkakampay...

(TU)LAANG (MA)Y (KA)DIWARAANG KA(S)AMA •KUMPLETO!•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon