KONBANWA OTOSAN!

1 0 0
                                    

KONBANWA OTOSAN: ANATA NI AITAI!
(GOODNIGHT DADDY; I MISS YOU!)
ni ParengJuanVicente

Bawat gabi ay handa kong palampasin,
Muling makita ka, ang mas nanaisin;
Mas maalat pa sa kahit na anong asin,
Ang mga mahahapding araw na 'di ko na lamang pinapansin...

Nangangarap na bumilis itong bawat segundo—
Makaahon sa nakalulunod na alon ng mundo;
Habang papalapit itong pagkawasak ng kandado,
Pilit kong inaalpasan o nilalampasan ang pintuang sarado!

Sabay nating palampasin ang mga gabing 'di mapapantayan—
Na puro lungkot natin ang nasisilayan;
Sabayang nating tanawin, itong maaraw na bayan,
Itong buwan nga'y kasabay na sinusubaybayan...

Halina't sa liwanag ay matulog,
Habang matalim ang pagkidlat at pagkulog;
Kapag mas kalmado na ang ilog,
Titila na rin ang ulan, sa mundong bilog.

Muli akong sasama sa ating paglalakbay,
Habang ako sa 'yo'y nakaakbay;
Sa isa't isa'y walang sawang susubaybay,
Bilang tanda ng samahang anong tibay!

Umaga'y siguradong muling sasapit—
Muling mayayakap ka nang mahigpit,
Sa isa't isa'y mahigpit na kakapit,
Habang inaabangan nila, ang pagbabalik nating nalalapit...

(TU)LAANG (MA)Y (KA)DIWARAANG KA(S)AMA •KUMPLETO!•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon