Chapter 16

524 10 2
                                    

Chapter 16

Eadric Hernandez' POV

October 26, 2014 - Saturday

"We are here!" Sigaw ni Bry.

"Huh? Bakit di ka nagpa-sub?" Narinig ko naman na sinabi ni Nathan.

"Eh, ang sarap ng tulog mo. Di na kita ginising. Haha. Ayos lang." Sabi naman ni Bryan. Napakabait niyang tao. Napaka-pure. Di imposible na mahulog nga sa kanya si Nathan.

Isang hotel kami mag-stay. 5 am kami nakarating kaya nagpahinga muna kami. Magkakasama kami sa room limang lalaki.

"Paul, tabi na lang tayo." Pagyaya ko kay Paul.

"Huh? Di ba kayo ni Bry ang magtatabi?" Sagot naman ni Paul

"A-ahh, e-ehhh...--"

"Tabi na kayo ni Bry. Kami ni Paul magtatabi eh. Dito na kami sa malaking kama para kasya si Lorenz." Biglang sumabat si Nathan. Tila naririnig niya yung pinag-uusapan namin ni Paul.

"Sus. Kahit saan. Haha! Ako na sa maliit na kama. Tabi na lang kung sino gusto tumabi." Si Bry. Patay malisya siya. Talaga bang ganito siya?

Humiga na agad si bry. Tila pagod na pagod siguro sa pagdadrive. Maya pa ay narinig ko na ang hilik niya. Pumwesto na din ang tatlo sa kama nila. Ako naman, di ako makatulog. Iniisip ko yung ginagawa ni Nathan. Pilit ko silang binibigyan ng pagkakataon, pero bakit niya tinutulak sa akin pabalik.

Lumabas ako ng kwarto at tumambay sa balcony.

Maya pa ay may lumabas din at pinuntahan ako...

"Di ka makatulog?" Tanong sa akin ni Nathan.

"Oy. Di eh. Naitulog ko na ata lahat sa biyahe." Sagot ko naman.

"Alam ko kung bakit mo nilayuan si Bry, alam ko din ang ginagawa mo ngayon." Nagulat naman ako sa mga nasabi ni Nathan.

"Huh?" Nagpapatay malisya na lang ako.

"Alam kong gising ka nung pauwi tayo galing EK. Napansin ko yun nung tinanong ko si Bry kung pwede parehas ang ituring niya sa ating dalawa. Nakita ko yung mata mo, pilit mong ipinipikit..., di nga ako nagkamali kasi sa mga ikinilos mo ng sumunod na araw."

"Oh? Ano naman? Wala naman masama siguro kung nakinig ako."

"May masama kasi lumayo ka. You've taken my words negatively."

"Hindi. Hindi ganun."

"May gusto ka ba sa kanya?" Nagulat naman ako sa tinanong ni Nathan. Di ako handang umamin. No not here. Not this time.

"Ano bang sinasabi mo? Lumayo lang naman ako dahil sa'yo. Baka isipin mo na inaangkin ko siya. Di ko pagmamay-ari si Bry. Iniisip ko hangga't nandito ako, may humaharang sa'yo. At oo, alam ko na kahit hindi mo aminin, may gusto ka kay Bry." Tugon ko kay Nathan. Di ko inakalang masasabi ko ang lahat ng iyon.

"Ed, oo gusto ko siya. Inaamin ko na but I know where to put myself. Alam kong di kaming pwedeng dalawa. Parehas kaming lalaki, gets mo naman diba....-"

"Oo, gets na gets kita." Sa isip ko lang. Buti pa si Nathan kaya niyang sabihin na may gusto siya kay Bry.

"--...and alam ko, sige sabihin na natin na wala ka ngang gusto. Alam ko, may part sa'yo na pagselosan ako. Wala na akong planong makihati kung ano ang meron ka. Masaya na ako kung ano kayang ibigay sa akin ni Bry. Yun ay ang friendship....

...Maswerte ka Ed, higit pa sa kaibigan turing niya sa'yo. Kapatid ka niyang ituring, kahit kailan ata di ko maabot yun. I am not you. I am not like you. Ibalik mo yung dating ikaw. Yung carefree, yung masayahin, yung palabiro, yun ang nagpapasaya kay Bry. Stop thinking about me, and start thinking of who is more important...

WHY? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon