Chapter 35

385 12 0
                                    

CHAPTER 35

January 22, 2014 – Wednesday

Gavriil Bryan Illano’s POV

Kasalukuyang  kami ngayong kumakain sa dampa sa Pasay. Kalmado naman na ako kay Pat, nakikisali na ako sa biruan nila. Unti-unti na nga ding gumagaan ang loob ko kay Pat.

Magkatapat kami ni Ed tapos katabi niya si Pat. Di naman sila nakaka-OP kausap, minsan nga naiisip ko baka na-OP si Pat sa amin nina Ed.

Maya pa ay dumating na yung inorder namin. Itsura pa lang mukhang masarap na yung lapu-lapu at yung calamares, mukha din masarap. Parang simula nung pakainin ako nun ni Ed, lagi na akong nag-crave. Sa totoo lang, di naman kasi ako mahilig sa seafoods.

Nagpatuloy ang kwentuhan, paminsan-minsan nakikita kong si Ed at Pat lang nag-uusap. Pinipilit kong wag magselos. Pag tatahamik naman etong si Nathan biglang papansinin ako tapos tatanungin ako ng, “Okay ka lang?” OBVIOUS MO PRE!

“Ed! Siya nga pala kaya pala gusto kita makita kasi may sasabihin ako!!” Si Pat. Nakuha naman niya yung atensyon ko pero di na lang ako nagpahalata. Pinakinggan ko maigi kung ano yung sasabihin ni Pat.

“Talaga? Ano bay un at mukhang masaya ka? Haha!” Si Ed.

“Sinagot ko na si Charles! Yung pinakilala ko sa’yo nung birthday ko! Haha!” Si Pat. OH SHITTTT! Di ko mapigilan ang mapangiti sa mga narinig ko. Di naman pala threat si Pat.

“Ahh yung Charles? Oo nga! Nanliligaw pala sa’yo yun? Ikaw ha?! Sabi mo friend mo lang. I’m so happy for you Pat! Make things right this time, okay?” Si Ed. Mukha naman okay din kay Ed. Lubusan na talaga ang pag ngiti ko pero itong katabi kong si Nathan, ugh!

“Oh bakit nakangiti ka?! Haha!” Si Nathan kasabay ng isang nakakalokong ngiti na tila may laman. May alam ba siya? Takte naman!!! Imposible, halata bang gusto ko si Ed? Di naman diba?

“Malamang masaya ako! Ang sarap ng isda oh? Di ka ba nasasarapan?” Yan na lang nasagot ko.

Napatingin naman ako kay Pat na tinatawanan lang ako. Inipon ko yung kanin sa ngipin ko tapos bigla akong nagsmile sa kanya. Mukha naman akong abnoy na nagpatawa sa kanya ng malakas, pati na din sa labs kong si Ed. Pinakita ko din kay Regie kasi mababaw kaligayahan nin eh. Di ako nagkamali at namilipit sa sikmura sa kakatawa. Haha!

“Naks oh! Pakitang gilas!!!” Si Nathan, ang kulit! Nakakarami na siya ah. Feeling ko, nakakaramdam na siya eh.

*****FLASHBACK

December 20, 2013 – Friday

Birthday nina Lorenz.

Habang inaantay ko sila, nagtatampisaw ako sa may swimming pool. Iniisip ko kung paano ako aamin kay Ed. Nag-iisip ako ng mga pakulo, balloons? Flowers? Natatawa na lang ako dahil parang wedding proposal na pinaghahandaan ko.

WHY? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon