Chapter 18

506 12 2
                                    

Chapter 18

Eadric Hernadez' POV

Naka-2 movies na ako. Ang boring. Buti na lang tinawagan ako ni Bry. Totoo, miss ko na nga siya. Siya lagi kong kasama manuod ng movie eh. Oo, gusto ko din matulog sa dibdib niya.

Hay. 6pm na. Siguro nasa Pangasinan na so Bry.

Asan na kaya ang Kuya? Nagugutom na ako. Sabay naman may nag-doorbell... Buti naman andito na si Kuya, makakain na ako! Yey!

***ding dong

Binuksan ko ang pinto...

.

.

"Hello Baby boy!"

.

.

SI BRRRRYYYYY! Di ko mapigilang napangiti. Nakita ko ulit siya. Kay sarap ng may minamahal. Jk. Haha!

"Hahahaha! Di mo ako natiis no? You came back!" Pang-aasar ko.

"Sus, feel ko kasi need mo ako ka-movie marathon kaya bumalik ako." Tama. Kailangan ko talaga siya. Sana nandito lang siya lagi.

"Asa! Pumasok ka na nga!" Pagyaya ko naman. "Kailan ka uuwi niyan?" Tanong ko maman sa kanya.

"Sa Wed na. Or kung kailan ka uuwi." Talagaaaaaa? Kinikilig ako. May gusto din kaya siya sa akin?

Ed. Wag kang assuming. Assuming ko no? Tsk.

"Alam ko, kinikilig ka na dyan. Haha!" Siguro napansin niyang di ko mapigilan ang ngiti.

.

.

.

.

"Tara, punta tayong Luneta! Haha!" Pagyaya ko naman sa kanya.

"Huh? Bakit? Anong meron?" Naguguluhan niyang tanong.

"Eh gusto ko makita yung dancing fountain." Boring kasi kung manunuod lang kami, ayun na lang naiisip kong pwedeng puntahan.

"Hmm. Osige. Pero commute na lang. Baka ma-carnap yung kotse ko dun. Haha!" Sabi naman niya. Ano ba yan? Commute! Osige na nga. Basta kasama ko siya.

"Okay. Basta taxi ha." Sabi ko naman.

"Oo naman, bayad mo diba? Haha!" Kuripot nitong lokong to.

.

.

.

Kasalukuyan naming pinapanuod ang dancing fountain. Di ko maiexplain ang saya sa dibdib ko. Akala ko di ko na muna makakasama si Bry, pero andito siya ngayon sa tabi ko. Sana di na ito matapos.

Maya-maya pa...

"Umaambon na! Tara naaaa!" Pagyaya ko sa kanya habang papalakas ng papalakas ang ambon.

"Daliiiii!" Pagyaya ko pa. Pero nagbabagal-bagalan si Bry. Parang batang muwang. Ginaya ko na lang siya. Haha!

"Oy, ano ka? Bata?" Si Bry. Huh? Ako pa mukhang bata? Loko to ahhh!

"Bilisan na natin. Haha" nasabi ko na lang.

Wala na kaming masakyan na taxi, unti-unti na ding nagbabaha. Di rin tumitila ang ulan.

Napansin ko naman na giniginaw na si Bry.

"Oy, okay ka lang. Ginaw na ginaw ka na." Pag-aalala ko.

"Okay lang ako. Kaya ko pa." Nakangiti pa rin siya. Siguro para wag na ako mag-alala.

.

.

.

Ilang minuto pa lumipas, wala pa ding maskyan. Kahit na jeep, tricycle. Punuan na.

Naawa na ako kay Bry kasi ginaw na ginaw na siya.

"Alam ko na. Check in na lang tayo dyan sa hotel sa tapat. Palipas na lang tayo ng gabi." Pag-suggest ko naman. Di na nagsasalita si Bry. Inalalayan ko na lang siya.

"4,500 po yung room." Sabi ng receptionist. OMG. Wala akong dalang cash ganyan kalaki,

"Do accept credit cards?" Biglang pagsasalita ni Bry habang nangangatog.

"Yes Sir."

.

.

.

Isang kama lang ang na-book namin. Magastos na din kasi kung mag-2 beds pa. Nag-aalala na talaga ako kay Bry. Kasalanan ko to eh. Kundi ko siya niyaya dito, di naman mangyayari sa amin ito.

Sa loob ng kwarto...

"Bry, hubarin mo na lahat ng damit mo. Sampay mo dito para matuyo. Magkumot ka na lang para mainita ka." Pagsabi ko.

"Huh? Lahat?" Sabi naman niya.

"Aba'y oo! Lahat. Matutuyo ba yan sa katawan mo? Habang nakakumot ka maghubad para di ko makita. Maliit yan no? Kaya nahihiya ka. Haha!" Wala akong maramdaman na kahit anong malisya sa oras na ito. Namamayani ang pag-aalala.

"Osige." Hinubad niya na ang polo shirt niya. Ay! Nakita ko na naman ang katawan niyang mapang-akit. Hinubad na din niya ang pantalon niya. Tumambad naman sa akin ang fitted niyang boxer briefs na kulay orange. Malaki ang bukol na to kaya naman... Malaki ang.... Hay! Kalma.

"Sa ilalim ka ng kumot maghubad ng booxxxerrs!" Tanging nasabi ko nung maghuhubad siya. Di ko kayang makita yan. Mahina ako, marupok. Madaling matukso. Haha! Sinunuod niya naman ako. Nanghihina na din kasi siya, dahil siguro sa ginaw.

Humiga na siya at binalot ang kumot sa katawan. Napansin ko naman na kahit papaano ay nabawasan na ang pagngatog niya.

Agad naman na din akong hubad. May tuwalya sa CR kaya ayun na lang ang ipinanyapis ko. Yun na lang din ang ginawa kong kumot kasi nakakahiya kung share kami sa kumot ng hubo't hubad.

.

.

.

Gavriil Bryan Illano's POV

Naalimpungatan ako. Nagising ako mga bandang 1 am na siguro. Sinilip ko naman si Ed. Tuwalya lang pala ang pinangkumot niya sa sarili niya at nakita kong giniginaw na din siya. Agad ko naman siya kinumutan at tumalikod na lang ako sa kanya para di kami magkailangan. Ayos lang naman sa akin dahil parehas naman kaming lalaki.

Nahirapan na akong makatulog simula noon pero nakapikit na lamang ako. Siguro mababaw na lang ang tulog ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang malakas na malakas na hilik ni Ed. Nakakatawa. Haha! Sumunod ay naramdaman kong napayakap siya sa akin at ginawa na naman unan ang dibdib ko. Naramdaman kong nakadikit sa hita ko ang alaga niya. Naramdaman kong parang medyo malaki ito kahit malambot. Teka ano ba tong sinasabi ko?

Nagpatuloy na lang ako sa pagtulog. Nagulat naman ako ng biglang napalakas ang hilik ni Ed. Parang motor! Mas nagulat naman ako ng biglang daganan ng hita niya ang ari ko. Napa-aray ako kasi mabigat yung hita niya ha.

Naramdaman kong bigla-biglang nabubuhay ang alaga ko. Shit! Paano to? Wala ng extrang unan. Ibinaba ko na lang hita ni Ed at nag-isipmng mga nakakatakot na bagay. Multo, zombies.... Effective naman at nawala. Natulog na ulit ako.

.

.

.

To be continued...

WHY? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon