Chapter 9

541 11 0
                                    

Chapter 9

August 23, 2013 - Friday

Gavriil Bryan Illano's POV

Ilang araw ng tahimik si Ed. Di ako sanay. Sinusubukan kong kulitin siya pero ngumingiti-ngiti lang siya. Dinadalhan ko siya ng pa-isa isang slice ng cake, di ata effective comfort food ko. Huhuh!

Alam ko na!

To Ed:

Dinner tayo! Haha! Now na. Kita na tayo sa McDo!

From Ed:

Sure. Papunta na ako.

Yes! Yun! Pumayag. Binuksan niya ang pinto ng dorm niya...

"Hi! ^_^!" Sabi ko.

"Oh! Ano ginagawa mo dito? Kala ko sa McDo tayo."

"Nagdala ako ng food! Pati cake. Meron din para sa kuya mo."

"Haha! Wala si Kuya. Nasa kaibigan niya."

"Yun. Tumawa ka din!"

"Tara pasok ka. ^_^"

"Buti naman at pinapasok mo ako. I'm starving. Haha!"

Inayos na namin yung pagkain at sinimulang kumain. Ramdam kong umokay na yung pakiramdam niya.

"Oy! Bakit may isang buong cake kang dala." Si Ed.

"Eh di effective yung paisa-isang slice. Tinry ko na isang buo? Haha! Okay ba?"

"Sira ulo ka talaga. Hmmm. Di pa din effective eh." Sabay pa-cute. Ampf.

"Wala na. Imposible ka na. Haha! Wala ng solusyon yang kalungkutan mo."

"Di joke lang. Thanks ha."

"No problemo!"

.

.

.

.

Nagptuloy kaming nagkwentuhan. Kung anu-ano na napag-usapan namin. Nakakaloko. Mission success ako! Haha! Ed is back!

"Uy, ganda ng pictures mo ha. Candid lahat." Sabi ko nung napatingin ako sa pader niya.

"Talaga? I like to capture real moments. Yung hindi fake."

"Oh, madrama. Madrama. Tama na muna yan. Haha."

"Yes boss! Hmmm! Picture tayo!"

"Huh? Bakit?"

"Naalala ko lang, wala pa tayong picture."

"Arte. Haha!"

"Sige na. Dali, pwesto ka dun."

Mapilit siya eh. Pumwesto ako dun sa kama niya. Tapos patago akong nag-paprqctice ng smile. Nakakahiya naman kundi ako photogenic. Eh, gwapo tong kasama ko diba?

"Game! 10 shots yun ha!" Paalala ni Ed.

Inakbayan ko siya, at nag-smile. Haha!

Yung ibang shots. Kiniliti ko siya. Yung iba naman hinila ko yung tenga niya. Yung sinakal ko siya gamit isang braso ko. Yung iba nakaganti siya ng kiliti sa akin. Haha! Mukha kaming sira ulo.

"Ano okay? Ha?" Tanong ko.

"Wala naman matino. Mukha kang bully!"

"Ampf. Ang arte. Kala ko ba gusto mo candid. Haha!"

"Isa pa. Isang shot lang serious."

"Okay poooo."

Nagpose ako ng poker face. Walang emosyon. Straight face.

WHY? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon