Chapter 2 - Friendship

11 0 0
                                        

Chapter 2 - Friendship

"A friend is one that knows you as you are, understands where you have been, accepts what you have become, and still, gently allows you to grow." (c) William Shakespeare

"Eto, kumain muna kayo mga iho. May Graham balls na ginawa si tita Micah nio."

"Wow! Favorite ko yan!" 

"O mico saglit lang! Para sa mga classmate mo yan. " 

"Ano ka ba naman dad, hayaan mo na ^__^" , At ayan na naman ang ngiti nia na nakooo. napapasuko talaga ako. 

"Sge na nga. Pero anak wag mong ubusin. Share mo sa mga classmates mo "

Naalala ko tuloy nung first anniversary namin, iginawa nia ako ng Graham balls. May braces pa ko nun, inaalala nia kung mahihirapan akong kumain. Hehe napakathoughful ng asawa ko. :* Pero grabe, sobrang sarap nun. First time kong makakain nun. Pero hinahanap hanap ko yun. Lagi pag anniversary namin. Ginagawa nia ako nun.

"Oh Dad tulala ka na ah. Tuloy mo na yung kwento habang kumakain mga bata"

"Sge na nga. eto na.. "

--FRIENDSHIP--

 Nagkayayaan kameng gumala noong magkaklase, unang araw na gala ata namin yun. Nagpunta kameng SM Centerpoint. na tawag ko nun SM Sta Mesa. Pero pwedeng parehas pala. Haha. Hindi sguro nia napapansin. pero kanina pa ko tingin ng tingin sa kanya. Sa McDo kame kumain nun. Madami kame. Pagtapos kumain umakyat kame sa World of Fun. Nasa isip ko pa din yung alam kong may boyfriend siya. Pero di ko mapigilan tumingin sa kanya. Ok lang naman kung magkakagusto lang ako dba? 

Kanya Kanya ng try ng mga laro dun, may mga nagaarcade, pero nakita ko siya. nakasakay sa motor motoran. ang cute nia. pero ako dun ako sa karaoke. pagkakuha ko ng song book. 

--------------------------------------------

 007832 | Tulips from Amsterdam |   Max Bygraves

 007833 | Tuliro                           |  SpongeCola

 007834 | Tumble in the rough      |  Stone Temple Pilots

--------------------------------------------

Sguro alam nio na kakantahin ko dian? Tuliro by Spongecola. ohyeah. Ayos yan. Pakiramdam ko. Ganda ng boses ko dun eh. Mabuhay ang OPM! 

Nung saken na yung nakasalang, shet! Music video lang pala to. Walang lyrics! potek. imbes na makakapagpapogi ako. mukhang mapupurnada pa ah, hay, buti na lang medyo kabisado ko. sana di ko makalimutan. 

"Anong nadarama, sa tuwing makikita kang dumarating

tuliro! di malaman ang gagawin at walang ng ibang makapipigil sa akin

at wala ng ibang makapagbabago ng aking isip, sayoooo.

Giliw, ehem ehem, nahuhumaling

sabik sa bawat sandaling ika'y makapiling" technique ko kapag di ko na alam ang lyrics. Ubo style.

Pagtapos kong kumanta, lumapit ako banda sa kanya. Nung nakasakay siya sa Motor Motoran. Pero nahihiya akong kausapin siya. Kumanta din siya nun. My immortal ng evancescence. Nagulat ako. Ang ganda din pala ng boses nia pag kumanta. Napaisip tuloy ako bigla. Napakaswerte ng boyfriend nia. Halos na sa kanya na lahat, alam kong matalino siya, mabait, maganda, magaling pa kumanta. 

Sinubukan kong lakasan loob ko, pero sa bawat pagkakataon na nandian na siya sa harap ko. Bumibilis tibok ng puso ko. 

"Hi! Roland dba? ikaw ba yung nagtetext saken?" , nang kinausap nia ko. mas nadagdagan kaba ko. na baka may masabi akong di nia magustuhan. na baka may mabanggit akong magiba ng impression nia saken. nakoooo. bahala na nga. . 

"Ay, oo. natatandaan mo ko? hehe. Micah dba?" wala akong ibang masabi. Dapat lakasan ko loob ko. napakaduwag ko.

"Salamat pala dun sa fries last week ah? " 

"Ahhh. ay, eh hehe, walang anuman. belated happy bday pala ah. " 

"Salamat. hehe"  

bakit kaya kapag nakakausap ko na siya. iba na pakiramdam. Sa bawat salita nia, mas gumagaan. nawawala yung kaba ko. haha. sana magtuloy tuloy.

Hindi ko na pinutol yung usapan namin. Nagtuloy tuloy na nga. Kung ano ano mga napagusapan namin. Hehe. San nakatira, san nagaral nung High School, kung sino una niang naging kaibigan sa block namin. 

To be continued.......

LUCKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon