Mango Bravo
Alas singko ng hapon.
Nakatayo na si Allie sa harapan ng flower shop at may bitbit na shoulder bag at isang box ng cake.
She is wearing a dark violet off shoulder dress and flats.
Maaga siyang nag sara ng shop at kasalukuyang nag aabang ng taxi.
Isa siyang florist at pag aari niya ang flower shop na kanyang minamanage ngayon.
"Mam Allie mauuna na ako sayo ha magiingat ka po" paalam ni Norcel ang katuwang niya sa shop.
Tumango ako. "Mag iingat ka din" sagot ko.
Ang bahay nito ay walking distance lamang. Sinundan niya ito nang tingin habang wala pang taxi. Si Norcel ay may dalawang anak at ang asawa ay walang trabaho.
Nalulungkot siya mismo sa sitwasyon nito. Hindi naman niya masermonan sa pagiging martir.
Bumuntong hininga na lang siya at nilipat na ulit ang paningin sa kalsada.Isang taxi ang tumigil.
Dumungaw ang driver with good set of teeth.
Si Edward.
Ang kanyang kaklase noong elementary.Madalas siyang nasasakay dito pag ganitong hindi siya nag dadala ng kotse.
"Sakay na miss ganda" anito sabay baba pa ng sasakyan at tinulungan siya sa bitbitin.
"Salamat Edward akala ko magkakakalyo na ako sa kakaantay ng masasakyan pauwi" sabi ko ng makasakay na sa harap.
"Naku yan naman ang hindi ko papayagang mangyari. Kung sinasagot mo na ba ako aba! Hatid sundo pa kita" sagot naman nito sabay patakbo na ng sasakyan.
"Ikaw talaga alam mo naman na hindi pa ako handa ulit sa ganyang bagay. Masaya na akong ganito single at walang abala" sabay lingon niya dito.
Nakita nyang ngumuso lang at patuloy na nag maneho. Biyernes ngayon at coding siya kaya wala siyang choice kundi mag taxi.
Mukhang kabisado ni Edward yun kaya sa kanya din siya nasasakay tuwing biyernes.
May itsura si Edward maputi ito matangkad at palangiti.
Dati itong seaman at ng makaipon ay nag tayo ng negosyo. Hindi na muli sumakay ng barko.Delikado din daw lalo na kapag inabot sila ng bagyo sa laot.
"Gusto mo sa bahay mag hapunan? Birthday ni Angie ngayon" anyaya ko kay Edward.
"Oo ba! Anong handa ni Angie?" Usisa nito na nakangiti muli.
"Hindi ko pa alam pero bitbit ko ang favorite niyang cake na Mango Bravo" sabay nguso ko sa cake na nilagay niya sa likuran.
"O sige makikikain ako pero titigil muna ako sa may madaanan natin na convinience store bibilhan ko siya ng ice cream" anito.
Tumango ako at nangiti na lang.
Mabait si Edward at malapit na din sa pamilya ko dahil madalas dumalaw noon.
Isang masugid na manliligaw pero wala akong madama para rito only pure friendship.
Close siya kay Angie na 2 years younger sa akin.
Sumapit kami sa aming bahay at bitbit ni Edward ang cake and ice cream na nabili namin sa nadaanang store.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Kasi
RomansaSi Allie isang florist. Brad is her ex. The guy who hurt her 6yrs ago. Allie is about to make a flower arrangement for a wedding. Only to find out that Brad is her client. Is this a another heartache?