Hear 1
SARAP na sarap akong kumain ng chocolate cake ng may umupo sa tapat kong upuan
"Ginagawa nyo dito?" takang tanong ko kala Clover at Mackerel.
"Pinapahanap ka sakin ni Sky." sagot ni Mackerel, tinuro ko si Clover na kasama nya
"Bakit magkasama kayo?"
"Nakita ko lang sya sa tapat ng kompanya ni Sky sinabi nya sakin kung nasan ka." sinamaan ko ng tingin si Clover
"Sorry Aliyah mukha kasing importante yung sasabihin sayo ni Sky." napairap na lang ako, kahit ano talaga gagawin nya kapag si Sky na ang involve. Masyado syang na paghahalataan na gusto nya si Sky.
"Narinig mo lang ang pangalan ni Sky nakalimutan mo ng magkaibigan tayo." namula ang pisngi nito akmang magpapaliwanag ng itaas ko ang kaliwang kamay ko
"I don't need your explanation. Mack sabihin mo kay Sky na pupunta na lang ako sa office nya." tumungo ito at naglakad palabas
ITINULOY ko ang naudlot na kain ko at hindi pinansin si Clover na kulit ng kulit sa akin.
"Pwede ba wag mo ko kulitin kitang nakain ako." sungit-sungitan na saway ko
Nagpout ito at hindi ko maiwasang kuritin ang magkabilang pisngi nito. Ang cute cute nya kasi parang batang hindi mo binigay ng candy.
"Shige pishilin mo lang ang phisngi ko bhasta bati na tayo." natatawang inalis ko ang kamay ko sa pisngi nya
"Bilisan mo ng kumain kanina ka pa hinihintay ni Sky."
"Gustong gusto mo talaga si Sky." namula kaagad ang pisngi nya huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay nya
"Clover, you're beautiful girl, innocent and i think you don't deserve my cousin. Hindi dahil sa ayaw ko sayo para sa pinsan ko kundi ayaw ko sa pinsan ko para sayo. Payong kaibigan lang, ayokong makitang umiiyak ka dahil sa pinsan ko kaya hanggang maaga pa patayin mo na yang nararamdaman mo sa kanya." tumungo ito at ngumiti ng mapait kita ko sa mga mata nya ang sakit at hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt
Pero alam namin pareho na sa ika bubiti nya iyon.
BINUKSAN ko ang folder na binigay nya.
"Sa pagkakaalam ko hindi tv broadcasting ang kumpanya mo bakit binibigyan mo ko ng taong i-interviewhin?"
"Ang sungit mo talaga pinsan." sinamaan ko sya ng tingin
"Sagutin mo ko ng maayos wala akong panahon makipagbiruan sayo." napakamot ito sa batok
"Pinsan ganito kasi yun, sinabi sakin ni." hindi ko pinansin ang sinasabi nya dahil nakatingin ako sa babaeng pumasok ng opisina nya
"Clover? What the hell are you doing here?"
"Pinsan kilala mo sya?" singit ni Sky
"Sa pagkakaalam ko magkaibigan kami. Now answer me lady! Anong ginagawa mo dito?" nanatiling nakatungo ang ulo nito
"Pinsan naghahanap ako ng secretary dahil nawala si Coco saktong kasama ko si Mack at sinabi nya sakin na may kakilala syang nangangailangan ng trabaho." paliwanag ni Sky
BINAGSAK ko ang folder na hawak sa lamesa nito
"Anong kinalaman ko dyan?" tanong ko
"Si Mack nagrecommend sayo, sabi nya ang business mo daw ang makakatulong kay Arnold."
"Arnold? Yung kaibigan nyong mas matigas pa ang puso sa bato at mas tahimik pa sa pipe."
"Pagnarinig ni Arnold yang sinabi mo siguradong may gera na naman kayong dalawa."
"Gera? Wala ngang pakialam yung taong yun." nagkibit balikat lamang si Sky
"Ano naman kailangan kong gawin sa kaibigan nyong yun."
"Ayon sa paliwanag ni Mack sa business mo, humahawak kayo ng kliyenteng gustong makamove on, gustong mainlab, gustong magpakasal, gustong magdivorce at mga taong gustong maging masaya."
"And your point is?"
"Bilang kaibigan ni Arnold gusto namin makitang sumaya sya at yun ang gagawin mo. Gustong kong maramdaman nya kung paano maging masaya, and as your client not your cousin, please help my friend."
Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Sky. Wala na kong ibang nagawa kundi pumayag sa gusto nya hindi dahil sa pinsan ko sya dahil kailangan nya ng tulong ko.
MELOVINGU SHOP
"HELLO PEOPLE!!!!" nagsitinginan ang aking mga employer
"Mukhang masaya po tayo ma'am ah? Ano po bang nangyari?"
"That's a wonderful question Mica. Gather up people we have meeting." nagsimula na silang magsitayuan at sumunod sakin
"His Arnold Blaire Styrk. Do an invetigate about him. Even a single tiny bit information. We need to know him more."
"Ma'am bakit po? Ano po ba natin sya?"
"He is our client for now. And we need to him to give us a good feedback about our company. I'ts like hitting a stone with two bird. First they will paid us high. Second, because Mr. Styrk give a good feedback, more client wil come." nagpalakpakan sila
"Yes!" sabay sabay na sigaw nila
"Ma'am mukhang sya lang ang kailangan natin para lalong lumago itong shop nyo."kumento ng isa kong empleyado.
Tiningnan ko ang litrato nya sa screen at hiniling na sana nga, sya ang sagot sa mga kahilingan ko. I just wish, Lord.
BINABASA MO ANG
Listening Ear (Completed)
RomanceCODE 2: We born for a purpose "You can talk, speak, shout, curse and be talkative. You just don't do it. Wanna know why? Cause nobody caught you're interest." -Aliyah Blanca "You just did. You caught my interest baby." -Arnold Blaire Styrk