"Goodmorning ma'm"
"Welcome back"
Tinugunan ko ang mga bumabati sa akin habang naglalakad ako papunta sa office.
Pagpasok ko ng office. Sinalubong na agad ako ni Seren na may mga bitbit na mga papel.
"Anong meron dyan?" tanong ko pagka upo
"Signature mo lang ang kailangan ko dito."
"Kung ganun, bakit mo pa ako pinapasok?" my nilahad itong medyo makapal na nasa folder
"Our first ever VVIP." kumunot ang noo ko "VVIP?"
"Yes mam!"
"Ang alam ko wala tayong ganon." umiling iling ito
"Ay naku mam! Meron na po tayo. Sya lang kasi ang dahilan kung bakit naging kilala ang company natin. As in! Dahil sa kanya ang daming nagtiwala sa atin."
"Dahilan ng pagka angat natin?" nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang sinasabi nya
"Arnold Blaire Styrk. Noong nakaraan nya pa binigay sakin yan. Ngayon ka lang kasi pumasok. Pero mabuti na lang nakakapag hintay naman si Sir." binalik ko dito ang folder
"Wag mo tanggapin yan. Ibalik mo sa kanya." madiin na sabi ko
"Pero mam, alam na ng ibang reporter na kliyente natin si Sir. Kaya ang dami ulit kumukuha sa atin dahil sa balitang iyon." napasapo na lang ako sa mukha ko
Ibang klase din mambwisit yung lalaking iyon!
Akala ko ba? Set us free? Pero bakit may bumabalik?
"Ok. You can go." sinirado nito ang pinto
Napaangat ang tingin ko ng bumukas ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito?" matalim na tingin ko kay Arnold
"I came here as a client." umupo ito
"Sorry to say, but we reject your request. You can leave." bagsak ang balikat nito
"Can we talk?"
"Why would we? Is there any reason for us to talk?" may pait sa boses ko
"I'm sorry about what happened to us."
"Well, I'm not sorry. I'm actually happy. Tapos na ko magpaka tanga sayo."
"Can we please talk? Kahit ito na lang ibigay mo sakin." bumuntong hininga ako at lumipat ng upo sa tapat nya
"Go."
"Sorry. I know you're sick hearing that word. But I'm truly sorry. I love you, I know you also love me."
"As I recall, you said your just my mission? So how sure you are that I loved you?"
"I said that things because I'm mad."
"So dahil galit ka palalampasin ko na lang yun? Hindi ako galit ngayon. I want you gone. Kung magso sorry ka lang ng paulit ulit sa akin. Mabuti pang wag na tayo mag usap pa." tumayo ako pero hinawakan nya ang kamay ko
"Hear me out. Please. Ikaw na lang ang meron ako."
"Paano naman ako? Sarili ko lang din ang meron ako." umupo ulit ako "But for the sake of my mind and heart. Let's talk."
"Bakit pinaghintay mo ako ng matagal?"
"Baba na dapat ako unang chat mo pa lang. Kaso nandun si mommy at may kasama syang babae. Yun yung babaeng nakita mong kasama ko. Sinabi ko na kay mommy ang tungkol sayo. Akala ko tanggap nya tayo dahil wala akong narinig na kahit ano sa kanya pag uwi natin. Yun pala may pinaplano sya. Trust me, hindi kita niloko noong araw na yun."
"What happened that day?"
"Pumunta kami sa restaurant na naka reserve para samin. Hinatid ko lang sya dun dahil pagbaba nya umalis agad ako at pumunta sa bahay nila mommy." bakas sa mukha nya ang lungkot at sakit
"Nag away kami. Pinapili ako ni mommy." may tumulong luha sa kanyang mata habang ramdam mo ang sakit sa boses
"Pinili mo sya." tango tangong sagot ko
"Hindi." nanlaki ang mata na tumingin ako sa kanya "Ikaw ang pinili ko. Akala ko ok na sa kanya yung sagot ko hindi pala. Tinakot nya kong sisirain nya ang company na binubuo mo pa lang." sunod na sunod ang pagtulo ng luha nya, lumapit ako sa pwesto nya at niyakap sya
"Wala na kong magawa. Kaya nakipaghiwalay na ko sayo. Tinanggap ko lahat ng masasakit na salitang sinabi mo. Hinayaan kong isipin mo na ganon nga ang nangyari. Ayoko ng idamay ka pa sa gulo namin. Sakin tong problema ayokong mamomblema ka din dahil lang makasarili ang nanay ko." hinarap ko sya sakin at pinunasan ang mga luhang tuloy tuloy na nahuhulog sa mata nya
"I'm sorry." sinandal ko ang noo ko sa kanya habang naiyak din dahil sa nangyari samin
"I'm sorry wala ako sa tabi mo. I'm sorry sa masasakit na salitang nasabi ko. Sorry sinaktan kita imbis na pinagaan ko ang loob mo dahil mag isa ka lang. Sorry sarili ko lang nakita kong nasaktan. Sorry hindi kita nakitang nasasaktan din." niyakap namin ang isa't isa habang pagtuloy sa pagluha ang mga mata namin.
"Anong nangyari sa inyo ng mommy mo?" binigay ko ang basong may laman na malamig na tubig
"Umalis na ko sa company nya. Tumayo ako ng sa akin. Naalala ko kasi yung sinabi mo." napaka kunot ang noo ko
"Alin dun?"
"That you show me the world so that I won't be afraid to be left out. Yun yung bagay na hindi nagawa sakin ng magulang ko. Palagi kasi nilang nilalagay sa isip ko na dumepende sa kanila. Kaya noong nakilala kita. Lahat ng sinasabi nila mas pinapahalagahan ko. I'm sorry for the days that I'm become MIA. Masyado kasi akong tinambakan ng trabaho nila." natawa ako na pinagtaka ko
"Bakit?"
"Wala lang. Nakakatuwa lang. Parang dati kasi, konti pa lang sa akin yung binigay nila. Doon ko lang napagtanto na masyado nga akong babad sa trabaho. Hindi ko na alam kung ano pang meron sa labas ng trabaho ko. Wala akong kaibigan maliban kay Sky at Mac."
"Ano ka ba! Akala mo ikaw lang may natutunan. May natutunan din ako sayo. Akala ko kapag maraming kaibigan mas maganda at masaya. Pero noong nawala ka, mali pala ako. Kahit ikaw na lang ang matira at nag iisang kaibigan ko. Masaya na ko." natatawang pinisil nito ang ilong ko
"My princess is being sweet." ngumiti lang ako habang nakatingin sa mata nya
"Kamusta na kayo ng mommy mo? Bati na kayo? Isang taon na ang lumipas." umiling ito
"Hindi ko pa makita ang sarili kong kausapin sya. Pagkatao ko na ang pinagkait nya sakin."
"Blaire, hindi masamang magalit ang masama magtanim ka ng galit. Katulad ko, bigyan mo din ng chance ang mama mo na magpaliwanag kung bakit nya ginawa yun. Malay mo may matibay syang dahilan na kahit masaktan ka hindi matibag tibag. Walang mangyayari kung uunahin natin ang galit. Ayokong dumating sa punto na magsisisi ka sa huli. Ayokong masaktan ka ulit. Hilumin na natin ang puso natin sa sakit. Tama ng ang pagkait natin sa sarili natin ang maging masaya."
"W-What's with that stare?" nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang labi nya sa labi ko. It's just a quick kiss.
"Here you are again. Giving me advice."
"Of course. Ayokong masira ulit ang pagkatao mo. Alam kong hindi ka pa kumpleto. At hindi ka magiging malaya kung may galit ka sa puso." tumango ito
"Let's be happy?"

BINABASA MO ANG
Listening Ear (Completed)
RomanceCODE 2: We born for a purpose "You can talk, speak, shout, curse and be talkative. You just don't do it. Wanna know why? Cause nobody caught you're interest." -Aliyah Blanca "You just did. You caught my interest baby." -Arnold Blaire Styrk