Nakaupo kami sa sahig sa condo ni Severy. Tatlong araw na ang nakakalipas ng biglaang pag uwi nya.
Nakapabilog kami at may mga juice sa gitna namin. Hindi muna kami iinom ng alak dahil may mga importante pa kaming gagawin sa bukas at sa susunod na araw. Kapag malawak na ulit ang free time namin tsaka kami magce celebrate.
"Alam mo Aly hindi ko malaman kung bakit kayo naghiwalay?" tanong ni Jade
"Ayaw namin tanong dati dahil alam namin na sobra ka pang nasasaktan. Kaya baka ngayon masabi mo na sa amin kung ano ba talagang nangyari sa inyo."
"Kahit ako na best friend mo. Walang alam sa nangyari sa iyo. Nagulat na lang din ako hiwalay na kayo." ani Clover bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanila
"Maraming araw na kaming hindi nag uusap. Naniniwala kasi ako, the secret of long lasting relationship is communication and understanding. Noong wala syang paramdaman sakin hinayaan ko, inintindi ko dahil alam kong magkaiba ang buhay namin. Mas busy sya dahil madami silang business at sya lang ang may hawak." huminga ako
"Ilang araw ko ng hindi ramdam ang presensya nya pero hinayaan ko dahil mahal ko sya at intindi na lang ulit. Kahit sino naman siguro nasa posisyon ko masasaktan din. Yung mga magka chat nga lang na biglang nang ghost, grabe yung mga hugot nila sa buhay. Ako pa kaya na may karapatan, hindi pwedeng masaktan?" hindi ko namalayan na umiiyak ulit pala ako
"Wala na naman akong tanim na galit sa kanya. Siguro dati sobra sobra yung galit at sakit na nararamdaman ko kapag nakikita ko yung pictures nya. Nasaktan ako kasi, akala ko samin dalawa ako lang ang nagmahal, akala ko samin dalawa ako yung mas naging sunod sunuran, akala ko samin dalawa ako yung mas nasaktan. Sa sobrang pag aasume ko na akala ko ako yung nasaktan. Nakalimutan ko na meron rin sya, na sa sobrang sentro ko sa sarili ko hindi ko naisip na baka may rason sya kung bakit. Bakit hindi nya masabi kung bakit naging ganito kami, sa sobrang sentro ko sa sarili ko, hindi ko na isip na mas nasaktan pala sya samin." niyakap ako nila ako habang humahagulgol ako sa mga yakap nila
"Hindi ako umiiyak dahil sa nangyari sakin. Umiiyak ako dahil sa pinakita ko sa kanya. Sa sobrang selfish ko naging bulag ako. Lalo na nung narinig ko yung mga paliwanag nya, na sa sobrang pagmamahal nya sakin lumayas sya para mapakita sa akin na wala ng gagambala ulit samin sa oras na maging kami ulit. Sa sobrang paglaban nya sa pag ibig namin tinanggap nya lahat ng masasakit na sinabi ko para lang masiguro nyang maayos ako at matupad mga pangarap ko. Siguro sa iba sasabihin masyadong mababaw ang dahilan ng paghihiwalay namin. Ang dahilan lang naman ng paghihiwalay namin ay ang Mama nya. Wala silang karapatan manghusga dahil hindi sila yung nasa posisyon namin ng nangyari yun. Wala sila sa buhay namin para masabi nila na napababaw at madaling ayusin."
"Paano mo aayusin ang basag na salamin? Paano mo aayusin ang nasirang bundok? Paano mo bubuhayin ang namatay?"
"Ganun ang nangyari samin. Alam mo yun. Para kaming bahay na nasunog na ang tanging sulosyon lang ay magtayo ng panibagong bahay. Pero paano kami tatayo ulit kung sunog sunog at durog durog na ang puso namin? Alam namin na end game na kami. Wala na. Kaya para hindi pa kami masunog at madurog pinakawalan namin ang isa't isa."
"Iba talaga magiging dulot sayo kapag yung taong pinag kakatiwalaan mo ang syang unang hahadlang sa kasiyahan mo. Ibang iba ang sakit. Pinagsamang pagtataksil, paghihiwalay, pagsunod sa nais nila, pagtanggap sa ginawa nila at disappointment. Lahat na ng pain. Sa kanila mo lang mararamdaman. Dahil lang sa kasakiman nila." umiyak lang ako ng umiyak sa kanila
Dahil sa loob ng tatlong taon. Nasabi ko din ang mga sakit na matagal ko ng kinikimkim sa dibdib ko. Dahilan ng pagsikip ng dibdib ko sa sobrang galit at sakit.
Nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Clover habang nakaupo na kami sa kama ni Severy. Nilinis na nila ang kalat sa sala. Tahimik lang kami, habang nakahiga si Jade at nasa study table si Severy para maghanap ng pupuntahan namin para next week.
Dahil kasi sa kiwento ko naisipan nilang magbakasyon ulit kami para daw sakin. Gusto nilang pagaanin ang loob ko. Ang swerte ko talaga at nakilala ko sila. Kaya kahit wala na kami ni Blaire hindi ako nabaliw masyado dahil pinaparamdam nilang tatlo na hindi ako nag iisa. Lalo na si Clover, talagang nilulutuan pa ako para lang makasiguro syang kumakain ako. Kaya sobra ang pasasalamat ko sa pagmamahal nila sa akin.
"Ok ka na?" tanong ni Severy at humiga sa tabi ni Jade
"Yup. Ok na ako. Nawala na naman yung galit at sakit na nararamdaman ko sa kanya. Ganun siguro kapag minahal mo talaga ng totoo. Pagna intindihan mo na mawawala lahat at pag ibig na lang matitira." ngumiti ako ng maalala ang biglaan nyang pagpapakita sa akin
"Halata naman, kinikilig ka oh! Hahaha naalala mo sya no?" kiliti ni Jade na kinatawa ko
"Siguro sa iba sasabihin ang rupok rupok ko dahil tinanggap ko agad sya." nabatukan tuloy ako ni Clover
"Ikaw! Alam mo wag mo isipin sasabihin ng iba. Hindi ka magiging masaya kung ang kasiyahan mo naka depende sa mga salita nila. Tandaan mo yan!"
"Opo. Kaya nga pumayag ulit ako dahil sobra na kaming nasaktan. Karapatan naman namin ang sumaya at tanging sa isa't isa lang namin mararamdaman yun." tumungo sila
"I agree."
"Maka agree, bakit ganyan ba ang nangyari sa inyo ni Dren?" pang aalaska ni Severy kay Jade na kinalaki ng mata nito at hinampas si Severy
"Manahimik ka nga! Ang dami mo talagang alam."
"Naman! Iba talaga kapag may source." nakangising ani
"Source? Is that Mac?" nanlaki naman ang mata ni Severy at nawala ang ngisi nito
"I don't know that man." nagulat ako ng parehas tumawa si Clover at Jade
"Bakit? Anong meron?" takang tanong ko sa dalawa
"Ganito kasi--"
"STOP!" sigaw ni Severy "Matulog na tayo." lumapit ito kay Jade at hinala para matulog
Humarap ako kay Clover para magtanong pero nagkibit balikat lang ito. Kaya hinayaan ko na lang, kapag kaya na sabihin ni Severy tsaka ako magtatanong. Sa ngayon kailangan ko ibigay ang privacy sa kanya.
Tumabi ako kay Jade habang nasa parehong dulo si Clover at Severy. Malaki naman ang kama kaya kasya kaming apat. Natulog ako ng payapa at masaya dahil kasama ko sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/122634957-288-k726544.jpg)
BINABASA MO ANG
Listening Ear (Completed)
RomanceCODE 2: We born for a purpose "You can talk, speak, shout, curse and be talkative. You just don't do it. Wanna know why? Cause nobody caught you're interest." -Aliyah Blanca "You just did. You caught my interest baby." -Arnold Blaire Styrk