Hear 50

19 0 0
                                        

Nakabukas ang tv pero wala doon ang atensyon namin. Nanatili kaming nakayakap sa isa't isa. Nasa study ang alak at baso na iniinom namin kanina.

Sinusuklay ni Blaire ang buhok ko na nagkalat sa mukha ko habang maliit na hinahalik halikan ang mukha at ulo ko.

"Kamusta pala ang pagpunta mo sa inyo?" tanong ko ng maalalang hindi sya nagkwento humalik muna sya sa labi ko bago nagsalita

"Nag usap kami kasama si papa, tinanong ko sya kung bakit nya ginawa yun." nag hmm lang ako sa kanya para masabing ituloy nya

"Sabi sakin ni mommy kaya nya ginawa yun dahil baka daw nadadala lang ako ng emosyon ko, ikaw lang kasi ang nagpakita sakin at nagparamdaman sakin ng mga bagay na gusto ko maramdaman baka daw saglit na pag ibig lang ang nararamdaman ko sayo. Ayaw nyang masaktan ka at masaktan ako kaya gusto nyang maghiwalay tayo. Natatakot sya na dahil sa sobrang aggressive ng kabataan ngayon sa pag ibig baka matulad tayo sa kanila. Ayaw nyang makita na masira ang sarili natin dahil lang sa bugso at nagpadala tayo sa panandalian na pag ibig." humigpit ang yakap nya

"Kaya pinipilit nyang ibaling ang atensyon ko sa company namin at madaming babae at dates ang pinapakilala nya sakin. Gusto nya daw na maging sigurado ako sa nararamdaman ko bago ako magpadalos dalos. Naiintindihan ko sya. Alam ko lahat ng magulang ayaw masira ang kanilang anak ng dahil lang sa pag ibig."

"Galit ka pa sa kanya?"

"Ikaw ba?" tanong nya pabalik umiling ako

"Naiintindihan ko na sya, kahit naman siguro pagnagka anak tayo papakailman at papakailman natin lalo na kapag alam natin ikasisira ng buhay nila. Sobrang mahal lang tayo ng magulang natin sa paraang alam nila. Katulad mo, nag iisa ka lang kaya sobra kung paano ka protektahan ng magulang mo dahil ayaw nilang makitang nasasaktan yung anak nila na iningatan nila ng ilang taon."

"Isa pa, concern lang pala satin ang magulang mo. Hindi lang natin maintindihan ang paraan nila para protektahan tayo pero sa huli kahit ano pang paraan nila, kahit na nasaktan nila tayo, kahit na nawala yung tiwala natin sa kanila. Isa lang ang napapatunayan natin sa huli, sa mga explanation nila. Mahal na mahal nila tayo higit pa sa buhay nila. Kaya lahat ng galit natin sa kanila, tanim ng galit, nawawala kasi mahal din natin sila kaya napapatawad natin kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ginawa nila."

"Isang sorry lang nila, nawawala na yung sama ng loob, isang tawag lang nilang anak satin naghuhumagol na tayong iyak payakap sa kanila. Isang i love you lang nila sobrang sarap sa pakiramdam natin. Ganun ang pag ibig ng pamilya." humigpit ang yakap nya at hinarap ang mukha ko sa kanya

"I love you. I love you so much." dinama ko ang labi nyang humahalik sa labi ko

Sabi ni Severy may iba't ibang klaseng halik. At sa halik daw malalaman mo kung anong nararamdaman sayo ng tao. At sa halik nya isa lang ang nag uumapaw na nararamdaman ko. Ang pag ibig nya. Punong puno ng pag ibig ang paghalik nya na hindi ko maiwasang tugunan.

Naghiwalay lang kami ng pareho na kaming nawalan ng hininga.

"I love you too. Thank you for coming back." pinunasan nya ang luhang sunod sunod na nahulog sa mata ko

"I'm always coming back to you. Wanna know why princess?"

"Why?"

"You're my home. My life."

Listening Ear (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon