Chapter.13

2.9K 79 3
                                    

---

MATTHEW's point of view-

[FRIDAY NIGHT]

 Katatapos lang namin kumain, Nakatambay kaming Anim sa Isang Cottage. Hindi ko maiwasang Mapatingin kay Crystal.

 Matagal ng Panahon mula nung Huli ko siyang makita na ganyan Kasaya. Yun yung Panahon na ako pa ang Mahal nya.. Nakaramdam ako ng Kirot sa Dibdib ko. Agad kong iniwas ang Paningin ko.

'Dati,sakin lang siya ngumingiti ng ganyan,dati ako ang Mahal niya,Dati palaging nasaakin ang Atensiyon niya,dati ako palagi ang kasama niya..Dati..Dati pa yun nung Panahong, Ok pa kami. Nung panahong.. ako pa talaga ang Mahal nya'

Muli akong nakaramdam ng Kirot. Parang konti nalang ay Bibigay na ang Luha ko. At bago pa mangyari yun,Tumayo na 'ko

"Saan ka pupunta?" tanong ni Sheena.. Napatingn ako sa kanya. si Sheena, sya ang Naging sandalan ko noon.. Nagkabalikan kami. Mahal ko siya,OO, pero hindi ko matatanggi na mahal ko padin si Crystal, at alam ni Sheena yun.

"Babalik na sa kwarto.Sabay ka na?" balik tanong ko, Napatingin siya sa Mga kasama namin

"Una na kami ha?" saad niya bago tumayo. Humawak siya sa Braso ko.. Naglakad na kami, Pero imbis na kwarto, sa isang Mini Bar ako Tumuloy. Nakasunod lang si Sheena. nang makaupo ako, agad akong Umorder ng Maiinom. Hinayaan lang ako ni Sheena. Ganyan naman siya eh, Hnahayaan nya lang ako sa Gusto kong gawin, basta daw makakapag pagaan ng Loob ko..

"Nasasaktan ka ba?" maya-maya'y tanong nya. Napatingin ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang Pagbagsak ng Luha ko

"Kasalanan ko naman eh.. Kung hindi ko siya tinaboy dati,Kung inamin ko na Mahal ko rin sya, Edi sana. Masaya kami ngayon." saad ko, Muli kong nilagok ang alak. Huminga ako ng Malalim. "Pero kung inuna ko ang Nararamdaman ko, sa tingin mo, Magiging Ayos sila ng Magulang nya?" saad ko, umiling ako "Hindi.. kasi Kung umamin ako sa kanya noon, Malamang mag-i-stay lang siya dito..at ayoko naman mangyari yun. Ayoko na ako ang maging dahilan ng Lalong pagwasak ng Pamilya nila. Mas mabuti na yun, atleast ngayon. Ayos na sila. Ayos na siya, masaya na siya." saad ko, Pinunasan ko ang Luha ko.. Pumikit ako at inalala ang Masasayang Nakaraan namin ni Crystal. Bumuntong hininga ako.. "Pero aaminin ko.. Sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing nakakasama ko siya, sa tuwing nakikita ko ang Mukha niyang masaya,sa tuwing Nakikita ko siyang masaya sa Piling ng Iba.. Nasasaktan ako.. Sobra..Ang sakit dito.." saad ko at Tinuro ang Puso ko....

 Yinakap ako ni Sheena habang hinahagod ang Likod ko

"Tahan na...Nandito lang ako..Nandito ako Matthew..Mahal kita..At hindii kita iiwan" bulong niya... Nasasaktan ang isang Parte ko dahil kay Crystal, at isang parte naman ay dahil kay Sheena. Masyado niya akong Mahal,na kahit harapan ko na siyang Sinasaktan ng Paulit-ulit, hindi niya pa din ako iniiwan.. Mahal ko si Sheena.. Pero Hindi pa yung Talagang Buo. Gusto ko mahalin ko siya ng Buo.. At kaylangan ko na sigurong kalimutan ang Nararamdaman ko kay Crystal. Masyado ng Malaki ang Sinakripisyo ni Sheena..Mali na yung ginagawa ko. Nasasaktan ako, pero Naisip ko na. Nasasaktan din si Sheena..

 Gumanti ako sa Yakap niya

"Im sorry.." bulong ko.. Humigpit ang Yakap niya sa'kin

"It's Ok. Basta, tandaan mo na hindi kita iiwan." saad niya.. Maswerte na ko kay Sheena. Totoo siya kung Magmahal. Gagawin ko lahat para makalimutan na si Crystal. at Para maibigay ko na ang Buong pagmamahal ko kay Sheena.. Yun ang Alam kong tama.. sa Paraang yun, alam kong wala nang masasaktan. alam kong wala na kaming matatapakan...

 ang dapat ko nalang sigurong gawin. ay Ang makausap si Crystal. Nang sa ganun. Magkaron kami ng Maayos na Pagpapaalam...

 'pagpapaalam? Muli akong nakaramdam ng sakit..Kahit masaktan ako, gagawin ko dahil yun ang Alam kong Tama.. Ang Pakawalan siya.. ang Pakawalan ang nararamdaman ko para sa kanya... para sa Best friend ko..Para kay Crystal.'

Gitara.BOOK 2: My Boy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon