Chapter.22

3.2K 81 3
                                    

---

CRYSTAL-

"Baby. Bumangon kana kasi..Male-late tayo." pangungulit ni Zeus. Nagtakip ako ng Unan sa mukha

"5 minutes Baby." saad ko. "Aww!" sigaw ko ng Dumagan siya sa'kin

"Babangon ka. O gagahasain kita." nakangiting tanong niya. Ngumiti din ako. Pinulupot ko ang Kamay ko sa Batok niya

"Gagahasain kita." tumatawang sagot ko. Sinunggaban niya ko ng Halik. Padampi-dampi ang Halik niya sa bawat parte ng Mukha ko pati sa Leeg ko

"Bumangon kana." saad niya tapos hinalikan ako sa Pisngi. "Bilis.." tapos tumayo na siya. Pumunta siya sa Closet ko at nilabas ang Uniform ko. Kinuha niya ang Tuwalya ko at hinagis sa'kin. Natatawa nalang ako.. Ang cute niyang tignan sa ginagawa niya. Hinawakan niya ko sa Kamay at hinila patayo. Marahan niya kong tinulak papasok sa Cr.

"Baby.." tawag ko sa kanya.

"Yes,Baby?"

"Sabayan mo 'ko maligo." natatawang saad ko. Kinurot niya ang Pisngi ko at muli akong tinulak papasok sa Cr

"Bilis na. Male-late tayo." natatawang sabi niya. Sinara niya ang Pinto ng Cr. Natawa ako lalo. Binuksan ko na ang Shower at saka nag umipsang maligo..

 Nang matapos ako. Lumabas na ko sa cr, wala na si Zeus, baka nasa baba na. Napangiti ako ng nakahanda na lahat ng susuotin ko. Pati ang Undies ko nakahanda na.. Agad akong Nagbihis at nagsuklay. Bumaba na 'ko at naabutan ko siyang naghahanda ng Pagkain sa Mesa.

"Kain ka muna,Baby." saad niya. Ngumiti ako at umupo sa Harap niya

"Sabayan mo 'ko" saad ko. Ngumiti naman siya at sinabayan ako..

--

 "Waaaah! Ang Daya! Hindi mo manlang sinabi na Kasama si Zeus sa US! Ahuhu!" bungad ni Lyka ng makaupo kami sa Cafeteria.

"Tumigil ka nga Lyka!" saway ni Jam. "Magkasama naman tayo nung Sembreak ah? Pinakilala pa kita sa Parents ko!"

 napatingin kami sa kanila

"Teka nga..kayo na ba?" tanong ko. Umiwas ng tingin si Lyka

"Oo, kami na." nakangiting sagot ni Jam. Sinundot-sundot ko ang Tagiliran ni Lyka

"Ayiiiiehhh.. Luma-Lovelife kana pala ha..Yiiiehh" pang-aasar ko..

"He! Tumigil ka nga Crystal! Tsaka, Teka nga! Bakit ba iniiba mo ang Usapan?" saad niya. Humawak ako sa Braso ni Zeus

"Pinakilala ko siya kay Daddy. Kaya sinama ko siya. May pasalubong naman ako sa'yo eh." saad ko. kuminang ang Mata niya

"Talaga?"  tanong niya. Tumango ako,. Kinuha ko ang Cellphone ko at pinakita sa kanya yung Mga picture namin ni Zeus sa US

"Tadaaaah~! Tignan mo yang pasalubong ko, Para mafeel mo ang US." nakangiting saad ko. Nagtawanan naman sila pero si Lyka napa-Pout.

"Kainis ka talaga!" sigaw ni Lyka. Akma niyang ibabato ang Cellphone ko ng agawin ko agad 'to

"Not my Phone.." saad ko.. Puro pictures kasi namin ni Zeus 'to. Pati yung Picture niya habang natutulog, nandito.

Gitara.BOOK 2: My Boy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon