Chapter.18

3K 79 0
                                    

---

 CRYSTAL-

 FRIDAY->

 muling nagkayayaan. Last day na ng Class ngayon tapos Sembreak na. Nag-aya ulit sila na pumunta sa tagaytay. Pumayag ako tutal Lastday na. Kumpleto na kami. Dala ko ang Kotse ko

"Crystal, Sumabay ka nalang kaya samin?" pag-aalok ni Jam, Umiling ako.

"Hindi na. Kaya ko naman Magdrive. Tsaka,alam ko na yung daan." sagot ko. Lumapit sakin si Sheena at Matthew

"Best.." saad ni Matthew,napangiti ako. Ngayon niya lang ulit ako tinawag na Best. "Mag-ingat ka ha? mauna ka magdrive, susunod kami ni Sheena." saad niya. Tumango ko

"Ok po." sagot ko. Kinurot niya ang Pisngi ko at ginulo ang buhok ko

"Tama na yan! Nagseselos na ko." pabirong saad ni Sheena. Nakipag beso siya sa'kin "Ingat sa pag-d-drive ha?" saad niya. Tumango ako.. Si Zeus at Shanna, kanina pa nakasakay sa kotse ni Zeus. Sumakay na din ako sa Kotse ko, at ganun din sila. Bumusina muna si Jam bago pinaharurot ang sasakyan. Sumunod si Zeus at Shanna. Huminga ako ng Malalim. Pinaandar ko na ang Kotse ko at nakasunod naman sila Matthew.

 Nakakapagod pala ang Magdrive lalo na't ganito kalayo..

 Makalipas ang isang oras ay nakarating din kami. Kinuha ko ang mga gamit ko at sumunod sa kanila.

"Crystal, Ok lang naman sayo na Mag-isa ka sa kwarto diba?" tanong ni Shanna

"Ha? o-oo n-naman." utal na sagot ko. Ibig sabihin, magkasama sila sa isang kwarto? napalunok ako.. Ano naman? sila naman! at tulad nga ng sabi mo crystal, ginamit ka lang ni Zeus! Inabot niya sa'kin ang susi.. Magkakatapat lang ang mga kwarto namin.. Agad akong Pumasok sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga. Napagod ako sa Byahe at pag d-Drive.. D ko namalayan na nakatulog na pala ako.

 Pag mulat ko ng Mata ko. Agad kong tinignan ang Oras. Napabalikwas ako ng Makitang 7pm na! Tumayo na ko at naligo.. Matapos kong maligo ay lumabas na ko. Kumukulo na ang Tiyan ko dahil sa Gutom. Saktong pag labas ko, Bumukas ang Pinto ng Kwarto nila Zeus at lumabas siya. Pareho  kaming natigilan. Agad akong umiwas ng Tingin. Sinarado ko ang Pinto ng kwarto at nag-umpisang Maglakad..

"San ka pupunta?" napatigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya at nakatingin siya sa'kin "Gabi na..Baka kung mapanu ka pa." saad niya. Umiwas ako ng Tingin. May pakealam pa pala siya sa'kin ha? Hindi ko siya pinansin at nagtuloy ako sa Paglalakad. 'Sorry. Masyado mo 'kong nasaktan, hindi pa kita kayang kausapin'

---

 ZEUS-

Napabuntong hininga ako. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo siya. Bakit ba kasi pinairal ko ang Pride ko?! bakit ba pumayag ako ng Balikan ako ni Shanna?! Napaka laki kong Tanga!

 sa Lunes,Aalis na siya. Kinakabahan ako na baka hindi na siya bumalik ulit. Ayoko ng Mapalayo pa sa kanya.. Ano ba dapat ko gawin?

 Bumalik ako sa Kwarto. Sakto namang lumabas si Shanna sa CR ng nakatapis lang ng Tuwalya. Umiwas ako ng Tingin. Dumiretso ako sa Kama. Nakakainis! Bakit ba isang Kama lang ang nandito?

 Nagulat ako ng biglang humiga si Shanna ng Nakatuwalya lang. Napatayo ako.

"Ano bang ginagawa mo?!" iritang tanong ko. Niyakap nya naman ako "Lumayo ka nga Shanna!" sigaw ko

"Ano bang Problema mo?! Ako na nga ang nagbibigay ng Motibo, Ikaw pa tong Aayaw ayaw diyan!" saad niya. Lumayo ako sa kanya. Aaminin ko. May nangyari na sa'min nung Bago palang kami, nung mga panahong hindi pa bumabalik si Crystal. Pero isang beses lang yun at hindi ko na inulit.

"Wag mo nga ako igaya sa'yo! Hindi ako tulad ni Benj!" sigaw ko. Padabog akong lumabas ng Kwarto. Bwisit! Paglabas ko, Hndi ko alam san ako pupunta. Napatingin ako sa kwarto ni Crystal, lumapit ako dito at sinubukang Buksan.. Nagulat ako ng Hindi ito nakaLock. Pumasok ako at agad isinara ang Pinto. 'Nandito na kaya siya? gusto ko siyang makausap'

 Naglakad ako patungo sa isa pang Pinto, ito siguro ang pinaka kwarto. Pinihit ko ito at dahan-dahang binuksan..

"Zeus?" halos mapatalon ako ng Marinig ko ang Boses niya mula sa Likod ko.. Humarap ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Baka hinahanap ka na ni Shanna." saad niya. Umupo siya sa Couch at binuksan ang TV. Lumapit ako sa kanya

"Crystal." tawag ko sa kanya.. Hindi siya tumitingin sa'kin. Patuloy lang siya sa Paglipat ng pinapanood "Mag-usap tayo..." saad ko. Tumingin na siya sa'kin. Pero agad ding umiwas

"Tungkol saan?" malamig na tanong niya. Huminga ako ng Malalim

"Sorry..Patawarin mo 'ko..Sorry.." halos pabulong na ang pagsabi ko. Nangingilid ang luha ko. Napaka Bakla ko talaga! pero mahal ko siya...Gagawin ko lahat bumalik lang siya sa'kin.

----------

 A/N: konting tiis nalang =))

Gitara.BOOK 2: My Boy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon