"What a coincidence! I didn't expect I would be seeing you here," hindi makapaniwalang bulalas niya.
I gaped at her for a moment, still dumbfounded. I also didn't expect I'd be meeting Ronna here by coincidence.
"I told Johann we'd catch you this time. Funny how it turned so easy for me. Mamamangha siya kapag nalaman niya ito," she raved na tila ba nanalo siya sa isang pustahan.
"Sa wakas ay nagkaabot na kayo ng pinsan mo. Pumunta pa kayo sa bahay, dito lang pala kayo sa supermarket magkikita," anang Aling Petra.
"Oo nga po, Aling Petra. Buti na lang napadaan kami ni Jimelle rito sa grocery."
"Kasama mo si Jimelle?" Aling Petra asked.
"Yes, may binalikan lang siya saglit---Oh, andyan na pala siya!"
Tinuro niya ang bandang likuran ni Aling Petra. Napalingon kami roon at nakita si na may bitbit na apat na bottle ng Gatorade. Ngumiti siya nang makita kami at nang makalapit, inilagay niya ang mga bitbit sa cart na puro junkfoods ang laman.
"Percy, long time no see! Akala ko iniiwasan mo na kami," aniya na kaagad kong inilingan.
"Hindi naman sa gan'on. Sadyang may ginagawa lang talaga ako sa tuwing may game kayo kaya hindi ako nakasasama," I explained.
"Talaga? Alam mo bang nagtatampo na kami sa'yo?" Ronna seconded. "Iba-block ka na nga rin dapat ni Lev sa Facebook dahil hindi mo man lang ni-like 'yong pictures na tinag niya sa'yo."
"H-hindi pa kasi ako nago-open ng Facebook." Totoo. I was more into Twitter and Instagram these days.
"Hindi kami maniniwala kung hindi ka sasama sa'min," supladang tugon ni Ronna.
Na-corner ako!
"Saan naman?" I asked in defeat.
"Sa game nina Covenant. Pupunta kami roon. Nauna na sina Johann at Lev. Dumaan lang kami rito para bumili ng pagkain," she answered.
My heart jolted. Paano ako haharap kay Covenant gayong hindi ko naman dala ang jacket niya? Nakahihiya!
"Pe-pero," napatingin ako kay Aling Petra, "hindi pa kami tapos mamili."
"Okay lang, hija. Kaya ko naman na 'to. Pupwede namang ako na lang ang mag-uwi ng mga ito sa bahay. Sumama ka na lang sa pinsan mo."
"Really? That's so kind of you, Aling Petra," ani Ronna sabay hawak sa kamay ni Aling Petra, tuwang-tuwa. "See? Wala ng problema. You can come with us now."
I opened my mouth to speak but no words came out of it. Mukhang wala na naman akong lusot ngayon.
Pagkatapos kong bayaran ang grinocery namin ni Aling Petra, sumama na ako kina Ronna papuntang Rheinfield kung saan gaganapin ang laro.
"Yesterday's match was pretty intense. You should have seen it," Jimelle said while driving. Nakatingin lang ako sa bintana. Habang papalapit kami sa venue, lumalakas lalo ang kabog ng dibdib ko. It's been what? Two weeks since I last saw them. I am not prepared to face them again.
"Sinong nanalo?" I asked.
"Sina Jimelle. It was a close fight. 5 points lang ang lamang," sabat ni Ronna.
"We still have another game," dagdag ni Jimelle. "Maybe you can watch us then?"
Napalunok ako sabay tingin sa kanya. He watched me through the rear-view mirror but I couldn't say anything. Ayokong mangako lalo't di pa ako sigurado kung papayagan ako ni Mom.
Aside from that, di ko rin maintindihan kung bakit isinasama nila akong manood sa game ni Covenant ngayon gayong hindi naman mga pinsan ko ang maglalaro. Anong gagawin ko roon?
BINABASA MO ANG
Loving Persephone
Teen FictionPersephone Duavis is a quiet person. You leave her alone on a couch and she will remain there, her mouth closed for hours. She finds solace in solitude and in silence. She loves staying at home the most unlike her outgoing cousins who all love party...