Time flies fast when we're living great. It only slows down when we're sad. It's an ironic and inevitable contrast in life we all have to deal with. And right now, I'm dealing with the moments in my life that are set in fastforward.
Three weeks after our Intramurals, Intrams naman ng Archenger ang sinimulan. Compared to ours, their Intrams was set to last for 5 days. Kasali si Covenant sa department's basketball team nila. Sina Johann at Jimelle din. Magkaiiba sila ng department kaya may mga pagkakataon na nagkalalaban silang magkakaibigan. Their other friends joined the other competitions. Iyong iba naman ay wala. Katulad ni Ronna na nanonood lang. It was Covenant who relayed all these information to me and I'm glad he's keeping me updated about my cousins. Magmula kasi noong birthday ni Jimelle ay hindi ko na ulit sila nakita. I miss them but our lives have to go in separate ways like before.
Mario, who I always see everyday, kept me reminded about everything. Lalo na kapag gumigimik silang lahat at hindi ako kasama, magtatanong siya sa'kin kung bakit hindi ako sumasama gayong naroon din naman si Covenant. Para sa'kin, hindi porket kami ni Covenant, magiging kumportable na rin ako sa mga nakasanayan nila. I'm still not into gimiks. I still want to stay at home than to stay up late in some bars. Hindi ako mahilig sa gan'on. I'm lucky enough that Covenant respects that kaya hindi niya na ako niyayayang sumama. In return, hindi ko rin naman siya pinagbabawalan. Those are the things that he was used to even before he met me, I can't take that away from him. Hindi ako gan'on.
"This is the first day of the Intramurals. Maglalaro sina Covenant mamaya," balita ni Mario sa'kin nang makasalubong ko siya sa labas ng SAO. "Makalalaban niya team ni Jimelle. Manonood ako. Gusto mo bang sumama?"
"May klase ako mamaya," malungkot na sagot ko. Bukod sa may klase ako, I don't think I could dare appear there knowing na bawal ang outsider. Isa pa, paniguradong magugulat ang mga pinsan ko kapag nakita nila ako.
"That's sad. I just thought you want to support your man."
Sinusuportahan ko naman siya. Hindi nga lang sa paraang sinasabi niya.
"Naiintindihan naman ni Covenant," I said.
Mario patted me in the shoulder at hindi na siya nangulit pa dahil na rin sa may klase pa siyang papasukan.
Nagpatuloy ako sa room at binungad ako ng bati ng kaklase kong si Dominic. Nginitian ko lang siya't nagpatuloy ako sa aking upuan. Julie's there, watching me while I settle in my seat before blurting a comment. "Hanggang ngayon, ang lamig mo pa rin kay Dominic. Kung ako ikaw, matagal ko na siyang kinaibigan. Mabait kaya siya at cute rin!"
Hindi ako sumagot. Kahit ano pang sabihin ni Julie'y wala rin namang mababago. Hindi niya pa alam ang tungkol kay Covenant. Hindi rin naman namin napag-uusapan atsaka pinakiusapan ko sina Arisa na sa amin lang muna ang tungkol sa impormasyong iyon. Ayokong kumalat. Mas mahirap itago kapag maraming nakaaalam.
Tahimik akong kumuha ng libro mula sa bag at binasa ito. Hindi pa ako nakadadalawang paragraphs nang tumunog ang cellphone ko. I immediately checked the message.
From: Covenant
I'm still free. Mamaya pa ang game. What are you doing?To: Covenant
Nagbabasa ng overview sa lesson namin ngayon.From: Covenant
May quiz kayo?To: Covenant
Wala naman.To: Covenant
What are you doing?From: Covenant
Ronna and I agreed to try the movie booth. Nanonood kami ngayon ng movie.I suddenly felt bitter. Mabuti pa si Ronna nakasasama niya si Covenant araw-araw.
BINABASA MO ANG
Loving Persephone
Roman pour AdolescentsPersephone Duavis is a quiet person. You leave her alone on a couch and she will remain there, her mouth closed for hours. She finds solace in solitude and in silence. She loves staying at home the most unlike her outgoing cousins who all love party...