Chrishna's POV
Yayy! May POV pala ako dito, thank you author hehe luv u.
Welcome :)
Ang tipid ng sagot ni Ms. Author. By the way andito ako ngayon sa pila sa canteen. Si bes, pinauna at pinahanap ko na ng seats baka mamaya mawalan pa kami. Ang hirap kayang mawalan, lalo na 'pag yung nawala sayo ay kailangang-kailangan mo na. Kung kailan wala na, tsaka mo lang naappreciate kung gaano ito kahalaga or kung gaano kaimportante yung value nito.
Only know you love her, when you let her go
And you let her go, Ohhh~ Ohhh~Enebe author, stop na huhu past na nga eh. Ayoko nang maiflashback or maalala yung nangyaring yun. Pero kahit anong gawin ko 'di ko talaga 'to malilimutan.
*Flashback*
"I'm so sorry, Chrishna. Iba ang mahal ko, pasensya na. Makakahanap ka din ng mas better sakin"
*End of Flashback*
Ang sakit lang eh, pero wala na talaga. Past na yun. Siguro nagtataka kayo kung sino yon noh? Sa ngayon, sekretong malupet muna, malalaman nyo din yon. Hindi pa talaga ako nagkaka-bf pati na rin si Celena hindi padin, study first kasi kami eh. Mataas kasi yung expectations samin ng mga parents namin.
Nabalik na 'ko sa wisyo nang biglang nagtext sakin si bes.
From: Bessyq
Bes ang tagal mo naman, gutom na c acqoueh!
Nireplyan ko agad si bes, maiinipin kasi 'yun eh.
To: Bessyq
Saglit lang naman, pangalawa na ko sa pila eh, maghintay ka naman!
Ambilis ko noh? Kanina pang-anim pa ako pero ngayon pangalawa na hahaha! Paano kasi yung ibang students nainip na kaya 'yun umalis na sila sa line.
Hays, ang liit talaga ng patience ni bes. Sabagay, ang hirap nga naman talagang mag-intay. Lalo na 'pag pinaghihintay ka pa eh, pero wala ka namang pag-asa. May mga time na worth it naman yung paghihintay mo dahil darating yung hinihintay mo. Minsan kasi naghihintay ka lang talaga sa wala, tsaka minsan din, wala namang sinabi sa'yong maghintay ka, pero ikaw go ng go pading maghintay kahit nasasaktan na.
After a minute, nakareceive ulit ako ng text from bes.
From: Bessyq
Bes gusto ko 1 and a half rice ah
Hahahahaha! Grabe, mukhang gutom na gutom na talaga si Celena ah, hahaha! Sabagay, kung 'di ka pa manlang nag-almusal eh talagang magugutom ka. Paano ko nalaman na 'di siya nag-almusal? Sus, bestfriend niya ko, kaya alam ko kung bakit at sa akin nalang 'yun hehe. 'Di ko na siya nireplyan at may naisip akong bright idea.
*Ting*
Meron nga pala akong bagong sim dito hehe, buti nalang dual sim 'tong phone ko. May free load pa naman 'tong bago kong sim! Hmmm, smart si bes, smart din 'tong new sim ko! *devil laugh*
Inilagay ko na yung new sim ko tapos nagcompose na ko ng message para kay bessy. Mapagtripan nga 'tong babaeng 'to! Hahahaha, ano kayang mafe-feel niya?
To: Bessyq
Hi, it's me, Mattew
Pinindot ko na yung send button then send through Sim 2. Globe kasi talaga ko, since na smart si bes, bumili ako kanina ng simcard pero 'di ko pa sinasabi sa kanya na nakabili na 'ko. Syempre, pagtritripan ko muna siya hahaha! Ano kayang mararamdaman niya na kunwaring si Mattew yung nagtext sa kanya? Sigurado ko na ichichika niya sakin mamaya 'to haha, goodluck sakin. Act natural, Chrishna.

BINABASA MO ANG
Right Person, Wrong Time
Ficção AdolescenteThere are two persons who met the RIGHT PERSON at the WRONG TIME. What will they do? Will they hold on or will they let go? Will they just hide or will just wait? ------------------------------------------- This is a teen fiction story made by a 14...