Part 9
Pagkarating ni Jaeyoung sa kanyang bahay ay agad niyang binuksan ang kanyang refrigerator at kinuha ang dalawang pirasong beer na naka Can, at ibinigay naman niya ang isa kay Henry.
Agad naman na kinausap siya ni Henry...
*sir, yung kaibigan ni Janna, plinano niya yung paghila niya sakin kanina, wala talaga siyang naiwan sa restaurant, nag- usap kami tungkol kay Janna at may pinakiusap siya sayo.*ano naman yon?
*gusto niyang magkapalagayan kayong dalawa ni Janna, nang dahil daw kasi sa masamang nakaraan niya eh naka focus na lang daw lagi ito sa trabaho, wala na daw itong planong isipin na buksan ang puso niya at magmahal muli, dahil sa mga panliliit na ginagawa sa kanya ng ibang tao. Nangangamba kasi yung kaibigan niya na baka daw dumating ang araw na mamuhay na lang siyang nag-iisa dahil sa ginagawa niya ngayon. Wala kasing ginawa ang parents niya kundi pagsalitaan siya ng masasakit na salita pag hindi sila naabutan ng pera, mahal lang daw siya ng mga ito pag nakakatanggap na ng pera, tapos niloko pa siya ng taong minahal niya. Kaya yun, nag-iba na daw ang pananaw ni Janna.
*ganun pala. hindi ko alam na mas malala pa pala ang napagdaan ni Janna maliban nang nakita ko siya sa Baguio.
*puwede bang magtanong sir, ano bang nagustuhan mo kay Janna?
*nung una, naawa lang ako sa kanya,dahil dun sa masasakit na salita na binitawan nung sosyalerang babae. Pero nung makita ko siya uli, pilit niyang lumalaban sa masamang emosyon na naramdaman niya. Ang feel ko lang eh parang napaka lambot ng puso niya, pero masasabi ko ring napaka tapang niya sa tingin ko. tapos yun na nga, tinitigan ko siya, and then sinabi ko sa sarili ko na kung ayaw nila sa kanya, pipilitin kong maging akin siya. Marunong at tapat siya kung magmahal, hindi lang siya pinahahalagahan nang mga taong ginalang niya.
*iba ka na talaga, may pinagbago ka na?! pero sir, handa mo na ba talagang kalimutan ang babaeng minahal mo noon?
*hyung, sa nakalipas na taon, walang oras na di ako nag memessage sa kanya na nageexpect ako na mag rereply siya at magkakabalikan uli kami, dahil alam kong mahihirapan din siya na kalimutan ako, pero pinatunayan niya talaga na walang kahulugan ang pagmamahalan namin noon. Nagpakasal siya sa iba. Ibig sabihin, matagal niya na akong kinalimutan, kaya hindi na ko umasa at kinalimutan ko na rin siya. Taon ng lumipas, hindi ko na kailangan pa siyang antayin. Lalo na't may nagpatibok uli sa puso ko. (sabay hawak nito sa dibdib na nakangiti)
*so sir, wala ng atrasan yan ah?! good luck sayo! mukhang mahihirapan ka kay Janna, kasi may pinanghuhugutan yung tao.
*hyung, gagawin ko talaga ang lahat para mapasakin siya. (sabay pilyong ngumiti)
*hayaan mo sir, nandito lang ako, handang sumuporta sayo! (sabay taas nito ng kanyang hawak na beer) para kay Janna! Cheers!
itinaas at inilapit din naman ni Jaeyoung ang hawak na alak at nakipag cheers kay Henry.
Habang nagluluto ng umagahan si Janna ay bigla niyang narinig na tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa mesa. Tiningnan niya ito at napansing hindi pamilyar ang nakitang phone number, inakala niya na baka ang boss nila ang tumatawag kaya sinagot niya 'to.
YOU ARE READING
You heal my broken heart
Romance"paano ipaglalaban ang kasalukuyang minamahal, kung biglang nanumbalik ang nakaraan? mahihilom pa ba ang pusong minsan nang nasaktan?"