Part 20
Maayos na ipinarada ni Jaeyoung ang kotse sa parking lot, pagkaraa'y agad na nagtungo ang dalawa sa loob ng grocery store.
Panay ang pili ni Janna ng mga sariwang isda at masaya namang sinusundan ni Jaeyoung si Janna na napapatingin pa sa dalaga sa bawat bigkas ng bibig nito.
Halatang halata sa dalaga na sanay na sanay ito sa pamimili, kaya hangang hanga naman sa kanya ang binata.Maya maya'y turo naman ni Jaeyoung sa iba pang dereksyon na bibilhin nila, na nakasulat sa papel na ibinigay na bibilhin nila...
Animo'y para silang bagong kasal na mag-asawa kung magtulungan sa pamimili,
Kaya agad na may biglang pumuna sa kanila,
Na agad din namang nakaagaw pansin sa dalawa...
*hi ma'am! Tikman niyo po itong bagong product namin! Ibang iba po ito sa panlasa niyo po ma'am! Siguradong gaganahang kumain itong mister niyo po kung ihahain niyo 'to sa kanya! Panalong panalo po yan sa lasa ma'am!
*a-ay! Miss! Hhindi ko siya asawa-!
*ay- sorry po ma'am!
Pero ma'am baka gusto niyo pong i-try tikman 'to.Bigla namang sumingit si Jaeyoung
Sa kanila...*ok! Matikman nga~! (Pangiting banggit ni Jaeyoung)
Agad na tinikman ng binata ang pinagmamalaking produkto ng promodizer, maya maya'y agad na kumuhang muli ito at itinapat kay Janna...
*ahh--'
(pasubo nito kay Janna sa hawak na pagkain)Nagulat naman ito sa inasal ng binata, kaya agad na napatitig ito kay Jaeyoung na di malaman kung ano ang irereaksyon nito sa kanya.
*Ahh~!
Ulit pang muli ni Jaeyoung sa kanya..
Kaya, dahan dahan na lamang niyang ibinuka ang bibig nito, kaya isinubo sa kanya ni Jaeyoung ang pagkaing hawak hawak.
Ngumiti naman sa kanila ang promodizer na halatang kinikilig sa kanilang dalawa..
*ano Janna? Pasok ba sa panlasa mo ?
*ah-- Oo, masarap ang lasa nnito-
*miss! Kukuha kami nito ok?!
Agad na sumagot ang promodizer...
*ok po sir! Salamat po!
(Pangiting wika nito)Pagkaaraa'y iniabot na nga nito ang ipinagmamalaking produkto.
Nagpatuloy muling naglakad ang dalawa, hanggang sa may nakita si Jaeyoung na prutas na pinaka paborito niya, isang pack ito ng strawberry kaya agad na kinalabit nito ang dalaga upang huminto panandalian. Kaya huminto nga ito, at pagkaraa'y tiningnan nito ang pagtungo ng binata sa may prutasan.
Habang nakatingin ito ay nagulat naman si Janna na may biglang kumapit sa kanya na isang batang babae. Nagulat si Janna ng biglang magsalita ito sa salitang Korean.
Awang awa siya sa bata dahil umiiyak itong kumapit sa kanya.
YOU ARE READING
You heal my broken heart
Romance"paano ipaglalaban ang kasalukuyang minamahal, kung biglang nanumbalik ang nakaraan? mahihilom pa ba ang pusong minsan nang nasaktan?"